04/11/2025
Pinigilan na lamang umiyak ni Tricia Anda ng Bacolod habang s'ya ay nagtatalumpati bilang pinakamahusay na nagtapos ng 2025 sa kursong Psychology.
Aniya, ang tanging responsibilidad n'ya lamang noong s'ya ay estudyante ay mag-aral dahil mayaman sila, at kung ibibigay n'ya ang kanyang medalya ay doon sa taong mas deserve ito, ang kanyang kaklase.
'di lamang ang mga nasa Univesity of St. La Salle graduation hall kundi maging ang Netizen ay naantig sa kabaang-loob ng dalaga.
"Kung bibigyan ako ng pagkakataong tanggalin ang medalyang ito sa aking leeg, gagawin ko.
Isasabit ko ito sa aking kaklase na nagtatrabaho makapag-aral lang, 'yung Kaklase kong sira na ang cellphone, nanghihiram ng laptop, nagtitinda ng kung anu-ano, maitawid lang ang pang-araw-araw.
'Yung kaklase kong nag-ji-jeep, 'yung naglalakad lagi sa initan at minsan nababasa pa ng ulan, 'yung nagbabayad nang sarili n'yang tuition, kasi wala namang ibang gagawa noon para sa kanya.
S'ya 'yung namumugto ang mata pero papasok pa rin, tinatago n'ya ang lungkot at ngiti lang 'yung makikita mo habang nasa klase, hindi nagrereklamo, hindi rin naghahangad na mapansin, pero......napansin ko s'ya, na kahit ako pa ang may pinakamataas na marka ngayon, s'ya, pa rin ang higit at natatangi para sa akin." — Tricia Ann G. Anda