12/06/2026
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ป๐ด ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป?
Tuwing ika-12 ng Hunyo, ginugunita ng sambayanang Pilipino ang Araw ng Kalayaanโisang mahalagang yugto sa ating kasaysayan na sumisimbolo sa pagtatapos ng kolonyal na paghahari at sa pagdeklara ng kasarinlan ng bansa. Ito rin ay panahon ng pag-alala at pagpupugay sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay upang makamit ang kalayaang tinatamasa natin ngayon.
Ngunit sa gitna ng mga hamon at suliraning kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan, nananatiling mahalagang tanong: Hanggang saan ang ating kalayaan?
Maaaring nakalaya na tayo mula sa pananakop ng mga dayuhan, ngunit malaya na ba tayo mula sa katiwalian, pang-aabuso, at kawalan ng pananagutan? Kung hindi na banyagang kapangyarihan ang humahadlang sa ating pag-unlad, sino o ano nga ba ang mga tanikalang kailangan pa nating putulin?
Araw-araw, nasasaksihan natin sa balita ang iba't ibang isyung bumabalot sa bansaโmula sa mga problemang nararanasan sa mga lansangan hanggang sa mga usaping pinagdedebatehan sa mga bulwagan ng kapangyarihan. Sa halip na magsilbi bilang tagapaglingkod ng bayan, tila may mga pagkakataong nagiging larangan ng tunggalian at pansariling interes ang pamahalaan. At sa gitna ng larong ito, ang mamamayang Pilipino ang siyang nagiging taya at unang naaapektuhan sa bawat maling desisyon at pagkukulang ng mga nasa kapangyarihan.
Kaya hanggang ngayon, tila nakakahon pa rin tayong mga Pilipinoโhindi lamang sa mga suliraning panlipunan at pampolitika, kundi pati sa kulturang matagal nang nakaugat sa ating lipunan. Madalas nating tanggapin bilang normal ang mga pagkukulang, manahimik sa harap ng mali, at maghintay na lamang na may ibang kikilos para sa pagbabago. Unti-unti, nagiging hadlang ito sa paghubog ng isang mamamayang mapanuri, mapanagot, at aktibong nakikilahok sa pag-unlad ng bayan.
Kung tunay nating nais parangalan ang diwa ng kalayaan, dapat nating patunayan na hindi tayo pasisiilโhindi sa pamamagitan ng pananahimik, kundi sa pamamagitan ng pagiging mulat, responsable, at matatag sa pagtatanggol sa kapakanan ng bansa.
Kaya sa darating na halalan, gamitin natin ang ating karapatang bumoto nang may katalinuhan at paninindigan, sapagkat ang bawat boto ay may kapangyarihang humubog sa kinabukasan ng ating bayan.
Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan, nawaโy hindi lamang natin alalahanin ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno, kundi pag-isipan din kung paano natin maisusulong ang isang lipunang tunay na malayaโmalaya sa takot, pang-aapi, katiwalian, at anumang hadlang sa dignidad at kinabukasan ng bawat Pilipino.
โ๏ธ: Althia Ventura
๐ผ๏ธ: Noel Joshua Abay