22/08/2026
๐ผ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ข๐๐๐๐๐จ๐ฉ๐ค๐จ ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฉ ๐๐ฎ ๐ฌ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ช๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐ก๐ค๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐ช๐ฃ๐๐๐๐ง๐จ๐๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฉ ๐ข๐๐๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐๐ฉ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐ก๐ช๐๐๐ง ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐๐ ๐๐ฉ๐ช๐ฉ๐ค, ๐ฅ๐๐๐๐ช๐๐ค๐, ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐๐ก๐๐ ๐๐ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ๐๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ง๐๐ฃ๐๐จ๐๐ฃ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐.
Mariing kinokondena ng College of Arts and Humanities - Student Government ang naganap na pambabastos, panggugulo, at pambabato ng putik sa iilang estudyante ng aming kolehiyo at ng unibersidad nitong ika-20 ng Agosto, sa huling araw ng Burungitan Rites 2026.
Para sa mga nakaranas ng nasabing insidente, huwag matakot na ibahagi ang inyong naranasan. Maaari ninyo itong iulat sa Office of Gender and Development gamit ang link na ito:
https://www.facebook.com/share/p/1EKa1R8mz8/
Hindi ipagsasawalang-bahala ng aming kolehiyo ang mga nangyari. Sisikapin naming maprotektahan ang karapatan ng mga nakaranas ng karahasan at pambabastos at mapanagot ang mga dapat managot.
Samantala, hinihikayat namin ang lahat na iwasan ang pagpatol at pakikipag-away sa mga posts online. Inaaksyunan na namin ang isyung ito, at ang pakikisalamuha sa mga naturang posts ay maaaring magdulot lamang ng lalo pang paglala ng sitwasyon. Ating isaalang-alang at protektahan ang kalagayan ng mga nakaranas ng karahasan.
๐ผ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ข๐๐๐๐๐จ๐ฉ๐ค๐จ ๐๐ฎ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ข๐๐ฃ ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐๐ฅ-๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐๐ฅ.
๐๐๐จ๐ฅ๐๐ฉ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ง๐๐ก๐๐ฃ, ๐๐๐ก๐๐๐๐ฃ๐จ.