30/05/2024
Ano nga bang iniexpect mo sa ALPHA KAPPA RHO?🐉
Kami po ay isang kapatiran, Kung binabalak mong sumali sa amin mag isip ka muna kung anong mapapala mo saamin, dahil masasaktan ka na nga, dadami pa obligasyon mo...
Kung sasali ka saamin wag mong iexpect na magiging RESBAK mo kami pag may trouble ka, hindi kami GANGSTER, Ang pag aaway ay mahigpit na ipinag babawal ng ALPHA KAPPA RHO sa mga kaanib nito, Kung ano ang turo ng mga magulang at g**o mo sayo, GANUN DIN ANG TURO NG ALPHA KAPPA RHO.
Kung Dati wala kang desiplina at hindi ka natatakot sa mga magulang mo, pwes ang ALPHA KAPPA RHO ang mag dedesiplina sayo, tignan lang natin yang tigas ng ulo mo.
Kung may problema ka, kaya ka naming tulungan sa abot ng aming makakaya.
Kung sasali ka saamin dahil gusto mong KATAKUTAN KA DAHIL MEMBER KA NG FRAT, nagkakamali ka diyan, pag member ka ng ALPHA KAPPA RHO, bawal lumaki ulo mo, lagi kang maging HUMBLE DAPAT kahit kanino, at kung gusto mo lang ipag yabang na member ka ng frat wag ka nalang sumali, dahil ang kapatiran namin hindi dapat ipinag mamayabang kundi ipinag mamalaki, bawal ang MAYABANG sa ALPHA KAPPA RHO, kahit na ANG SAMA ng pangingin sa amin ng iba, hindi lang namin iniintindi bagkus mas gumagawa pa kami ng mga kung anong pweding itulong sa kumunidad ng walang hinihinging kapalit.
Ang pag sali dito sa kapatiran namin ay kusang loob, at hindi dahil gusto mong magyabang, at gusto mo lang sumunod sa uso mali po yun,dapat sasali ka dito ng dahil gusto mong kahit papano makatulong sa kumunidad, maka pakain sa mga batang lansangan, maka bigay ng tubig at pagkain sa mga taong pumupunta sa sementeryo tuwing undas, makatulong sa mga batang gusto nang maging binata(matuli),maka donate ng dugo sa mga nangangailangan at marami pang iba dahil alam kong alam mong hindi kaya ng isang tingting LANG maglinis ng DUMI.
Alam kong masama talaga kami sa mata ng ibang tao, pero alam naming sa mata ng Diyos, alam niya kung ano nga ba ang totoo.
CTTO 🙏