31/03/2026
๐ง๐๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐๐ญ๐ฑ ๐๐๐๐ข๐ ๐ฃ๐๐๐ฆ๐๐ ๐๐ก๐ง ๐ฅ๐๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง
Mula sa ating mga proyekto para sa kababaihan, PWDs, LGBTQ+, kalikasan, kalamidad, edukasyon, kababaihan, manggagawa, sining, transportasyon, agrikultura, mga hayop, at lipunanโgaano nga ba tayo naging ProgreZibo?
FULL LIST HERE:
๐๐๐๐จ๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก
Tayo ay namahagi ng mahigit sa 90+ na packs at 270+ na pads ng Sanitary Napkins โ๏ธ sa Women's Comfort Room ng College Building, bilang bahagi ng ating kampanyang "Libreng Sanitary Pads Para Sa Kababaihan!" na pinakinabangan ng mga kababaihang estudyante, faculty members, at university staff.
Isinulong natin ang kampanya sa kaalaman ukol sa PCOS (Polycystic O***y Syndrome) ๐บ. Sa ating pagsulong, nagkabit tayo ng Infographic Board sa 2nd floor College Building, na naglalaman ng datos, sintomas, at pag-aaral ukol sa PCOS.
Naka-dayalogo natin ang Awtor ng Magna Carta of Women (RA 9710) at Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (RA 9262), dating Gabriela Partylist Representative, Ms. Liza Maza ๐ธ sa ating programang "Kumbensiyon ng Kilusang Kababaihan," na naglayong isulong ang interes ng mga kababaihan sa pulitika, medya, at lipunan.
๐๐ก๐๐๐จ๐ฆ๐๐๐ข
Tayo ay nakapagsagawa ng libreng pagtuturo ng Sign Language ๐ซฑ sa ilang mga Education at Nursing students, upang mamahagi ng kaalaman sa pakikipag-komunikasyon sa mga Person's with Hearing Disability.
Lumikha tayo ng Project Website ๐๐ na naglalayong alalayan ang mga mag-aaral na alamin at kilatisin ang kanilang SOGIE. Ito ay nagturo at nag-profile ng sexual orientation, gender identity, at gender expression ng halos nasa 100+ na estudyante.
Tayo ay nakipag-ugnayan sa Guidance Office para sa Proyektong UTOL (Usap Tayo, Online at Libre)๐ซ, isang E-Kamustahan Online Consultation para sa mga nangangailangan ng kausap, kaibigan, at mental health support system.
๐๐๐ฃ๐จ๐ก๐๐ก ๐๐ง ๐๐๐ฌ๐๐ก
Noong Nobyembre 26, 2025, tayo ay nag-organisa ng Classroom Walk-out โ at Noise Barrage sa Quadrangle. Ito ay minartsahan ng mga estudyante mula high school hanggang college bilang protesta sa lumalalang kurapsyon ng bansa.
Tumindig tayo sa ating 9-feet Freedom Wall ๐ฃ na umani ng iba't-ibang editorial cartoons, slogans, at catchphrases ukol sa isyu ng kurapsyon sa pamahalaan. Ito ay sinulatan ng mga estudyante mula high school hanggang kolehiyo, maging ang ilang mga miyembro ng faculty.
Tayo rin ay nakiisa sa Trillion Peso March โซ sa Maynila, kung saan dumalo ang ilang miyembro ng ating konseho sa panawagan ng accountability at anti-corruption. Nagbahagi rin tayo ng opisyal na pahayag na tumututol sa maka-sistemang katiwalian sa gobyerno.
๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐๐ง ๐๐๐๐จ๐ฅ๐จ๐๐ก
Namigay tayo ng libreng bigas, kape at libreng pandesal sa mga g**o at kawani ng unibersidad sa programang Kapehan at Pasasalamat๐. Tinatayang nasa 200+ na coffee cups, 400+ pandesal, at 75 kilograms o tatlong sako ng bigas ang ating ibinigay.
Binuksan natin ang programa sa mga Deans, Faculty, Security Guards, Maintenance, Office Secretaries, Registrar, Canteen, Library, Guidance, at iba pang empleyado ng paaralan.
Namigay tayo ng AUSSC-exclusive pens at pensleeves ๐๏ธ sa ating mga College Professors, sa tulong ng Duckie Prints. Mahigit 100+ ang ballpens na ating ipinamigay, bilang pasasalamat sa kanilang pagtuturo.
Sa nakaraang pAUskuJuan, namigay tayo ng mga Libreng Prutas ๐ tulad ng sariwang buko, saging, dalandan, at mansanas para sa lahat ng mga staff, faculty, at estudyante na dumalo sa pagtitipon.
๐ฃ๐ฅ๐ข๐ฌ๐๐๐ง๐ข ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฃ
Namigay tayo ng 40+ packs ng libreng dog foods sa Araw ng mga Puso ๐ (February 14) sa proyektong "Date your Dogs" na kumilala sa ating campus fur parents.
Tayo rin ay naghatid at nagpadala ng ilang kilong pagkain (kilo-kilong cat food at dog food) sa mga stray cats at stray dogs mula Gil Puyat hanggang Libertad. Ito ay ating proyekto upang maghatid alaga sa ating mga aso't pusa sa daanan.
๐ฅ๐๐ฆ๐ฃ๐ข๐ก๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Itinatag natin ang programang SWORD o Student Welfare & On-Call Response Division๐จ na naghatid ng online assistance sa panahon ng kalamidad, sa pamamagitan ng Online Emergency Help Desk. Ito ay isang centralized digital assistance na kumokonekta sa Pasay Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), Bureau of Fire Protection - Pasay, Pasay City General Hospital, Pasay City Police Station, at Traffic and Parking Management Office (TPMO).
Naghanda rin tayo ng Free Load Servicesโ๏ธ para sa mga nangailangan ng Emergency Calls and Texts sa kasagsagan ng bagyo.
Sinimulan natin ang "Bangon Sugboanon" Operations โ๏ธ na nakapaghatid ng 1,830+ relief goods para sa mga nasalanta ng 6.9 Magnitude Earthquake sa Cebu.
Tayo ay nakakalap ng 430 sanitary pads, 320 na bote ng drinking water, 190 packs ng noodles, 160 bote ng shampoo, 155 canned goods, 130 bars ng soap, 125 sanitary napkins, 175 tubes ng toothpaste, 45 toothbrushes, 35 packs ng tissue, 18 packs ng panlaba, 15 packs ng wipes, at ilan pang relief goods na inihatid natin sa Mandaue, Cebu.
Tayo rin ay nag-repack at namahagi ng mga donasyong damit sa ilang mga nasunugang baranggay sa Pasay, kasama ang mga relief bags na ipadala sa mga biktima ng sunog.
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ข ๐๐ง ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐๐๐ก
Tayo ay nakipag-partner sa University Library upang magsagawa ng ilang Literacy at Reading program ๐. Nagkaroon tayo ng Feminist Literature and Textbooks Collection na "Kababaihan sa Aklatan ๐ธ," tampok ang mga aklat na Gender and Elections nina Susan J. Caroll & Richard L. Fox at The New Don't Blame Mother ni Paula J. Caplan, upang kilalanin ang kondisyon ng mga kababaihan sa lipunan.
Nagpagawa rin tayo ng Newspaper Stand๐ฐ na may taas na five feet (5'0) para sa ating student publication, upang maging tahanan ng ilang published newspaper ng Arellano University The Standard mula 2019 hanggang 2024. Ito ay ating ipinagawa at ibinyahe mula Paraรฑaque patungong Pasay, na ngayon ay nagagamit ng mga nais kumuha at magbasa ng dyaryo.
Nag-organisa rin tayo ng Free Goodluck Pantry ๐ช sa mga College students para sa ating Final Examinations Week na nagbigay ng mga libreng snacks at ballpens sa ating mga kamag-aral.
Ginawa nating regular ang pamimigay ng mga Libreng Ballpen para sa ating Examination Week. Nakapagbigay tayo ng higit sa 500+ na ballpens sa ating mga college students, sa pakikipag-coordinate sa ating college library.
๐๐๐ฅ๐๐๐จ๐๐ง๐จ๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ ๐ฃ๐จ๐ฆ
Naisakatuparan natin ang Proyektong Campus Farm๐ฝ na nakapagtanim ng higit 30+ na produktong agrikultura tulad ng kamatis, sili, okra, talong, kampanilyang paminta, at kalamansi.
Ito ay kasabay ng paggunita sa Araw ng mga Magsasaka noong Oktubre 12, sa tulong ng mga Kabataang NSTP I nina Ms. Deborah Acab at Mr. Percieval Salise.
๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ง๐ฅ๐๐ก๐ฆ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก
Tumapik tayo sa Libreng Sakay sa Pasay ๐, kung saan nakapaghatid serbisyo ang ilang Free Shuttle Services ng myToyota Shuttle PH app na maaaring gamitin ng mga AU Chiefs sa Pasay sa loob ng isang taon.
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐๐ก
Nasa 20+ na puno ang naging bahagi ng ating Tree Identification Project๐ณ tulad ng mga False Ashoka at Astonia trees sa campus. Nasa 30+ na bagong Gardening Materials ๐ช ang ating i-dinonate sa Campus Botanical Garden gaya ng mga planting pots, shovel, rake, watering cans, pot saucers, at cutting tools.
Nagtatag din tayo ng E-Waste Collection Zone๐ฑ kung saan nakakolekta tayo ng nasa 8 kilogram na E-Waste Recyclables tulad ng Mobile Phones, Electric Kettle, Digital Camera, Portable Fan, at mga Baterya. Nagpaskil din tayo ng mga Conservation Notesโป๏ธ sa ilang mga water fountains, air-conditioned classrooms, electric fans, at hallway outlets ng College Building.
Nagsagawa tayo ng ilang Science Laboratory Experiments๐งช kasama ang mga STEM at IT students, na may kinalaman sa environmental mechanics tulad ng filtration at water purification. Nagturo din tayo ng proseso sa pagtatanim at ilang Solar Power lectureโ๏ธ tungkol sa solar energy, solar panels, at solar puzzles kasama ang ilang EDUC at PSYCH students.
Nagsagawa tayo ng mga libreng aralin sa Bugs, Birds, and Botany๐๏ธ, kung saan ipinakilala natin ang iba't-ibang ibon, insekto, at halaman na mahahanap sa loob ng campus tulad ng Eurasian Tree Sparrow, Zebra Dove, White Cabbage Butterfly, at halaman na Cat's Whiskers (Orthosiphon aristatus).
๐ฆ๐๐ก๐๐ก๐ ๐๐ง ๐๐จ๐๐ง๐จ๐ฅ๐
Ang ating bulletin board ๐ ay ginawa natin hand-made upang umiwas sa paggamit ng tarpaulin options. Ito ay mula sa mga retasong banig at cowrie shells mula sa larong Sungka, na ating inirecycle at ginamit upang maging 100% recycle-made ang bulletin.
Kinilala rin natin ang sining sa iba't-ibang gawang-kahoy ng mga rehiyon para sa programang tAUmbayan NAMAN ๐ชต. Tayo ay nagtungo sa iba't-ibang klase ng HUMSS upang magturo sa kahalagahan ng mga katutubong tradisyon, kasama ang mga gawang-kahoy at likhang-kamay na mga sining.
๐๐ฆ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง๐ฆ
Isinulong natin ang pagpipintura ng Basketball Court!๐ Ang konseho ay nagsumite ng mga dokumentong naglayon mapinturahan ang basketball court, kalakip sa ating nilagdaang Resolution No. 2, Student Acquisition Request Form (SARF), at NSTP I Project Proposal (Oct 2025). Sa inisyatibo ng ating Assistant Vice President, pormal itong naisakatuparan.
Ating inimbita ang mga natatanging international medalists at national athletes for Wushu (Martial Arts)๐ต๐ญ๐ฅupang maging College Intramurals Headliner para sa taong 2025. Sa kauna-unahang pagkakataon, itinanghal natin ang isports na Wushu sa mga kategoryang Taolu (forms) at Sanda (Sparring) sa nagdaang Intramurals.
Sa unang pagkakataon, naglunsad tayo ng College Intramurals Press Conference kasama ang The Standard Publication and Broadcasting Media ๐ค. Tampok dito ang pre-season interview ng mga Team Captains at bawat kuponan.
๐ ๐๐๐ฌ๐ ๐๐ง ๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐ก๐๐ง
Pinalakas pa natin lalo ang Official page ng AUSSC - Pasay. Tayo ay naka-accumulate ng 17,065 total likes and reactions out of 63 published contents ๐ฑ. Ito ay mas mataas ng 978% times kumpara sa 1,583 reactions out of 137 contents noong nakaraang taon. Patunay ito ng ating masigasig na pagpapalawig ng digital connection at public relations.
Itnaas din natin ang bilang ng Page Engagement ๐ฅ sa 8.1k+ likers at 8.1k+ followers (+3.3k!) sa ating Official page. Ito ay mahalagang bahagi sa pagpapakalat ng impormasyon at pagkilala sa AUSSC - Pasay sa digital na espasyo.
Tayo rin ang kauna-unahang Supreme Student Council ng Pasay na nakapag-produce ng Christmas Station ID โ๏ธ. Sa lapat nq musika ng AUSSC at Glee Club, ang munting choreography ay nilahukan ng ating mga deans, faculty, administration, at mag-aaral na tumabo sa 21,880 views sa ating Official Media Platform.
โ
Isang taon ng hindi mapapantayang serbisyo.
Dahil basta konseho? progreZibo!