13/08/2026
๐๐๐-๐๐๐ ๐ง๐๐ค๐ข๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐ฒ '26
Nakibahagi ang mga opisyal ng School of Arts and Sciences-Supreme Student Council (SAS-SSC), katuwang ang School of Teacher Education-Supreme Student Council (STED-SSC), sa pagdiriwang ng International Youth Day 2026 na may temang โYouth Fest 2026: Tinig at Galaw ng Kabataan.โ
Isinagawa ang aktibidad noong Agosto 12 sa university gymnasium sa pangunguna ng Commission on Human Rights (CHR), katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Bilang bahagi ng programa, itinampok sa Youth Booth Exhibition: Arts, Crafts, and Local Products ang ibaโt ibang malikhaing likha mula sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng kanilang mga booth, naipakita ng mga kalahok ang kanilang talento, mga ideya, pagtutulungan, at pagmamalaki sa mga produktong likha ng kanilang mga departamento.
Samantala, tampok sa umagang sesyon ang pagbubukas ng โRights on Canvas: Express Human Rights through Artโ On-the-Spot Poster Making Contest, na ipinaliwanag ni Ms. Jonna Marie M. Ranes, Chief ng Promotion and Advocacy Division ng CHR RO VIII. Lumahok dito ang mga kinatawan mula sa ibaโt ibang paaralan ng BiPSU.
Tinalakay rin ni Atty. Sheena Estrella Bentor ang mga pangunahing konsepto at prinsipyo ng karapatang pantao, habang ibinahagi naman ni Mr. Joseph Roel C. Obrino ang mandato at mga tungkulin ng Commission on Human Rights.
Sa hapon, ipinaliwanag ni Dir. Rebecca M. Cormanes, OIC Provincial Director ng DTI-Biliran Provincial Office, ang mga programa at serbisyong hatid ng DTI. Sinundan ito ng talakayan tungkol sa mga programa at serbisyo ng TESDA na pinangunahan ni Dir. Sheila Mae D. Taon, Acting Provincial Director ng TESDA-Biliran Provincial Office.
Matapos ang mga talakayan, isa-isang ipinakilala ng mga kinatawan ang kanilang mga booth at ibinahagi ang konsepto at inspirasyon sa likod ng kanilang mga malikhaing likha. Nagtapos ang programa sa pagbibigay ng mga sertipiko at pagkilala sa mga opisyal, panauhin, at kalahok na naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang.