26/09/2026
🏫💙 SERBISYO PARA SA ATING MGA MAG-AARAL! 💙🏫
Isang makabuluhang proyekto ang matagumpay na naisagawa ng TAU GAMMA PHI TRISKELION GRAND FRATERNITY – PINAGTULAYAN COMMUNITY CHAPTER para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mag-aaral ng Pinagtulayan Elementary School 104956
Sa pamamagitan ng pagkakaisa at malasakit, naisagawa ang pagpapaayos at pagpipintura ng pedestrian lane sa paligid ng paaralan upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng ating mga kabataan sa kanilang pagpasok at pag-uwi. 👧👦🛡️
Lubos ang aming pasasalamat kay Gng. Nida Dela Merced, Punong G**o, sa pakikiisa at suporta sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng ating paaralan at mga mag-aaral.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat kay Boss Romel Pascual sa kanyang walang-sawang suporta at malasakit sa mga proyekto ng Pinagtulayan Community Chapter. Ang inyong patuloy na pagtulong ay malaking bahagi ng tagumpay ng mga gawaing pangkomunidad. 🙏❤️
Pasasalamat din po kay VM Giulius Samson sa mga pinagkaloob niang pintura at painting materials
Sama-sama sa serbisyo. Sama-sama sa malasakit. Sama-sama para sa Pinagtulayan!
TAU GAMMA PHI TRISKELION GRAND FRATERNITY
Pinagtulayan Community Chapter
🤝 *Serbisyo • Pagkakaisa • Malasakit*