18/05/2026
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ก๐จ ๐ ๐ข๐ ๐ฆ๐๐๐ข๐ข๐ ๐ข๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง ๐๐ข๐จ๐ก๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐จ๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐ง๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐ข๐ก๐ฆ๐ง๐๐ง๐จ๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฆ
"๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐"
Hindi na bulwagan ng batas ang senado; bagkus, isang sirko kung saan ang mga payaso ay nakabarong at ang mga buwayang dapat nililitis ay siya pang pinapalakpakan.
Habang lumalalim ang usapin ng banggaang politikal, mas lumilinaw na hindi na serbisyong pampubliko ang umiiral sa pamahalaan, kundi pagtatanggol sa kaalyado at pagkapit sa kapangyarihan.
Bilang mga mag-aaral ng Allied Health na sinasanay na magsilbi nang may katapatan, hindi namin kayang tiisin ang gobyernong talamak sa kawalan ng pananagutan.
Patuloy na nauuga ang Senado sapagkat alam nilang unti-unti nang nagigising ang mga Pilipino. Pilit man nilang baluktutin ang katotohanan, may isang bagay na hindi nila kayang kontrolin: ang sambayanang sawa nang maloko at marunong nang mag-isip. Isa sa kinatatakutan ng gobyernoโang mga edukado.
At dapat lamang silang matakot dahil ang namulat, hindi na pipikit pa. At ang taingang nakarinig ay hindi na magbibingi-bingihan pa.
Sapagkat habang may kabataang sawang-sawa na sa lusak ng korapsyon at kamangmangan, may titindig upang kuwestiyunin ang bulok na sistemang matagal nang nagpapanggap na demokrasya. May boses ang kabataan. May karapatan kaming magsalita, magtanong, at maningil ng pananagutan.
Nawaโy magsilbi itong mitsa upang kalampagin ang kamalayan, at magkaisa upang gisingin ang tulog mantikang pamahalaan. Sapagkat ang kongreso ay hindi teatro ng kapangyarihan, kundi tahanan ng pananagutan.