RSU Sentro ng Wika at Kultura

Directions

RSU Sentro ng Wika at Kultura Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from RSU Sentro ng Wika at Kultura, College & University, Liwanag, Romblon, Odiongan.

๐†๐š๐ฐ๐š๐ ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ข๐š๐ง ๐‚๐ซ๐ฎ๐ณ ๐๐š๐ฅ๐ฆ๐š๐ฌ๐ž๐๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐š ๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ก๐จ๐ค!Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ay ang pinakamataas na pagkilรก...
11/09/2026

๐†๐š๐ฐ๐š๐ ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ข๐š๐ง ๐‚๐ซ๐ฎ๐ณ ๐๐š๐ฅ๐ฆ๐š๐ฌ๐ž๐๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐š ๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ก๐จ๐ค!

Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ay ang pinakamataas na pagkilรกla na handog ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika, agham panlipunan, at iba pang kaugnay na larangan gรกmit ang wikang Filipino.

Layunin nitรณ na hikayatin at palaganapin, sa pamamagitan ng sistemang mga insentibo, grant, at gawad, ang pagsusulat at publikasyon sa Filipino at ibang mga wika ng Pilipinas ng mga akdang orihinal, kabรญlang ang mga teksbuk at sangguniang materyales sa ibaโ€™t ibang disiplina.

May dalawang kategorya ang gawad: (1) tesis at (2) disertasyon. May isang magwawagi lรกmang sa bawat kategorya. Maaari ding walang tatanghaling magwawagi sa alinmang kategorya.

Nagsimula ang gawad noong 2015 at nakapagtala ng sampung nagwagi: Marlon S. Delupio, disertasyon sa kasaysayan (2015); Gilbert E. Macarandang, disertasyon sa agham pampolitika at Roman Sarmiento Jr., tesis sa kasaysayan (2016); Lovella G. Velasco, disertasyon sa panitikan, at Christian Ezekiel J. Fajardo, tesis sa antropolohiya (2017); Emmanuel S. De Leon, disertasyon sa pilosopiya (2018); Wenilyn F. Fajilan, disertasyon sa pagsasalin (2019); Regina Starr B. Abelardo, tesis sa musika at panitikan (2020); Roque Augustus L. Lamadrid, tesis sa araling kultural at Jonathan V. Geronimo, disertasyon sa araling kultural (2022); Kristine Mae M. Nares, tesis sa araling kultural, at Mariyel Hiyas C. Liwanag, disertasyon sa araling wika (2025); at Darwin P. Plaza, tesis sa katutubong kaalaman sa kalamidad, at Ferdinand P. Jarin, disertasyon sa panitikan ng banwa at bansa (2026).

Makatatanggap ng halagang PHP100,000.00 (net) at isang plake ng pagkilรกla ang magwawagi sa mga kategorya ng naturang gawad. Lahat ng kopya ng mga lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok. Angkin ng KWF ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.

TUNTUNIN:

1.Ang gawad ay bukรกs sa lahat ng mga estudyante, babae man o lalรกki, sa antas gradwado (masteral at doktorado), maliban sa mga empleado ng KWF at kanilang mga kaanak.

2.Ang ilalahok na tesis at/o disertasyon ay naipagtanggol at naipasรก sa mga taรณng 2023โ€“2025.

3.Kinakailangan itong isulat bรญlang kahingian sa mga kursong may kaugnayan sa agham, matematika, agham panlipunan, humanidades, at sa iba pang kaugnay na larangan.

4.Kailangang orihinal na isinulat at ipinagtanggol sa wikang Filipino ang lahok, orihinal na gawa ng may-akda, hindi pa nailalathala bรญlang aklat, at hindi rin salin mula sa ibang wika.

5.Marapat na gamรญtin ang KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (MMP) (i-download ang libreng sipi sa website ng KWF) bรญlang format sa pagsulat ng talababa, talasanggunian, at iba pa.

6.Para sa paglahok, kinakailangang isumite nang apat (4) na limbag na kopyang makinilyado o computerized (hardcopy). Ang kopya ng mga lahok ay kinakailangang walang taglay na anumang pagkakakilanlan ng may-akda. Nangangahulugan ito ng pag-aalis ng mga preliminaryong pahina ng tesis at disertasyon na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng may-akda. Tanging pamagat ng tesis/disertasyon at sagisag-panulat lรกmang ang pahihintulutang nakalimbag sa manuskrito.

7.Ang mga preliminaryong pahina ng tesis/disertasyon, gaya ng katibayan ng pagsang-ayon, tungkol sa mananaliksik o bionote, pasasalamat, pag-aalay, pahina ng grado at ebalwasyon, at iba pang katulad ay ilalakip sa isang bukod na brown envelope, kasรกma ang sumusunod:

7.1.Apat (4) na kopya ng limbag na lahok (softbound o ring bind);
7.2.curriculum vitae ng may-akda;
7.3.pormularyo ng paglahok: https://drive.google.com/file/d/1b3aKAB7jj9Us4urZiQSN4py7m3FSBHg3/view?usp=drive_link
7.4.notaryadong awtentipikasyon ng lahok;
7.5.notaryadong katibayan ng etikong pananaliksik (walang plahiyo) na nilagdaan ng tagapayo;
7.6.rekomendasyon mula sa dalawang propesor sa kinabibilangang larangan;
7.7.rekomendasyon mula sa tagapangulo ng kinabibilangang departamento;
7.8.rekomendasyon mula sa dekano/a ng kinabibilangang kolehiyo; at
7.9.dihital na kopya ng lahok na nรกsa isang universal serial bus (USB) drive.

8.Ang dokumentong ito ay nakalagay sa isang expanding envelope na may pangalan at adres ng kalahok. Ipadadala ang mga lahok sa:

Lupon sa Gawad Julian Cruz Balmaseda 2027
Komisyon sa Wikang Filipino
2P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel,
1005 San Miguel, Lungsod Maynila

9.Ang hulรญng araw ng pagsusumite ng mga lahok ay sa 8 Oktubre 2026, 5:00 nh. Para sa mga ipinadala sa pamamagitan ng koreo, tatanggapin lรกmang ng KWF ang mga lahok na naipadala bago o sa nabanggit na petsa.

10.Ang mga magwawagi sa kategorya ng tesis at disertasyon ay makatatanggap ng PHP100,000.00 (net), plake, at medalya. May isang magwawagi lรกmang sa bawat kategorya. Maaari ding walang tatanghaling magwawagi sa alinmang kategorya. Angkin ng KWF ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.

11.Ang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago.

12.Hindi patatawarin ang sinumang mahuhรบli nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

13.Ang mga dokumentong ipinadala ng mga lumahok, nanalo o hindi, ay hindi na ibabalik sa mga may-ari.

14.Pรกra sa karagdagang detalye, mag-email sa .

Paalala: Para sa pagbubukas ng mga link, tiyaking kayo ay naka-login sa inyong Google account upang maakses ang mga pormularyo.



The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) announce the opening of its Call for Research Awards and Grants ...
05/09/2026

The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) announce the opening of its Call for Research Awards and Grants 2027, inviting researchers, scholars, cultural workers, artists, institutions, and other qualified proponents to submit research proposals that contribute to a deeper understanding, documentation, preservation, and development of Philippine culture and the arts.

Read it here: https://philippinesgraphic.com.ph/2026/09/04/ncca-opens-call-for-research-awards-and-grants-2027/

๐—ช๐—›๐—”๐—ง ๐—œ๐—™ ๐—ข๐—จ๐—ฅ ๐—œ๐—ฆ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐——๐—ฆ ๐—•๐—˜๐—–๐—”๐— ๐—˜ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ข๐—œ๐—ก๐—ง ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ก๐—˜๐—ซ๐—ง ๐—•๐—œ๐—š ๐—œ๐—ก๐—ก๐—ข๐—ฉ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก?Research does not stop at the shoreline.Innovat...
02/09/2026

๐—ช๐—›๐—”๐—ง ๐—œ๐—™ ๐—ข๐—จ๐—ฅ ๐—œ๐—ฆ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐——๐—ฆ ๐—•๐—˜๐—–๐—”๐— ๐—˜ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ข๐—œ๐—ก๐—ง ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ก๐—˜๐—ซ๐—ง ๐—•๐—œ๐—š ๐—œ๐—ก๐—ก๐—ข๐—ฉ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก?
Research does not stop at the shoreline.
Innovation does not belong to the mainland.
And solutions for archipelagic communities must be built with the islands in mind.
This November 25โ€“26, 2026, researchers, innovators, educators, extension practitioners, policymakers, and development partners from the Philippines and beyond will come together for the 1st International REDI Congress and 5th National REDI Congress.
With the theme: โ€œBridging Islands, Building Innovations: Advancing Research and Extension Towards Resilient Archipelagic Nations.โ€
A two-day platform for research, innovation, collaboration, and meaningful impactโ€”connecting ideas from laboratories to communities and across islands.
More details are in the pubmat below. Donโ€™t miss the opportunity to be part of this important gathering.
Bring your research. Share your innovation. Build connections.
Explore the Congress: https://bit.ly/4cIA1s2
Register now: https://bit.ly/REDI2026_REG

21/08/2026

THE NCCA 2027 COMPETITIVE GRANTS PROGRAM IS STILL ACCEPTING PROPOSALS!

Deadline of submission is until August 31, 2026 (11:59 PST)!

๐ฎ๐ฌ๐ข๐ง๐š ๐ง๐  ๐’๐ข๐›๐ฎ๐ฒ๐š๐ง: ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ฒ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐Š๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š, ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ง๐  ๐’๐ข๐›๐ฎ๐ฒ๐š๐งMatagumpay na isinagawa ang inauguration a...
18/08/2026

๐ฎ๐ฌ๐ข๐ง๐š ๐ง๐  ๐’๐ข๐›๐ฎ๐ฒ๐š๐ง: ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ฒ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐Š๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š, ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ง๐  ๐’๐ข๐›๐ฎ๐ฒ๐š๐ง
Matagumpay na isinagawa ang inauguration at First Kick-off ng โ€œKusina ng Sibuyan: An Exhibition and Cooking Show of Indigenous Food and Culinary Traditions of the Islandโ€ sa Romblon State University โ€“ San Fernando Campus, isang makabuluhang proyekto na naglalayong pangalagaan at itaguyod ang natatanging yamang kultural at gastronomikal ng Sibuyan Island.
Pinangunahan ni Dr. Jouena P. Cordero bilang Lead Proponent ang proyekto sa pakikipagtulungan ng RSU-Research, Extension, Development and Innovation (RSU-REDi), RSU Sentro ng Wika at Kultura, at Komisyon ng Wikang Filipino (KWF).
Sa pamamagitan ng eksibisyon at cooking demonstration, naipakita ang mayamang ugnayan ng pagkain, wika, kalikasan, at kasaysayan ng Sibuyan, bilang pagkilala sa mga tradisyong bahagi ng ating pagkakakilanlan.
Buong suporta naman ang ipinahayag ni Dr. Emelia B. Ramos, Campus Director ng RSU San Fernando Campus, kasama ang mga kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang sektor na nakiisa sa makabuluhang okasyong ito.
Dinaluhan din ang programa ni Hon. Mayor Fernando U. Marin ng San Fernando, kasama ang mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan ng Sibuyan Island. Kinatawan ni Hon. Mayor Noel Machon ng Magdiwang sina SB Member Ken Nepomuceno at Mr. Ariel Marin ng Tourism Office, habang dumalo naman si Hon. Mayor Marvin Greggy Ramos ng Cajidiocan.
Ang pagtitipon ay nagsilbing simbolo ng pagkakaisa ng tatlong bayan ng Sibuyan sa pagsusulong ng kultura, turismo, edukasyon, at pagpapahalaga sa ating lokal na pamana.
Ang Kusina ng Sibuyan ay hindi lamang pagkainโ€”ito ay kwento ng ating pinagmulan, pagkakakilanlan, at pamana para sa susunod na henerasyon.
Ipagmalaki ang lasa ng Sibuyan. Ingatan ang kultura. Buhayin ang tradisyon. ๐ŸŒฟ๐Ÿฝ๏ธ





Tatlong tulog na lang, Sibuyan! ๐Ÿ”ฅSa loob ng tatlong araw, muli nating bubuhayin ang mga lasang nakatanim na sa ating ala...
16/08/2026

Tatlong tulog na lang, Sibuyan! ๐Ÿ”ฅ

Sa loob ng tatlong araw, muli nating bubuhayin ang mga lasang nakatanim na sa ating alaala. Ang mga resipeng ipinasa mula sa ating mga lolo at lola, ang mga sangkap na galing mismo sa ating lupa at dagat, at ang mga kwentong bumabalot sa bawat pinggan.

Ito ang "Kusina ng Sibuyan: Isang Pagpapakitang Gilas at Cooking Show sa mga Katutubong Pagkain at Tradisyong Kulinarya ng Isla" โ€” isang pagdiriwang ng wika, kultura, at pagkaing Pilipino na tunay na atin.

Ano nga ba ang meron sa Kusina ng Sibuyan?
Ito ay hindi lamang isang food exhibit. Ito ay isang paglalakbay. Isang paglalakbay pabalik sa ating ugat, at sabay na paghakbang patungo sa kinabukasan.

Makikita ninyo rito ang pagsasanib ng tradisyon at inobasyon. Ang mga sinaunang lutuin ng Sibuyan na minsan nang halos makalimutan, ngayon ay muling binibigyang buhay ng ating mga mag-aaral mula sa Hospitality Management Program ng RSU-San Fernando Campus .Gamit ang mga lokal na produkto mula sa ating mga kabukiran at karagatan, ipapakita natin na ang tunay na sarap ay nagsisimula sa sariling atin.

Isipin ninyo ang amoy ng Hipun โ€œUyangโ€ na sinahugan ng mga halamang galing sa bakuran. Ang linamnam ng sariwang isda mula sa Sibuyan Sea โ€” tanigue, lapu-lapu, at tuna โ€” na inihaw at inihain ng buong pagmamalaki. Ang tamis ng saba, kamote, at mga prutas na patunay na sagana ang ating isla. Bawat kagat ay kwento. Bawat subo ay pag-alaala.

Ngunit hindi ito magiging posible kung wala ang pagtutulungan.

Ang programang ito ay isinasakatuparan sa pakikipagtulungan ng Komisyon sa Wikang Filipino, RSU-REDi , Sentro ng Wika at Kultura , at ng Hospitality Management Program ng Romblon State University- San Fernando Campus.

Sa pagtutulungan ng mga institusyong ito, pinatutunayan natin na ang pagpapahalaga sa wika at kultura ay hindi lamang dapat sinasalita โ€” dapat din itong niluluto, tinitikman, at ibinabahagi.

Sa Buwan ng Wika na ito, binibigyang-diin natin na ang wika ay hindi lang nasa mga libro at tula. Nasa kusina rin ito. Nasa pangalan ng mga ulam. Nasa paraan ng pagluluto. Nasa pagtawag natin sa "lamaw", "linapay", at iba pang pagkaing Sibuyanon.

Kaya naman inaanyayahan namin kayo. Halinaโ€™t makiisa!
Halinaโ€™t tikman ang kasaysayan.
Halinaโ€™t ipagmalaki ang galing ng Sibuyanon.
Halinaโ€™t suportahan ang ating mga kabataang kusinero na siyang magdadala ng pangalan ng Sibuyan sa mas mataas na antas.

Sa loob ng tatlong araw, magsasama-sama tayo para sa isang layunin: ang pangalagaan, buhayin, at ipagbunyi ang ating pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagkain.

Markahan na ang kalendaryo. I-ready na ang panlasa.
Dahil sa Kusina ng Sibuyan, ang bawat plato ay may kwento, at ang bawat kwento ay may lasa ng tahanan.

Kita-kita tayo!





Tatlong tulog na lang, Sibuyan! ๐Ÿ”ฅ

Sa loob ng tatlong araw, muli nating bubuhayin ang mga lasang nakatanim na sa ating alaala. Ang mga resipeng ipinasa mula sa ating mga lolo at lola, ang mga sangkap na galing mismo sa ating lupa at dagat, at ang mga kwentong bumabalot sa bawat pinggan.

Ito ang "Kusina ng Sibuyan: Isang Pagpapakitang Gilas at Cooking Show sa mga Katutubong Pagkain at Tradisyong Kulinarya ng Isla" โ€” isang pagdiriwang ng wika, kultura, at pagkaing Pilipino na tunay na atin.

Ano nga ba ang meron sa Kusina ng Sibuyan?
Ito ay hindi lamang isang food exhibit. Ito ay isang paglalakbay. Isang paglalakbay pabalik sa ating ugat, at sabay na paghakbang patungo sa kinabukasan.

Makikita ninyo rito ang pagsasanib ng tradisyon at inobasyon. Ang mga sinaunang lutuin ng Sibuyan na minsan nang halos makalimutan, ngayon ay muling binibigyang buhay ng ating mga mag-aaral mula sa Hospitality Management Program ng RSU-San Fernando Campus .Gamit ang mga lokal na produkto mula sa ating mga kabukiran at karagatan, ipapakita natin na ang tunay na sarap ay nagsisimula sa sariling atin.

Isipin ninyo ang amoy ng Hipun โ€œUyangโ€ na sinahugan ng mga halamang galing sa bakuran. Ang linamnam ng sariwang isda mula sa Sibuyan Sea โ€” tanigue, lapu-lapu, at tuna โ€” na inihaw at inihain ng buong pagmamalaki. Ang tamis ng saba, kamote, at mga prutas na patunay na sagana ang ating isla. Bawat kagat ay kwento. Bawat subo ay pag-alaala.

Ngunit hindi ito magiging posible kung wala ang pagtutulungan.

Ang programang ito ay isinasakatuparan sa pakikipagtulungan ng Komisyon sa Wikang Filipino, RSU-REDi , Sentro ng Wika at Kultura , at ng Hospitality Management Program ng Romblon State University- San Fernando Campus.

Sa pagtutulungan ng mga institusyong ito, pinatutunayan natin na ang pagpapahalaga sa wika at kultura ay hindi lamang dapat sinasalita โ€” dapat din itong niluluto, tinitikman, at ibinabahagi.

Kaya naman inaanyayahan namin kayo. Halinaโ€™t makiisa!
Halinaโ€™t tikman ang kasaysayan.
Halinaโ€™t ipagmalaki ang galing ng Sibuyanon.
Halinaโ€™t suportahan ang ating mga kabataang kusinero na siyang magdadala ng pangalan ng Sibuyan sa mas mataas na antas.

Sa loob ng tatlong araw, magsasama-sama tayo para sa isang layunin: ang pangalagaan, buhayin, at ipagbunyi ang ating pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagkain.

Markahan na ang kalendaryo. I-ready na ang panlasa.
Dahil sa Kusina ng Sibuyan, ang bawat plato ay may kwento, at ang bawat kwento ay may lasa ng tahanan.

Kita-kita tayo!





Ang bawat subo ng tradisyonal na pagkain ay may dalang kwento ng kasaysayan, pagtitiis, at tagumpay. Ang ating wika ay h...
14/08/2026

Ang bawat subo ng tradisyonal na pagkain ay may dalang kwento ng kasaysayan, pagtitiis, at tagumpay. Ang ating wika ay hindi lamang naririnig sa mga talumpati- ito ay nalalasahan din sa ating mga katutubong hapag-kainan.

Sa darating na Agosto 18, 2026, sa pagdiriwang ng Tertulya ng Wika 2026 sa RSU-San Fernando Campus, ating bibigyang-buhay ang pamanang kulinarya ng Romblon! Sa Ilalim ng pangkalahatang temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyonโ€ ating babalansehin ang makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng pagbababalik sa ating katutubong kaalaman. Isang karangalan para sa Romblon State University- San Fernando Campus na itampok si Prof. Dr. Sherwin M. Perlas, Direktor, Sentro ng Wika at Kultura na maglalahad ng kanyang pambihirang etnograpikong pag-aaral โ€œKatutubong Pamamaraan ng Pagkain ng mga Romblomanon: Isang Etnograpiya ng Ekolohikal na Kaalaman, Kultural na Pagkakakilanlan, at Pamanang Kulinarya sa mga Pangkat- Etnolinggwistiko ng Asi, Ini, at Onhanโ€.

Sa diskursong ito, ating matutunan ang malalim na ugnayan ng kalikasan at ng mga pamayanan ng Asi, Ini, at Onhan. Paano nga ba iniingatan ng kanilang Wika ang mga sikretomg sangkap ng ating mga kabundukan at karagatan? Paano isinasalamin ng kanilang pagkain ang kanilang natatanging kultural na pagkakakilanlan?

Upang mas maging personal ang ating karanasan, huwag palampasin ang ating inihandang Kultural na Eksibit na magpapakita ng yaman ng sining ng Romblon, at ang Lokal na Cooking Show kung saan ang mga katutubong putahe ay iluluto ng ating mga local practitioners sa tradisyunal na paraan.

Ito ay isang paanyaya na hindi lamang para sa isip, kundi para sa puso at panlasa ng bawat Romblomanon.

Isang makabuluhang pagtutulungan ng KWF, RSU- REDi, SWK at HM Program ng San Fernando Campus para sa kultura.

Sama- sama nating buhayin, alagaan ang katutubong wika at sining ng pagluluto sa isla ng Sibuyan para sa susunod na henerasyun.

Makiisa, matuto at ipagdiwang ang ating pagiging taga- Romblomanon!





09/08/2026

Address

Liwanag, Romblon
Odiongan
5505

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RSU Sentro ng Wika at Kultura posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share