AU The Standard - Andres Bonifacio Campus

Directions Website Contact the university

AU The Standard - Andres Bonifacio Campus Official page: The Official Student Publication of Arellano University Andres Bonifacio Campus

𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗞𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 | Hibla ng Bayan, Ugat ng Lalawigan 2026 🇵🇭✨Buhay na buhay ang diwa ng kulturang Pilipino sa Hibl...
30/09/2026

𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗞𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 | Hibla ng Bayan, Ugat ng Lalawigan 2026 🇵🇭✨

Buhay na buhay ang diwa ng kulturang Pilipino sa Hibla ng Bayan, Ugat ng Lalawigan 2026 na ginaganap ngayong Setyembre 30, kung saan ipinakikita ng mga estudyante ang kanilang talento sa pamamagitan ng makukulay na kasuotan, musika, sayaw, at iba pang pagtatanghal na kumakatawan sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.

Pinangungunahan ng League of Social Sciences ang nasabing programa na naglalayong bigyang-pugay ang mayamang pamana ng ating mga ninuno. Sa bawat pagtatanghal, naibabahagi ang mga kuwento at tradisyong naging bahagi ng paghubog sa ating kulturang Pilipino at pagkakakilanlan bilang isang bansa. ❤️💙

𝗠𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼!

💻✍Khayne Larena/Sophia Salandanan


𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | 𝗙𝗢𝗥 𝗔𝗟𝗟 𝗔𝗨 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗨𝗦𝗘𝗦 Classes in all Arellano University campuses and across all levels will shift to online lear...
26/09/2026

𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | 𝗙𝗢𝗥 𝗔𝗟𝗟 𝗔𝗨 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗨𝗦𝗘𝗦

Classes in all Arellano University campuses and across all levels will shift to online learning on Monday, September 28, due to the planned transportation strike.

Thank you and ingat, Chiefs! 💙❤️

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DuwB53v7p/


𝗔𝗨 𝗕𝗥𝗔𝗩𝗘𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗨𝗣𝗛𝗦𝗗 𝗝𝗨𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗔𝗟𝗧𝗔𝗦, 97-104 𝗦𝗔 𝗝𝗨𝗡𝗜𝗢𝗥𝗦 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗡𝗔𝗠𝗘𝗡𝗧! 🏀Nabigo ang AU Braves na makakuha mul...
25/09/2026

𝗔𝗨 𝗕𝗥𝗔𝗩𝗘𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗨𝗣𝗛𝗦𝗗 𝗝𝗨𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗔𝗟𝗧𝗔𝗦, 97-104 𝗦𝗔 𝗝𝗨𝗡𝗜𝗢𝗥𝗦 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗡𝗔𝗠𝗘𝗡𝗧! 🏀

Nabigo ang AU Braves na makakuha muli ng panalo matapos silang masandalan ng UPHSD Junior Altas, 97-104, sa NCAA Season 102 Juniors Basketball Tournament ngayong araw sa PhilSports Arena sa Pasig City. Dahil diyan, isang malungkot na resulta ang naitala ng koponan ng Braves na mayroon nang 1-2 win-loss record sa torneo.

Nakuha ng Braves ang pambungad na bentahe sa unang quarter ng laban, ngunit unti-unting nakabawi ang Junior Altas sa mga sumunod na yugto sa pamamagitan ng maiinit na scoring runs at mahigpit na depensa upang agawin ang pangkalahatang momentum.

Sinubukan pang lumusot sa butas ng karayom ng Braves upang mabawi ang kalamangan sa huling quarter gamit ang mga krusyal na three-point conversions, ngunit naging sapat ang mga clutch free throws ng Altas upang tuluyang selyuhan ang laban.

Iskor: 29-27, 49-53, 71-82, 97-104.

via: Lenard Kim D. Cortel


𝐁𝐑𝐄𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐄𝐖𝐒 |   𝐁𝐚𝐛𝐲𝐞 𝐁𝐒𝐊𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔? 𝐑.𝐀. 𝐍𝐨, 𝟏𝟐𝟑𝟐𝟔, 𝐩𝐢𝐧𝐢𝐫𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐧𝐢 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐅𝐞𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐨𝐬 𝐉𝐫.                   Tul...
25/09/2026

𝐁𝐑𝐄𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐄𝐖𝐒 | 𝐁𝐚𝐛𝐲𝐞 𝐁𝐒𝐊𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔? 𝐑.𝐀. 𝐍𝐨, 𝟏𝟐𝟑𝟐𝟔, 𝐩𝐢𝐧𝐢𝐫𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐧𝐢 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐅𝐞𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐨𝐬 𝐉𝐫.

Tuluyan na ngang naisabatas ang Republic Act No. 12326 o AN ACT SETTING THE TERM OF OFFICE OF BARANGAY OFFICIALS AND MEMBERS OF THE SANGGUNIANG KABATAAN, AND FOR OTHER PURPOSES matapos pirmahan ng Pangulo ang nasabing batas. Aniya, “Hindi ito dagdag na panahon sa puwesto. Dagdag itong panahon ng pananagutan sa taumbayan.” Layunin ng batas na ito na palawigin ang termino ng mga Barangay at Sangguniang Kabataang Opisyal hanggang limang taon. Kaakibat na rin ng batas ang pag antala ng dalawang taon pa sa inaasahang BSKE 2026. Matatandaang nauna nang isabatas ang kaparehong panukala noong Agosto ng nakaraang taon– R.A. 12232 kung saan ay pinalawig din ang termino ng BSK hanggang apat na taon mula sa orihinal na tatlo. Ang nasabing batas ang siya ring nagtakda ng sana’y BSKE 2026 ngayong nobyembre.

via Jessy Lanah Q. Sia at Lloyda



Ano ginagawa mo ngayong wellness break Chief? I-comment mo naman✒️: Lloyda🎨: Lorraine Joibe Lantion
24/09/2026

Ano ginagawa mo ngayong wellness break Chief? I-comment mo naman

✒️: Lloyda
🎨: Lorraine Joibe Lantion


24/09/2026

#𝐒𝐭𝐚𝐧𝐝𝐚𝐫𝐝𝐏𝐚𝐭𝐫𝐨𝐥 | #𝙏𝘼𝙏𝘼𝙆𝘽𝙊𝙉𝙄 𝙏𝘼𝙈𝙋𝙊𝙆 𝙎𝘼 𝘿𝘼𝙔 2 𝙉𝙂 𝘾𝙃𝙄𝙀𝙁𝙎 𝙇𝙀𝘼𝘿𝙀𝙍𝙎𝙃𝙄𝙋 𝘾𝙊𝙉𝙁𝙀𝙍𝙀𝙉𝘾𝙀

Matapos ang ilang suspensyon ay sa wakas natuloy na ang ikalawang araw ng Chiefs' Leadership Conference 2026.Ginanap noong Ika-22 ng Setyembre sa AU Manila Gymnasium, tampok ng ikalawang araw ang mga team-building activities na pinangunahan ng Office for Student Affairs (OSA) kung saa'y nagpaligasahan ang mga Organisasyon mula sa Kolehiyo sa pagkamalikhain, stratehiya, at liksi.

𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗱𝗲𝘁𝗮𝗹𝘆𝗲, 𝗻𝗮𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝘁𝗮𝗻𝗱𝗮𝗿𝗱 𝗣𝗮𝘁𝗿𝗼𝗹.

𝗥𝗲𝗽𝗼𝗿𝘁𝗲𝗿 | 𝘒𝘳𝘪𝘴𝘵𝘢𝘭 𝘗𝘢𝘯𝘤𝘩𝘰 𝘢𝘵 𝘙𝘢𝘮𝘪𝘦𝘭𝘭𝘢 𝘝𝘦𝘭𝘦ñ𝘢
𝗩𝗶𝗱𝗲𝗼 𝗘𝗱𝗶𝘁𝗼𝗿 | 𝘎𝘢𝘳𝘷𝘩𝘪𝘯 𝘎𝘢𝘣𝘰𝘯𝘢
𝗩𝗶𝗱𝗲𝗼𝗴𝗿𝗮𝗽𝗵𝗲𝗿𝘀 | 𝘎𝘶𝘻𝘵𝘢𝘷 𝘉𝘢𝘤𝘰 at 𝘒𝘦𝘯 𝘛𝘢𝘥𝘦𝘰






𝗕𝗥𝗘𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 | 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗮𝘁𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀, 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗣𝘀𝘆𝗰𝗵𝗼𝗺𝗲𝘁𝗿𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻𝘀!A heartfelt congratulations to the successful examinees in the S...
23/09/2026

𝗕𝗥𝗘𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 | 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗮𝘁𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀, 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗣𝘀𝘆𝗰𝗵𝗼𝗺𝗲𝘁𝗿𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻𝘀!

A heartfelt congratulations to the successful examinees in the September 2026 𝗣𝘀𝘆𝗰𝗵𝗼𝗺𝗲𝘁𝗿𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻 𝗟𝗶𝗰𝗲𝗻𝘀𝘂𝗿𝗲 𝗘𝘅𝗮𝗺𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗣𝗠𝗟𝗘). Arellano University–Pasig Psychology alumnus 𝗠𝗮𝗿𝘀 𝗠𝘆𝗸𝗲𝗹𝗹 𝗔𝗾𝘂𝗶𝗻𝗼 𝗗𝗲𝗼𝗱𝗼𝗿𝗲𝘀 secured 𝗥𝗮𝗻𝗸 𝟴 with a rating of 𝟵𝟮.𝟴𝟬%, further bringing pride and honor to the Arellano community. The results were officially released on September 23, 2026.

The Arellano community extends its congratulations to all newly licensed psychometricians whose hard work, perseverance, and dedication have led them to this milestone.

Congratulations, RPms! 💙💛🧠

via Archel Aguilar




𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗞𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 | 𝗗𝗥𝗔𝗚 𝗥𝗔𝗖𝗘Kasalukuyang binabalot ng masigabong palakpakan at sigawan ang AU - AndresBonifacio Ca...
23/09/2026

𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗞𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 | 𝗗𝗥𝗔𝗚 𝗥𝗔𝗖𝗘

Kasalukuyang binabalot ng masigabong palakpakan at sigawan ang AU - Andres
Bonifacio Campus School Quadrangle, ngayong ika-23 ng Setyembre araw ng Miyerkules.

Mahusay na ipinapakita ng mga Estudyante ang kanilang supporta sa paraan ng pagkakaisa at pagbibigay-pugay, para sa kanilang kamag-aral na kalahok sa “Drag Race”

✒️: Judd Andrew Pawaan
📷: Marphy Pancho & Christina Doroin


𝐊𝐀𝐒𝐀𝐋𝐔𝐊𝐔𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐏 | Mobile Journalism Training ‎‎Kasulukuyang nagsasanay ang Beyond The Standard Broadcasting Secti...
23/09/2026

𝐊𝐀𝐒𝐀𝐋𝐔𝐊𝐔𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐏 | Mobile Journalism Training
‎
‎Kasulukuyang nagsasanay ang Beyond The Standard Broadcasting Section sa Mobile Journalism sa pangunguna ng dating Editor-in-chief ng AUTS-EEC na si Karl Mateo Aragon. Abangan ang mas malawak at inklusibong pagbabalita!

via LLOYDA


Address

Pag-asa Street , Caniogan
Pasig

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AU The Standard - Andres Bonifacio Campus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to AU The Standard - Andres Bonifacio Campus:

Share