16/09/2026
๐๐ฎ๐ฐ๐๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ค๐๐ ๐๐ญ, ๐๐๐ฆ๐จ๐ค ๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ ๐ฉ๐ฎ๐ข๐ง ๐๐ ๐๐!โจ
๐จ๐๐ ๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐๐โ
Ayon sa ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐จ๐ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก (๐ฃ๐ฎ๐ง), ang ๐
๐๐๐๐๐ ay isang sakit na nagmula sa viral infection na naisasalin sa tao sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok (๐จ๐๐
๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐ ๐ ๐จ๐๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐) na may dala ng dengue virus.
Ito ay karaniwan sa mga tropikal at subtropikal o maiinit na lugar tulad ng Pilipinas. Karamihan sa mga taong nagkakaroon ng dengue ay hindi nakakaramdam ng sintomas, habang ang iba naman ay nakakaranas ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo at katawan, pagduduwal, at pantal sa balat. Karamihan sa kanila ay gumagaling sa loob ng 1โ2 linggo, ngunit ang ilan ay magkaroon ng malubhang kaso na nangangailangan ng agarang pagpunta sa ospital (WHO, 2025).
Ayon sa Albay Provincial Information Office, ang may pinakamataas na kaso ng dengue ay ang Legazpi City na may 378, na sinundan naman ng Bacacay na may 254, at Daraga na may 188. Ayon din dito, mayroon nang kabuoang 14 na nasawi sa nasabing virus.
๐ฆ๐๐๐ญ๐๐ง๐ ๐ข๐๐ง ๐ง๐ ๐ฅ๐๐ฆ๐จ๐ค ๐ง๐ ๐๐๐๐๐
1. Namamahay ito samadidilim na lugar.
2. Nangingitlog sa malilinaw at hindi dumadaloy na tubig.
3. Karaniwang kumakagat mula sa gilid o likod ng tao.
4. Ito ay itim na may mga puting batik sa katawan at binti.
5. Mas dumarami kung tag-ulan dahil sa nagkalat na mga bagay na may tubig na maaring pangitlugan.
6. Karaniwang nangangagat sa araw, partikular sa pagitan ng 6:00 AM hanggang 8:00 AM at 4:00 PM hanggang 8:00 PM.
๐บ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐๐๐๐๐:
โMataas at tuloy-tuloy na lagnat na tumatagal ng 2-7 araw
โPamumula ng balat o mga pantal
โ Pagkahilo / Pagsusuka
โ Labis na pananakit ng tiyan
โ Pagdurugo ng ilong o gilagid
โ Dugo sa dumi ng tao
๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ถ๐ป?
๐ฎ๐๐๐๐ ๐๐๐ 4๐บ
โ Search and Destroy mosquito breeding places โ bawat indibidwal ay inaasahang makiisa sa 4 o'clock habit. Kung saan sama-samang silang maghahanap at sisira sa mga maaaring pagmugaran ng lamok tuwing alas-4 ng hapon. Tulad ng tangke ng tubig, garapon, paso ng halaman, at iba pang lugar na maaaring pag-ipunan ng tubig.
โ Self-protection โ Gumamit ng mosquito repellant at magsuot ng mahahabang damit upang maprotektahan ang balat laban sa kagat ng lamok
โ Seek early consultation โ Kumonsulta agad sa pinakamalapit na health center kung makaranas ng lagnat na tumatagal ng dalawang araw, pananakit ng katawan, pantal, pagdurugo ng gilagid at iba pang sintomas ng dengue
โ Support fogging/spraying in hot spot areas - Makipagtulungan sa mga fogging o spraying activities na isinasagawa ng mga health worker habang nakasuot ng protective clothing. Mainam itong gawin tuwing walang ulan at hindi masyadong mainit ang panahon at kapag hindi aktibo ang mga lamok na nagdadala ng dengue.
๐น๐๐๐๐๐๐๐๐:
Dengue | CHD-MIMAROPA. (n.d.). https://mimaropa.doh.gov.ph/dengue
Marpuri, C. (2023, March 9). Kilalanin: Uri ng Lamok na Nagdudulot ng Dengue At Malaria. Hello Doctor. https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/infectious-diseases-bata/kilalanin-uri-ng-lamok-na-nagdudulot-ng-dengue-at-malaria/
World Health Organization: WHO & World Health Organization: WHO. (2025, August 21). Dengue. https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/dengue-and-severe-dengue
Caption by:
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐
CHAV Public Information Officer
Content by:
๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐
CHAV President
Layout by:
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
CHAV External Vice President