21/10/2022
TO MY ALMOST
Miss Education cbsua sipocot : To my almost , kumusta kana? Tagal na tayong di nagkikita, if im not mistaken siguro mga 4 years na, if ever man na magkita tayo, makikilala mo pa kya ako? Magpapansinan ba tayo? Almost 3 years din naging tayo, naging makulay ang college life ko dahil sayo, salamat sa maraming effort na ginawa mo, sa pag bigay mo sakin ng snacks habang nag pa practice kami ng sayaw, na appreciate ko lahat yon, ok na man tayo legal naman tayo both side sa parents ko at sa family mo, pero isang araw bigla na lang nagbago, bakit mo ako pinagpalit sa kaibigan ko? Niluko mo ako habang tayo pa! Ang sakit lang at nakaka trauma, hindi ko ninais na makarma ka, gusto ko lang maging masaya ka, pero after 3 months na relationship nyo ng kaibigan ko naghiwalay din kayo, tinanong ko yong kaibigan ko kung bakit ka nya iniwan, sumagot sya hindi nya gusto ang ugali mo, sabi ko sakanya bakit mo kasi inagaw kung iiwan mo lang? Alam mo naman na mahal na mahal ko yon, bakit nyo ako sinaktan? Tapos iiwan mo lang at sasaktan, pinagbigyan na kita, yong una kong niligawan pinaubaya ko na sayo, then pati girlfriend ko kinuha mo pa! Then sorry lang sagot mo! Sobrang sakit nadurog yong puso ko... Kahit ganun ang nangyari pinatawad kona kayo. Grabee 6 year's na pala tayong hiwalay, pero may mga oras na sumasagi kapa rin sa panaginip ko, i already accept the fact na never ng magiging tayo ulit, sa tutuo lang madali lang humanap ng iba, dahil cute din naman ako, may mga nagkakagusto din sakin, kaso lang bakit hanggang nagyon di parin kita kayang palitan, mahal pa ba kita? Or na trauma lang ako sa pag ibig kaya hanggang ngayong hindi parin ako nagkakajowa, binilang ko 6 years mahigit na pala akong single. Kung sakali man na may dumating na bago, at muli kang nagparamdam kahit ikaw yong taong minahal ko ng lubos , hindi na kita babalikan, mas pipiliin ko yong bago, wala akong balita tungkol sayo kung may jowa ka ba or wala, ayaw na kitang guluhin pa, salamat at mag iingat ka palagi, ako lang to, yong loyal parin sayo kahit matagal ng walang tayo, ako lang to yong taga alalay sayo kapag lasing ka, taga hintay sayo pag uwian, taga sundo sayo na may dalang payong kapag ma ulan, ako lang to yong matagal mong pinaghintay sa labas ng pintuan habang kinakagat ng lamok, ako lang to yong lagi mong katabi sa train sa jeep at sa bus, ako lang to yong taong pinaglaban ka, hinabol ka pero hindi mo pinili, at tuluyan mong iniwan at kinalimutan...
From: crim cbsua sipocot