01/05/2026
Tuwing Mayo Uno, ipinagdiriwang natin ang Araw ng Uring Manggagawa.
Ang kasaysayan ng Araw ng Uring Manggagawa ay maiuugat sa mga kaganapang may kinalaman sa pag-aaklas ng mga manggagawa sa Estados Unidos noong panahon ng Industriyalisayon sa huling bahagi ng ika-19 na siglo. Noong ika-4 ng Mayo 1886 sa Chicago, Illinois, isinagawa ang mapayapang demonstrasyon na naglalayong bawasan ang 10-16 oras ng pagtatrabaho sa 8 oras kada araw. Sa kasamaang palad, karamihan sa mga hindi armadong nakibaka ay pinatay ng mga pulis. Ang naganap na masaker ay kikilalanin bilang Haymarket Affair. Taong 1889, itatalaga ng โSecond Internationalโ (o pederasyon ng mga Sosyalistang partido at unyon na nakabase sa Europa) ang Mayo Uno bilang paggunita sa naganap na masaker sa Haymarket Affair. Ang balita ng kilusan ay aalingawngaw sa buong mundo, at tutulong sa pagsiklab ng damdaming maka-manggagawa sa mga dekada pang darating.
Sa Pilipinas, noong ika-1 ng Mayo, 1903, higit-kumulang 100,000 Pilipinong manggagawaโna pinangunahan ng Union Obrera Democratica de Filipinas (UODF)โang nagmartsa mula sa Plaza Moriones sa Tondo, patungo sa Malacaรฑan para sa panawagan na patalsikin ang imperyalistang Estados Unidos at patas na pasahod. Hanggang ngayon, kinikilala ang demonstrasyong ito bilang kauna-unahang demonstrasyong manggagawa na sa Pilipinas na isinagawa sa araw ng Mayo Uno.
Ang kapangyarihan ng mga kilusang manggagawa noon ang nagsilbing pundasyon para magkaroon ng pagbabago sa kundisyon ng mga manggagawa hanggang sa ngayon. Ang 8 oras na pgtatrabaho kada araw ay naging pandaigdigang pamantayan. Ang mga batas sa paggawa, kubdulang sahod, at mga regulasyon sa kaligtasan ay naisabatas din, at patuloy na sinusuportahan ng mga pandaigdigang organisasyon tulad ng International Labor Organization (ILO).
Hindi matatawaran ang tapang, dugo, at pawis na inalay ng mga rebolusyonaryo upang makamit natin kung ano man ang mayroon tayo ngayon. Huwag natin kalimutang magbigay-pugay sa mga manggagawa sa kahit saang sektor. Patuloy nating ipaglaban ang kanilang karaptan sapagkat ang isang bayang matagumpay ay may mataas na pagkilala sa mga bumubuhay rito. Ang aktibismo ay hindi terorismo.
Mabuhay ang lahat ng uring manggagawa sa Pilipinas at ng daigdig! ๐ต๐ญโ๐ผ
(Image from LiCas News; incorporated to graphics by Jolene Sefรณra | TCSC)