10/04/2026
๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐๐๐ | Tampok sa ikalawang araw ng workshop ng Philippine Educational Theater Association (PETA) noong ika-8 ng Abril, 2026 ang Creative Action Plan ng iba't-ibang organisasyon ukol sa pagsusulong ng kamalayan tungkol sa mental health.
Ibinahagi ng mga kalahok na organisasyon ang kani-kanilang mga plano, kabilang ang pagtukoy sa mga dominanteng naratibo tungkol sa mental health na nais nilang baguhin tungo sa mas progresibo at transpormatibong naratibo.
Tinalakay din sa presentasyon ang mga nakaplanong aktibidad, mga kagamitang gagamitin, mga katuwang, at ang mga target na benepisaryo ng kanilang mga proyekto. Naging bukas ang bawat isa sa pagtanggap ng mga tugon, suhestyon, at rekomendasyon mula sa mga kalahok.
Ani ng presidente ng PLP Psychological Synergy of the Youth (PSY) na si John Rieven Yunting, tila umano siyang nasa isang thesis defense habang ibinabahagi ang Creative Action Plan ng kanilang organisasyon.
โTo be honest, para po akong na-put in sa isang thesis defense kanina eh. Our project is an annual project that started last yearโthe psychological first aid to help students to be equipped with knowledge and understanding and also awareness to health issues na concern ng mga student.โ ayon kay Yunting.
Bukod pa rito, binigyang-pansin din sa araw na ito ang ilang mga aktibidad gaya ng Salin-Awit, Leveling, pagbabalik-tanaw sa mga dominanteng naratibong kinakailangang baguhin, at repleksyon sa mga natutunan.
Malaki ang naging bahagi ng dalawang araw na workshop na ito sa mga lider-estudyante at ilang miyembro ng faculty dahil ang bawat isa ay nag-uwi ng bagong karanasan, kaalaman, at ala-ala na maaari nilang maibahagi sa mga kapwa-estudyante lalo na sa pagpapalawak ng usapin tungkol sa kalusugang pangkaisipan.
Ayon kay Daniela Gicanaโkasalukuyang Executive Secretary ng Computer Society Inc., mahalaga ang mga workshop at programang tulad ng inilunsad ng PETA Lingap Sining upang higit pang makatulong sa komunidad ng PLP.
โI just hope that we can have more workshops like this, so students can continue to grow and develop these skills. And hopefully, step by step, we can start applying these ideas in our university and make a real difference.โ ayon kay Gicana.
Sa pamamagitan ng mga ideya at planong nabuo sa workshop, inaasahang magsisilbi itong unang hakbang para sa mga lider-estudyante at mga g**o na maging aktibong tagapagtaguyod ng mas bukas, makatao, at makabuluhang pag-uusap tungkol sa kalusugang pangkaisipan sa loob ng pamantasan.