31/12/2025
Happy New Year!
Salamat!
Maraming salamat sa isang taon ng kasiyahan, kulitan, kalungkutan, at pagtutulungan, Salamat sa isang makabuluhang taon.
Unang una salamat sa biyaya ng isip, katawan, tibay, kapatiran. Salamat sa biyaya ng Panginoon sa taong ito!
Sa lahat ng suportang ibinibigay nyo po sa amin, ang buong Peace Chapter ay taos puso pong nagpapasalamat sa inyo! Sa walang sawang partisipasyon at koordinasyon sa lahat ng proyektong naisakatuparan sa taong ito!
Sa atin pong Strong Officers, salamat sa talino, oras at pagod na inyong inilaan sa taon na ito! Walang mabubuong proyekto kung hindi kayo nagtulungan at nagkaisa, ganon din sa mga Founders at members sa palaginf pakikiisa at pag gabay! Kayo ang susi ng lahat ng nagawa at magagawa pa natin!
Sa lahat ng tumulong at walang sawang tumutulong palagi sa amin lubos po kaming nagpapasalamat! Kung wala ang tulong nyo hindi magiging maganda ang lahat ng programa at proyekto ng Peace Chapter!
Sa aming Konseho Parañaque Triskelion City Council malaking pag saludo po sa inyo! Lahat ng suportang binibigay nyo po sa amin ay ibabalik po namin sa inyo!
Muli po nagpapasalamat po kami sa inyo!
Sa Diyos ang lahat ng papuri at parangal!