19/06/2026
REPOST || ๐ฃ๐๐๐๐ช๐๐ก ๐ฆ๐ง๐๐ง๐ ๐จ๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ๐ฆ๐๐ง๐ฌ ๐๐ข๐๐ก๐ง ๐๐ข๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐ ๐๐ก๐ง ๐๐ซ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐๐ฆ ๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐ง๐๐ ๐๐๐จ๐ฆ๐ง๐๐ฅ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | Personal na dumalo si Hon. Mayor Pedy B. Sabando sa Joint Commencement Exercises 2026 ng Palawan State University โ Oriental Cluster na ginanap sa Roxas Municipal Dome bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng tagumpay ng mga nagsipagtapos mula sa Roxas, Araceli, Dumaran, at San Vicente Campuses.
Naging guest speaker sa nasabing seremonya si Hon. Congressman Jude Acidre, dumalo din si Palawan 1st District Congreswoman Hon. Rosalie โMommy Roseโ Salvame, at ang mga miyembro ng PSU Board of Regents na sina Hon. Myrna Q. Mallari, Chairperson ng CHED at Chair-Designate ng PSU Board of Regents; Hon. Marissa S. Pontillas, Officer-in-Charge ng Office of the University President at Vice-Chair ng Board of Regents; Chairperson ng House Committee on Higher and Technical Education; Hon. Agustin C. Mendoza ng DEPDev-MIMAROPA; Hon. Bernardo N. Sepeda ng DOST-MIMAROPA; Hon. Glenn D. Vallejo, Alumni Regent; Hon. Janet B. Oab, Faculty Regent; Hon. Maria Chona J. Lacao-Sibal at Hon. Marvi Rebueno-Trudeau, mga kinatawan ng pribadong sektor; at Hon. Jay Cze S. Dador, Student Regent.
Sa kanyang mensahe, binati at pinuri ni Mayor Pedy ang mga bagong graduates sa kanilang sipag, tiyaga, at determinasyon upang makamit ang kanilang mga pangarap. Nagpahayag din siya ng taos-pusong pasasalamat sa mga magulang na nagsakripisyo at walang sawang sumuporta sa pag-aaral ng kanilang mga anak, gayundin sa mga g**o at kawani ng unibersidad na naging katuwang sa paghubog ng kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral.
Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng edukasyon bilang susi sa pag-unlad ng bawat mamamayan at ng buong komunidad. Bilang patunay ng patuloy na suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas sa sektor ng edukasyon, inihayag niya ang pagtaas ng taunang school aid para sa Palawan State University mula โฑ2 milyon tungo sa โฑ4 milyon upang higit pang makatulong sa mga programa at pangangailangan ng mga estudyante.
Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Roxas sa pagtataguyod ng mga programang nagbibigay ng mas maraming oportunidad sa kabataan, sapagkat naniniwala itong ang edukasyon ang pundasyon ng isang maunlad, matatag, at progresibong kinabukasan.