15/09/2026
๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐, ๐๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฉ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐-๐๐๐
Kinilala ang Muntinlupa bilang isa sa limang Local Government Units (LGUs) na lumahok sa Philippine Open Government Partnership (PH-OGP), isang global initiative na nagsusulong ng mas transparent, accountable, at responsive na pamahalaan.
Iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG National Capital Region) ang plaque of recognition sa Muntinlupa noong Agosto 26 sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela, bilang bahagi ng โCo-Creating Open Government: Shaping the Future of Inclusive and Responsive Governance.โ
Binigyang-diin ni Mayor Ruffy Biazon na ang ibinahagi ng Muntinlupa sa programa na Project AGAP (Agarang Gabay at Alalay na Pambata) ng Muntinlupa City Persons With Disability Affairs Office (PDAO), ay nagbibigay ng early detection, assessment, at intervention services para sa mga batang may developmental delays at disabilities.
Sa isang taong implementation ng Project AGAP mula September 2024 hanggang September 2025, 548 batang Muntinlupeรฑo ang nabigyan ng developmental screening, assessment, at intervention services.
โPriority natin ang ganitong programs dahil gusto nating magkaroon ng empowered, healthy, and inclusive community where every child has equitable access to essential services,โ saad ni Mayor Biazon.
Ayon sa DILG-NCR, ipinakita ng aktibidad na mas napapalakas ang open government kapag nagtutulungan ang pamahalaan, civil society, academe, at iba pang governance stakeholders sa pagbuo ng mga solusyong inclusive, participatory, transparent, at responsive sa pangangailangan ng mamamayan.
Patuloy na isinusulong ng lungsod ang mas bukas, inklusibo, at people-centered na pamamahala, kung saan bawat Muntinlupeรฑo, lalo na ang mga batang nangangailangan ng suporta, ay may access sa mahahalagang serbisyo.