03/10/2026
58 YEARS OF BROTHERHOOD. 58 YEARS OF PRIDE.
Sa paglipas ng panahon, marami man ang nagbago, nananatiling buhay ang diwa ng Tau Gamma Phi—ang pagkakapatiran, pagtutulungan, at paninindigan sa isa't isa.
Sa bawat pagsubok, may kapatid na masasandalan. Sa bawat pagkakataong makapaglingkod, may pusong handang tumulong. At sa bawat tagumpay, sama-sama nating ipinagdiriwang ang bunga ng ating pagkakaisa.
Bilang Tau Gamma Phi – Mulawin Chapter, proud kaming maging bahagi ng patuloy na kwento ng ating kapatiran. Hindi lamang ito tungkol sa pangalan o simbolo, kundi sa mga taong nagbibigay ng tunay na kahulugan sa salitang Brotherhood.
Sa mga nauna, sa mga kasalukuyang kapatid, at sa mga susunod pang Triskelion—tayo ang nagpapatuloy ng legacy.
Happy Founding Anniversary, Tau Gamma Phi!
Mabuhay ang Kapatiran!
Mabuhay ang TAU GAMMA PHI!
Mabuhay ang MULAWIN CHAPTER!
Ariba Tau Gamma!