22/04/2026
HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO, MARTIR NG SAMBAYANAN!
Mariing kinukondena ng KASAMA sa UP ang militarisasyon ng 303rd Infantry Brigade ng Joint Task Force Spear sa ilalim ng 79th Infantry Battalion, Philippine Army (79th IBPA) sa Negros Occidental. Dulot ng pasismo ng mga ito, mula sa kumpas ni Marcos Jr., namartir si Alyssa Alano, isang iskolar ng bayan at Konsehal mula sa UP Diliman University Student Council.
Mababalitaan nitong ika-19 ng Abril na higit 600 na indibidwal, o kulang-kulang 170 na mga pamilya ang sapilitang pinalikas dahil sa malalang pag-atake sa Brgy. Salamanca, Toboso. Sa gitna nito, ilang buhay na naman ang binawi ng militar mula sa mga mamamayang naninirahan at nakikipamuhay sa komunidad. Sa kabila ng pilit na panlilinlang nila sa tunay na adhikain doon, ang totoong dahilan sa kanilang patuloy na pangiiintimida ay para protektahan ang interes ng mga panginoong maylupa at malalaking burgesya kumprador. Para ito sa mga neoliberal at kontra-mamamayang mga patakaran na magpapayaman sa kanila at magpapalayas sa mga mamamayang nakatira doon. Dagdag riyan, sa gitna ng pang-ekonomyang krisis na nararanasan ng bansa, sobra-sobrang pondo ang ibinubuhos ni Marcos Jr. sa pasismo, samantalang binabarat tayo sa pondo para sa mga batayang serbisyo, lalo na sa edukasyon.
Sa kagyat nito, buong pagmamalaking pinagpupugayan ng KASAMA sa UP ang katapangan ni Alyssa, sapagkat mapagpasya niyang pinili ang makipamuhay sa mga Negrense. Sinuong niya ang kinakaharap nilang militarisasyon at pilit na pagpapalayas sa mga komunidad para kamkamin ang kanilang mga lupa at pagtayuan ng mga dambuluhang korporasyon na iilan lamang ang makikinabang.
Pinili ni Alyssa na ibuhos ang kanyang galing at talino sa mga pesanteng inaapi ng bulok at mapaniil na sistema. At sa ganitong kalagayan, walang ibang ginawa ang pasistang estado kundi protektahan ang mga naghaharing-uri, at sa ibabaw ng kasahulan na ito, ay handa silang pumatay ng mga peasant organizers na katulad ni Alyssa, sa ngalan ng pagpapataba ng kanilang bulsa mula sa kaban ng bayan.
Mga iskolar ng bayan, ano man ang ibalik na pasismo at pananakot ng estado, hindi na mawawalay sa kahit sinong kabataan ang tuluran si Alyssa na tumungo sa komunidad ng mga pesanteng pinagsasamantalahan. Hangga’t ang kabataang lumalaban ay pilit pinatatahimik, tiyak na hindi matatapos dito ang paniningil sa patuloy na inuutang na dugo ng pasistang rehimen ni Marcos-Duterte.
Mula sa pamumuhay hanggang sa huling hininga ni Alyssa, pinili niyang pagsilbihan ang sambayanan. Hindi tulad ng gobyerno at ng mga armadong pwersa nitong sarili lamang at dayuhan ang pinaglilingkuran. Wala nang mas hihigit pa na pagkadakila ang pinakita ni Alyssa sa kanyang tunay na paglilingkod sa kapwa niya Pilipino.
SINGILIN AT PAGBAYARIN SA INUTANG NA DUGO NG PASISTANG REHIMEN SI MARCOS AT DUTERTE! HUSTISYA PARA SA MGA MARTIR NG SAMBAYANAN!
HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO, BAYANI NG SAMBAYANAN!

SINGILIN AT PAGBAYARIN SA INUTANG NA DUGO NG PASISTANG REHIMEN SI MARCOS AT DUTERTE! HUSTISYA PARA SA MGA BAYANI NG SAMBAYANAN!