03/06/2026
Isang matagumpay at makabuluhang araw ang aming isinagawa na Community Service Clean-Up Drive ng Scouts Royale Brotherhood Gamma Omicron Chapter para sa kapakanan at kalinisan ng aming komunidad.
Kasabay nito ay ang programang โHandog at Serbisyoโ na hatid ng aming mahal na Vice Mayor Phanie Teves, kung saan maraming residente ang nabigyan ng libreng eye check-up at libreng eyeglasses. Malaking tulong po ito sa aming mga kababayan at tunay na nagpapakita ng malasakit sa mamamayan.
Bukod dito, aming ginunita ang espesyal na araw ng aming Vice Mayor sa pamamagitan ng isang simpleng pagdiriwang at masayang boodle fight na pinagsaluhan ng lahat bilang tanda ng pagkakaisa at pasasalamat.
Maraming salamat po, Vice Mayor, sa inyong walang sawang suporta, malasakit, at pakikiisa sa mga programang naglalayong makatulong sa aming komunidad. Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa inyong paglilingkod sa bayan.
Happy Birthday, Vice Mayor! ๐๐
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa aming tumatakbong Kagawad na si Joyce Palencia sa kanyang buong pusong suporta at pakikiisa sa nasabing gawain. Ang inyong presensya at pagtulong ay malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito. Maraming salamat po sa inyong malasakit at dedikasyon sa paglilingkod sa ating komunidad.
๐ค