18/08/2026
Stay Safe and Dry WPUans!
Ayan ang totoong WPUan—padayon lang basta ligtas!
Mag-ingat pa rin sa pagpasok at pag-uwi, mga ka-WPU! Dahil sa Orange Heavy Rainfall Warning sa Busuanga, Palawan, dala ng malalakas na ulan ang banta ng baha at dulas sa kalsada. Baon lagi ng payong at iwasan ang mga bahaging mabilis bahain, at siguraduhing full charge ang mga cellphone. Mag-ingat palagi at manatiling tuyo.