13/01/2026
"A FAKE Triskelion will never be a brother or sister to a TRUE Triskelion, no matter how loud they claim it!"
Ang pagiging Triskelion ay hindi lang pangalan, simbolo, o sigaw. Hindi ito nakukuha sa pag-aangkin, pagpapapansin, o pagiging maingay. Ito ay pinatutunayan sa paninindigan, asal, at konsistent na gawain. Sa Tau Gamma Phi-Tau Gamma Sigma, bawal ang colorum. Ibig sabihin, walang puwang ang pekeng miyembro, ilegal na grupo, o self-proclaimed Triskelion na walang lehitimong pagkilala at proseso. Kung colorum ka, kahit ilang beses mo pang isigaw na "Triskelion ako," wala kang legal, moral, at fraternal na batayan. Ang katotohanan ay hindi nadadaan sa lakas ng boses kundi sa legitimacy at ebidensya. Ang tunay na Triskelion ay dumadaan sa tamang proseso, respeto sa konstitusyon ng kapatiran, at pananagutan sa kapwa kapatid.
Kung pinipili mo lang ang titulo pero tinatalikuran ang disiplina at responsibilidad, malinaw na hindi iyon kapatiran kundi pagkukunwari iyon.
Ang tunay na Triskelion ay hindi kailangang mag-ingay para patunayan ang sarili; ang peke, kailangang maingay dahil wala siyang maipakitang patunay. Tandaan, ang COLORUM ay hindi kapatid. Ang peke ay hindi kailanman magiging Triskelion. At ang TUNAY, hindi kailangang sumigaw para makilala.
-TIP Manila Triskelion