Campus Student Government Orani Campus

Call Directions

Campus Student Government Orani Campus This is the Official page of BPSU Orani Campus Student Government

🎉 𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇𝐃𝐀𝐘, 𝐏𝐑𝐎𝐅. 𝐃𝐈𝐆𝐍𝐀 𝐃𝐄 𝐆𝐔𝐙𝐌𝐀𝐍! 🎂✨Warmest birthday greetings to 𝗣𝗿𝗼𝗳. 𝗗𝗶𝗴𝗻𝗮 𝗗𝗲 𝗚𝘂𝘇𝗺𝗮𝗻! May your day be filled w...
30/09/2026

🎉 𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇𝐃𝐀𝐘, 𝐏𝐑𝐎𝐅. 𝐃𝐈𝐆𝐍𝐀 𝐃𝐄 𝐆𝐔𝐙𝐌𝐀𝐍! 🎂✨

Warmest birthday greetings to 𝗣𝗿𝗼𝗳. 𝗗𝗶𝗴𝗻𝗮 𝗗𝗲 𝗚𝘂𝘇𝗺𝗮𝗻! May your day be filled with happiness, love, and precious moments with the people who value and appreciate you.

Thank you for the guidance, support, and dedication you continue to share with our campus community. May you be blessed with good health, fulfillment, and many more wonderful years ahead.

Have a beautiful celebration, Prof. Digna! 🤍💐

𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧—𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐮𝐦𝐮𝐡𝐮𝐛𝐨𝐠 𝐧𝐢𝐭𝐨. 👥Tatlong araw ng pagkatuto, pakikipagkapwa, ha...
29/09/2026

𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧—𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐮𝐦𝐮𝐡𝐮𝐛𝐨𝐠 𝐧𝐢𝐭𝐨. 👥

Tatlong araw ng pagkatuto, pakikipagkapwa, hamon, at pagtuklas sa tunay na kahulugan ng pagiging isang pinunong handang humarap sa nagbabagong panahon.

Sa temang “𝗧𝗵𝗲 𝗙𝘂𝘁𝘂𝗿𝗲-𝗥𝗲𝗮𝗱𝘆 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿: 𝗕𝗿𝗶𝗱𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗶𝗴𝗶𝘁𝗮𝗹 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻-𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗶𝗰𝗶𝘁𝘆, 𝗮𝗻𝗱 𝗘𝗾𝘂𝗶𝘁𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀 𝗦𝗽𝗮𝗰𝗲𝘀,” nagsama-sama kami upang higit na maunawaan kung paano magiging pinunong hindi lamang mahusay sa paggamit ng makabagong teknolohiya, kundi higit na nakatuon sa kapwa, nakikinig sa pangangailangan ng bawat isa, at nagsusulong ng pantay at ligtas na espasyo para sa lahat.

Sa bawat talakayan, gawain, hamon, at karanasang pinagsaluhan sa loob ng tatlong araw, mas napalalim ang aming pananaw na ang pamumuno ay hindi lamang tungkol sa posisyon—ito ay tungkol sa 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻, 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗽𝘄𝗮, 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱.

Bitbit namin ang mga aral na ito hindi lamang bilang mga alaala, kundi bilang gabay sa mga susunod na hakbang bilang mga lider na handang 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗻𝗶𝗴, 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗯𝗮𝗴𝗮𝘆, 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗸𝘂𝗺𝗶𝗹𝗼𝘀.

𝗠𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝘀𝗮𝗻, 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀; 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝘂𝗺𝘂𝗻𝗼, 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼. 🤝🏻🌱



𝐒𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧, 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐧𝐮𝐛𝐮𝐨. 𝐒𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚, 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐥𝐛𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧. 🏡🤍Ngayong 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗙𝗮...
28/09/2026

𝐒𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧, 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐧𝐮𝐛𝐮𝐨. 𝐒𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚, 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐥𝐛𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧. 🏡🤍

Ngayong 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 𝗪𝗲𝗲𝗸, alalahanin natin na hindi kailangang maging perpekto ang pamilya para maging tahanan. Sa simpleng pag-uusap, pag-unawa, pagtutulungan, at pagbibigay ng oras sa isa’t isa, mas napapatatag natin ang ugnayang nagbubuklod sa atin.

Kasabay nito, ipinapaalala rin sa atin ng 𝗞𝗮𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗗𝗮𝘆 ang halaga ng pagsasalo-salo at pagbabahagi ng oras kasama ang ating pamilya. Sapagkat higit pa sa pagkaing nasa hapag, mahalaga ang mga kwentong napag-uusapan, tawanan na pinagsasaluhan, at mga sandaling sama-sama nating nabubuo.

Dahil sa huli, ang pamilya ang kasama natin sa bawat simula, bawat pagsubok, at bawat tagumpay.

𝗣𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮. 𝗠𝗮𝗴𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗼𝗿𝗮𝘀. 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗻𝗶𝗴. 𝗠𝗮𝗴𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹. Dahil ang matatag na pamilya ay nagsisimula sa pusong marunong kumalinga. 👨‍👩‍👧‍👦




𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇𝐃𝐀𝐘, 𝐒𝐄𝐍𝐀𝐓𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐄𝐗 𝐁𝐀𝐋𝐓𝐀𝐙𝐀𝐑!𝐓𝐡𝐞 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 – 𝐎𝐫𝐚𝐧𝐢 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 wishes our dear Senator 𝐀𝐋𝐄𝐗 𝐁𝐀𝐋𝐓𝐀𝐙𝐀𝐑...
18/09/2026

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇𝐃𝐀𝐘, 𝐒𝐄𝐍𝐀𝐓𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐄𝐗 𝐁𝐀𝐋𝐓𝐀𝐙𝐀𝐑!

𝐓𝐡𝐞 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 – 𝐎𝐫𝐚𝐧𝐢 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 wishes our dear Senator 𝐀𝐋𝐄𝐗 𝐁𝐀𝐋𝐓𝐀𝐙𝐀𝐑! a wonderful birthday!

May your special day be filled with happiness, meaningful moments, and continued success in your journey of serving the student body.

Thank you for your dedication, commitment, and service to our fellow students. May you continue to inspire and make a positive difference in our campus community.

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇𝐃𝐀𝐘, 𝐒𝐄𝐍𝐀𝐓𝐎𝐑 𝐀𝐋𝐄𝐗!

||𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐎𝐂 𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐒𝐔𝐋𝐀𝐑𝐄𝐒||Ang isang makabuluhang pagkilal...
17/09/2026

||𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐎𝐂 𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐒𝐔𝐋𝐀𝐑𝐄𝐒||

Ang isang makabuluhang pagkilala ay higit na nagiging espesyal kapag sinasamahan ng mga tinig na may karanasan, pananaw, at kuwentong maaaring magsilbing inspirasyon.

Sa Gawad Parangal 2026, makakasama natin ang mga indibidwal na may natatanging karanasan sa pamumuno, paglilingkod, at paghubog ng mga kapwa OC'Seros—mga tinig na magbibigay ng mensaheng higit pa sa isang talumpati.

Kilalanin ang mga 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐍𝐀𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 na makakasama natin sa natatanging pagkilalang ito.

Mga kuwento. Mga aral. Mga pananaw.

At isang mensaheng maaaring maging inspirasyon sa bawat OC Peninsulares.

𝐌𝐔𝐋𝐈 𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐔𝐔𝐖𝐈 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐌𝐔𝐁𝐎𝐆 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘, 𝐆𝐀𝐋𝐈𝐍𝐆, 𝐀𝐓 𝐏𝐔𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃.

𝐈𝐓𝐎 𝐀𝐍𝐆…... 𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔.

||𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐎𝐂 𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐒𝐔𝐋𝐀𝐑𝐄𝐒||Sa likod ng bawat makabuluhang ...
17/09/2026

||𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐎𝐂 𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐒𝐔𝐋𝐀𝐑𝐄𝐒||

Sa likod ng bawat makabuluhang proyekto ay isang layuning maghatid ng serbisyo, makalikha ng pagbabago, at tumugon sa pangangailangan ng mga estudyante.

Ang bawat programang naisakatuparan ay bunga ng sipag, dedikasyon, at malasakit. Mula sa mga inisyatibang nagbibigay-serbisyo hanggang sa mga proyektong naglalayong mapaunlad ang student experience, bawat isa ay may ambag na nararapat kilalanin at bigyang-pansin.

Kilalanin ang mga 𝐍𝐎𝐌𝐈𝐍𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐘𝐄𝐊𝐓𝐎 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐓𝐄𝐆𝐎𝐑𝐘𝐀𝐍𝐆

🏆 𝐁𝐄𝐒𝐓 𝐂𝐀𝐌𝐏𝐔𝐒-𝐁𝐀𝐒𝐄𝐃 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃 𝟐𝟎𝟐𝟔

Kaya ang tanong—

Aling proyekto ang naghatid ng makabuluhang serbisyo?

Alin ang naging tugon sa pangangailangan ng mga estudyante?

At alin ang nag-iwan ng positibong ambag sa campus?

𝐈𝐓𝐎 𝐀𝐍𝐆… 𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔

||𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐎𝐂 𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐒𝐔𝐋𝐀𝐑𝐄𝐒||Sa bawat College Student Govern...
16/09/2026

||𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐎𝐂 𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐒𝐔𝐋𝐀𝐑𝐄𝐒||

Sa bawat College Student Government, may isang lider na nangunguna sa paghubog ng direksyon ng kanilang pamahalaang mag-aaral—isang Governor na hindi lamang namumuno, kundi nagsisilbing boses at kinatawan ng mga estudyante ng kanilang college.

Ang kanilang pamumuno ang nagsisilbing gabay sa pagpapatupad ng mga adhikain ng kanilang College Student Government, habang ang kanilang dedikasyon ay nakikita sa mga serbisyong naihatid at mga inisyatibang isinulong para sa kanilang nasasakupan.

Kilalanin ang mga 𝐍𝐎𝐌𝐈𝐍𝐀𝐃𝐎 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐓𝐄𝐆𝐎𝐑𝐘𝐀𝐍𝐆

🎖️ 𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐎𝐔𝐓𝐒𝐓𝐀𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐎𝐑

Kaya ang tanong—

Sino ang nanguna sa kanilang College Student Government?

Sino ang naging boses, gabay, at kinatawan ng kanilang mga estudyante?

At sino ang tatanghaling 𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐎𝐔𝐓𝐒𝐓𝐀𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐎𝐑?

𝐈𝐓𝐎 𝐀𝐍𝐆… 𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔

||𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐎𝐂 𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐒𝐔𝐋𝐀𝐑𝐄𝐒||Sa bawat College Student Govern...
16/09/2026

||𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐎𝐂 𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐒𝐔𝐋𝐀𝐑𝐄𝐒||

Sa bawat College Student Government, may isang lider na hindi lamang nagsisilbing katuwang ng Governor, kundi tumatayong mahalagang bahagi sa pagpapatakbo ng pamahalaang mag-aaral at sa pagsusulong ng kapakanan ng kanilang college.

Sa likod ng bawat koordinasyon, bawat tungkulin, at bawat hamon ng isang College Student Government, naroon ang isang Vice Governor na handang umalalay, makibahagi, at tumindig para sa mga estudyanteng kanilang kinakatawan.

Kilalanin ang mga 𝐍𝐎𝐌𝐈𝐍𝐀𝐃𝐎 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐓𝐄𝐆𝐎𝐑𝐘𝐀𝐍𝐆

🎖️ 𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐎𝐔𝐓𝐒𝐓𝐀𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐎𝐑

Kaya ang tanong—

Sino ang naging matatag na katuwang ng kanilang Governor?

Sino ang naging aktibong bahagi sa pagsusulong ng mga programa, adhikain, at kapakanan ng kanilang college?

At sino ang tatanghaling 𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐎𝐔𝐓𝐒𝐓𝐀𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐎𝐑?

𝐈𝐓𝐎 𝐀𝐍𝐆… 𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔.

||𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐎𝐂 𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐒𝐔𝐋𝐀𝐑𝐄𝐒||Sa bawat College Student Govern...
16/09/2026

||𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐎𝐂 𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐒𝐔𝐋𝐀𝐑𝐄𝐒||

Sa bawat College Student Government, may mga lider na nagsisilbing boses at kinatawan ng kanilang college—nakikinig sa hinaing, tumutugon sa pangangailangan, at kumikilos para sa kapakanan ng mga estudyanteng kanilang nasasakupan.

Sa bawat usapin at hamon na kinakaharap ng kanilang college, may mga Board Member na handang makinig, magsalita, at manindigan.

Kilalanin ang mga 𝐍𝐎𝐌𝐈𝐍𝐀𝐃𝐎 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐓𝐄𝐆𝐎𝐑𝐘𝐀𝐍𝐆

🎖️ 𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐎𝐔𝐓𝐒𝐓𝐀𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐎𝐀𝐑𝐃 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑

Kaya ang tanong—

Sino ang tunay na naging boses ng kanilang college?

Sino ang nagpakita ng natatanging dedikasyon, aktibong pakikilahok, at malasakit sa mga estudyanteng kanilang kinakatawan?

Sino ang higit na namukod-tangi sa pagtupad ng tungkulin bilang isang kinatawan ng kanilang college?

At sino ang kikilalanin bilang 𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐎𝐔𝐓𝐒𝐓𝐀𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐎𝐀𝐑𝐃 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑?

𝐈𝐓𝐎 𝐀𝐍𝐆….... 𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔.

||𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐎𝐂 𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐒𝐔𝐋𝐀𝐑𝐄𝐒||Sa bawat organisasyon, may isan...
15/09/2026

||𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐎𝐂 𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐒𝐔𝐋𝐀𝐑𝐄𝐒||

Sa bawat organisasyon, may isang lider na hindi lamang nangunguna, kundi nagsisilbing direksyon, inspirasyon, at boses ng mga taong kanyang pinaglilingkuran.

Sa bawat proyekto at desisyong kinakaharap ng isang organisasyon, may isang Pangulong handang manguna, manindigan, at akuin ang bigat ng responsibilidad upang maisakatuparan ang layunin ng kanilang samahan.

Kilalanin ang mga 𝐍𝐎𝐌𝐈𝐍𝐀𝐃𝐎 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐓𝐄𝐆𝐎𝐑𝐘𝐀𝐍𝐆

🎖️ 𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐎𝐔𝐓𝐒𝐓𝐀𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐑𝐆𝐀𝐍𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓

Kaya ang tanong—

Sino ang nanguna nang may paninindigan at malasakit?

Sino ang nagbigay ng direksyon, naglatag ng mga makabuluhang hakbang, at naging inspirasyon sa kanilang mga kasamahan?

At sino ang mag-uuwi ng karangalan bilang 𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐎𝐔𝐓𝐒𝐓𝐀𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐑𝐆𝐀𝐍𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓?

Itoo ang……𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔

Address

Bayan
Orani
2112

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7pm - 5pm
Wednesday 7pm - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Telephone

+639653152223

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Campus Student Government Orani Campus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share