13/05/2026
TRISKELION❤
Salute to our Triskelion Sister, PAT MAYBELLE CABALLES, for showing the true meaning of compassion and service beyond the badge. Your selfless act of donating breastmilk to a baby in need is a powerful reminder that genuine kindness can save lives and inspire many. You are a living example that a Triskelion heart is filled with love, sacrifice, and humanity.
Mabuhay ka, Sis Maybelle.
BREASTMILK MULA SA PUSO, HANDOG NG PULIS SA NANGANGAILANGANG SANGGOL
Sa munting paraan ng pagtulong, muling pinatunayan ng mga pulis sa Northern Samar na ang tunay na serbisyo ay may kasamang malasakit at pag-aaruga sa komunidad.
Sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief, PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., matagumpay na naipaabot ng mga personnel ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company (2nd NSPMFC) ang donasyong breastmilk para sa isang sanggol sa Catarman na nangangailangan ng agarang tulong noong May 11, 2026.
Nagmula ang donasyong breastmilk kay Patrolman Maybelle Caballes ng 2nd PMFC Pambujan at agad namang pinangunahan nina Patrolman Alex Allan Bonicarlo at dalawa pa nilang kasamahan ang pagdadala nito upang matiyak na makarating nang maayos sa sanggol. Naging mahalaga rin ang tulong ng isang pribadong indibidwal sa pakikipag-ugnayan sa Northern Samar Provincial Hospital upang mapadali ang pag-abot ng donasyon. Sa simpleng gawaing ito, naging daan ang pagkakaisa at malasakit upang makapagbigay ng pag-asa at suporta sa isang pamilyang nangangailangan.
“This act of kindness reflects the true heart of public service. Ang malasakit ng ating mga pulis ay hindi nagtatapos sa pagpapatupad ng batas kundi umaabot hanggang sa pagtulong sa mga nangangailangan,” pahayag ni PGEN Nartatez.
Dagdag pa ni PGEN Nartatez, “Our police officers continue to show that compassion and service go hand in hand. Sa mga ganitong pagkakataon, mas lalong napapalapit ang tiwala ng komunidad sa kanilang kapulisan.”
Ipinapakita rin ng gawaing ito ang patuloy na pagpapatupad ng PNP Focused Agenda—isang gabay tungo sa mas makatao, mas maaasahan, at mas makabuluhang serbisyo para sa mamamayan. Kabilang sa mga prayoridad nito ang Enhanced Managing Police Operations at Active Community Support na parehong naipamalas sa agarang pagtugon at sama-samang pagkilos ng mga pulis upang makatulong sa isang sanggol sa Catarman.
Habang patuloy na isinusulong ng PNP ang mga gawaing nagpapakita ng malasakit at pakikipagkapwa-tao sa komunidad, patuloy nitong tinitiyak sa publiko ang bisyon ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”
(PNP-PIO)