02/05/2026
๐๐จ๐ฒรฑ๐ผ๐, ๐บ๐ฎ๐ด-๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ธ๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐๐๐น๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ป
Pinapaalalahanan ang lahat, lalo na ang mga BUeรฑos, na maging lubos na maingat at mapagmatyag kasunod ng patuloy na strombolian activity ng Bulkang Mayon. Ang ganitong uri ng aktibidad ay maaaring magdulot ng biglaang pagsabog, pagbuga ng lava, abo, at mga batong maaaring mapanganib sa kalusugan at kaligtasan.
Mahigpit na ipinapayo ang pagsunod sa mga abiso at direktiba ng mga kinauukulang ahensya, kabilang ang agarang paglikas kung kinakailangan at pag-iwas sa mga itinakdang danger zones. Ugaliing magsuot ng face mask upang makaiwas sa paglanghap ng abo, manatili sa loob ng bahay hanggaโt maaari, at panatilihing handa ang mga emergency kit.
Ang kaligtasan ng bawat isa ang pangunahing dapat isaalang-alang. Manatiling alerto, makinig sa opisyal na anunsyo, at pairalin ang disiplina at kooperasyon sa ganitong mga pagkakataon.