28/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐| ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐จ ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐, ๐๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฏ๐๐จ ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐ญ๐๐ญ๐ ๐๐ง๐ข๐ฏ๐๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ
Masigla at makulay na ipinakita ng mga mag-aaral sa Davao Oriental State University (DOrSU) ang kanilang mga talento at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa ginanap na kulminasyon ng Buwan ng Wika ngayong araw, Agosto 27, 2026.
Sa temang โ๐พ๐๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐ฐ: ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐,โ tampok sa pagdiriwang ang ibaโt ibang patimpalak na nagbibigay-daan upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain sa pagkanta, pag-arte, at pagsayaw na sumasalamin sa kultura at wikang Filipino sa makabagong panahon.
Sa pambungad na pananalita, binigyang-diin ni ๐๐ซ. ๐๐๐ฒ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ ๐. ๐๐๐ฌ๐ข๐จ๐ง, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura, na ang wika at kultura ay hindi lamang matatagpuan sa mga silid-aklatan o sa mga aklat, kundi ito ay buhay at patuloy na umiiral sa ating mga tradisyon, sa ating mga usapan, at sa paraan ng ating pakikipag-ugnayan sa isaโt isa.
Binigyang-diin naman ni ๐๐ซ. ๐๐จ๐ฒ ๐. ๐๐๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐, Vice President for Finance and Administration, na ang AI ay isang kasangkapan lamang na maaaring gamitin ng tao upang mapadali ang pagkatuto at pagkuha ng impormasyon. Gayunpaman, ang tao pa rin ang may pangunahing pananagutan sa kaalaman at sa kung paano niya ginagamit at sinusuri ang impormasyong nakukuha mula sa AI.
Sinimulan na ng mga mag-aaral mula sa bawat fakulti ang pagpapakita ng kanilang masisigla at kumikinang na mga talento sa ๐๐๐ซ๐ฌ๐ข๐ค๐ก๐๐ข๐ง, habang sinimulan naman ng mga hurado ang paghusga sa patimpalak na ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฒ๐จ๐ง. Sa kabila ng matinding init ng araw, todo-hataw ang bawat fakulti upang maipakita ang kanilang angking galing at makamit ang inaasam na tagumpay.
Bilang pagtatapos, lubos na nagpapasalamat si ๐๐. ๐๐๐ซ๐๐ฏ๐ข๐ ๐๐๐๐ง ๐. ๐๐ฎ๐ญ๐จ๐ , Program Head ng Batsilyer sa Pansekundaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino, sa lahat ng dumalo at nakiisa sa matagumpay na pagdiriwang ng Pampinid na Palatuntunan ng Buwan ng Wika.
Nagtapos ang palatuntunan na may galak sa puso ng bawat isa, dala ang masasayang alaala at makabuluhang karanasan. Nawaโy magsilbing daan ang programang ito upang higit pa nating pahalagahan, pagyamanin, at ipagmalaki ang ating Wika at Kultura sa kabila ng patuloy na pagbabago ng panahon. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya at pag-usbong ng Artificial Intelligence (AI), nawaโy gamitin natin ito bilang isang kasangkapan na makatutulong sa ating pagkatuto, pananaliksik, at paglikha, ngunit hindi bilang kapalit ng ating sariling kakayahan, pag-iisip, at pagiging makatao. Sapagkat gaano man kaunlad ang teknolohiya, nasa atin pa rin ang kakayahang mag-isip, lumikha, at magpahalaga sa wikang nag-uugnay sa ating kultura at pagkakakilanlan.
โ๏ธ| Tricialyn S. Saplagio
๐ท| KAMFIL Media Team