Katipunan Journal

Katipunan Journal Journal ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining, at Kulturang Filipino.

Sa pakikipagtulungan sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Ateneo Art Gallery, ilalathala sa Katipun...
18/11/2025

Sa pakikipagtulungan sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Ateneo Art Gallery, ilalathala sa Katipunan Journal ang mga orihinal na suring-sining sa Wikang Ilokano, Bikol, at Bisaya. Abangan din ang video series na kaakibat ng mga ito sa social media pages ng FEAST Foundation. ๐ŸŽจ๐Ÿ–ผ๏ธ

A passion project a year in the making that we are glad to finally share with you! FEAST Foundation is launching SURING-SINING, a video series on art criticism in Ilokano and Bikol, sponsored by the National Commission for Culture and the Arts. For the next six weeks, we will be featuring art critics talking about artworks from Ilocos Sur, Nueva Ecija, Isabela, Camarines Sur, Albay and Catanduanes. Stay tuned and get excited!

Maraming salamat sa mainit na pagtanggap, Isabela Tourism Office!Ang pagbisitang ito, kasama si Dr. Alvin Yapan, punong ...
23/10/2025

Maraming salamat sa mainit na pagtanggap, Isabela Tourism Office!

Ang pagbisitang ito, kasama si Dr. Alvin Yapan, punong patnugot ng Katipunan Journal, ay kaugnay ng proyektong โ€œSuring-sining sa Wikang Ilokano, Bikol, Waray, at Cebuanoโ€ na layong itampok ang mga kontemporaneong likhang-sining na sumasalamin sa mga lokal na kuwento ng kultura.







๐Ÿ“ข Bukas na! Suri-Sining | Muralya Bilang Tanghal-diwa: Isang Postkolonyal na Pagbasa sa The Birth of a Founder (1971) ni...
23/10/2025

๐Ÿ“ข Bukas na!

Suri-Sining | Muralya Bilang Tanghal-diwa: Isang Postkolonyal na Pagbasa sa The Birth of a Founder (1971) ni Rodrigo O. Almosara

๐Ÿ—“๏ธ Oktubre 24, 2025
โฒ๏ธ 8:00 NU- 12:00 NT
๐Ÿ”—Zoom at Facebook

Magkita-kita tayo.

Mainit na pagbati ang ipinaabot ng Katipunan Journal kay Emersan Baldemor para sa kaniyang sanaysay na โ€œHindi Lahat ng U...
05/10/2025

Mainit na pagbati ang ipinaabot ng Katipunan Journal kay Emersan Baldemor para sa kaniyang sanaysay na โ€œHindi Lahat ng Umaangat ay Naaalala: Si Tandang Ano at ang Politikang Estetiko ng Paglimotโ€ na nakatanggap ng 2025 Purita Kalaw-Ledesma Prize for Art Criticism sa kategoryang Filipino. Kasabay nito, tinanggap din ni Baldemor sa programang pinangasiwaan ng Ateneo Art Gallery ngayong hapon ang The White House Residency Grant.

Mababasa ang kaniyang sanaysay sa go.ateneo.net/PKLPrizes2025 at aabangan naman ang iba pa niyang iaakda sa mga susunod na isyu ng Katipunan.

Bilang pagtugon sa nagaganap na krisis pang-edukasyon sa loob ng bansa, maglalaan ng dalawang isyu ang dyornal na Katipu...
30/03/2025

Bilang pagtugon sa nagaganap na krisis pang-edukasyon sa loob ng bansa, maglalaan ng dalawang isyu ang dyornal na Katipunan ngayong 2025 na pamamagatang Ang Panitikan sa Pagtuturo (Katipunan tomo 13, blg. 1) at Ang Pagtuturo sa Panitikan (Katipunan tomo 13, blg. 2).

๐€๐๐† ๐๐€๐†๐“๐”๐“๐”๐‘๐Ž ๐’๐€ ๐๐€๐๐ˆ๐“๐ˆ๐Š๐€๐ (๐Š๐š๐ญ๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐š๐ง ๐ญ๐จ๐ฆ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐›๐ฅ๐ . ๐Ÿ)

Bukas na nananawagan ang Katipunan, dyornal ng Kagawaran ng Filipino, Pamantasang Ateneo de Manila, ng mga abstrak ng pag-aaral na sinusuri ang representasyon ng mga g**o, ng bokasyon at hanapbuhay na pagtuturo, at ng pangkalahatang kultura ng edukasyon sa bansa na matatagpuan sa mga nakalathalang tekstong pampanitikan. Bagamat mainam ang paglingon halimbawa sa mga maikling kuwento nina Genoveva Edroza Matute (โ€œAng Kuwento ni Mabutiโ€) at Jun Cruz Reyes (โ€œUtos ng Hariโ€), o kayaโ€™y ang higit na pagtalunton pa sa mga tauhan nina G. Pasta at P. Irene sa El Filibusterismo o ni Propesor Tuko sa Ang Sistema ni Propesor Tuko, higit na pagtutuonan ng pansin ng kasalukuyang isyu ng dyornal ang mga higit na kontemporanyong tekstong pampanitikan mula dekada 1990 hanggang sa kasalukuyan.

Idadaan sa isang workshop o palihan ang mga mapipiling abstrak upang tulungan ang mananaliksik na mailathala ang kaniyang pananaliksik at pagsusuri sa isyu ng Katipunan na pamamagatang Ang Pagtuturo sa Panitikan (Katipunan tomo 13, blg. 2).

Sa mga interesado, mangyaring magpasa ng mga sumusunod na kahingian: 1) abstrak sa wikang Filipino na hindi bababa sa 300 na salita, at; 2) maikling tala tungkol sa may-akda na hindi lalampas sa 150 na salita. Inaasahan siyempre na mababanggit na sa loob ng abstrak ang pamagat ng akda o mga akdang gustong gawan ng pagsusuri.

Bukas ang pagtanggap ng abstrak ng pag-aaral hanggang sa ika-20 ng Abril 2025.

Ipasa ang abstrak sa [email protected] bilang Word file. Lagyan ang email ng subject heading na: Abstrak (Apelyido) โ€“ Katipunan 13.2.

Bilang pagtugon sa nagaganap na krisis pang-edukasyon sa loob ng bansa, maglalaan ng dalawang isyu ang dyornal na Katipu...
30/03/2025

Bilang pagtugon sa nagaganap na krisis pang-edukasyon sa loob ng bansa, maglalaan ng dalawang isyu ang dyornal na Katipunan ngayong 2025 na pamamagatang Ang Panitikan sa Pagtuturo (Katipunan tomo 13, blg. 1) at Ang Pagtuturo sa Panitikan (Katipunan tomo 13, blg. 2).

๐€๐๐† ๐๐€๐๐ˆ๐“๐ˆ๐Š๐€๐ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐“๐”๐“๐”๐‘๐Ž (๐Š๐š๐ญ๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐š๐ง ๐ญ๐จ๐ฆ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐›๐ฅ๐ . ๐Ÿ)

Bukas na nananawagan ang Katipunan, dyornal ng Kagawaran ng Filipino, Pamantasang Ateneo de Manila, ng mga abstrak ng pag-aaral na inilalapat ang metodo ng panunuring pampanitikan sa mga akdang inilalathala sa teksbuk, na ginagamit sa mga pribado o pampublikong institusyong pang-edukasyon sa loob ng bansa. Kapansin-pansin kung paano nagkakaroon ng mabigat na epekto ang isyu ng karapatang-ari, pagpapababa ng presyo ng ipabibiling teksbuk, at iba pang kaugnay na usapin sa pagpili at madalas ay pagsulat ng mga adaptasyon ng mga akdang pampanitikan na inilalathala sa mga teksbuk. Nais pagtuonan ng pansin ng kasalukuyang isyu ng Katipunan ang mga inilalathalang akdang pampanitikan sa mga teksbuk sa bansa upang masuri at mapag-aralan kung ano ang nabubuong kultura ng pagbabasa sa bansa ng ganitong mga interbensiyon at ang nalilikha nitong idea ng isang estudyante at mamamayang Filipino.

Idadaan sa isang workshop o palihan ang mga mapipiling abstrak upang tulungan ang mananaliksik na mailathala ang kaniyang pananaliksik at pagsusuri sa isyu ng Katipunan na pamamagatang Ang Panitikan sa Pagtuturo (Katipunan tomo 13, blg. 1).

Sa mga interesado, mangyaring magpasa ng mga sumusunod na kahingian: 1) abstrak sa wikang Filipino na hindi bababa sa 300 na salita, at; 2) maikling tala tungkol sa may-akda na hindi lalampas sa 150 na salita. Nakadetalye rin dapat sa loob ng abstrak ang: 1) pamagat ng akda o mga akdang gustong gawan ng pagsusuri, at; 2) pamagat ng teksbuk kung saan kukunin ang akdang napili.

Bukas ang pagtanggap ng abstrak ng pag-aaral hanggang sa ika-20 ng Abril 2025.

Ipasa ang abstrak sa [email protected] bilang Word file. Lagyan ang email ng subject heading na: Abstrak (Apelyido) โ€“ Katipunan 13.1.

Maaari nang mabasa ang pinakahuling isyu ng dyornal na ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฃ tomo 12,  blg. 1, ๐-๐ฉ๐จ๐ฉ ๐‘๐ข๐ฌ๐ž: ๐Œ๐ ๐š ๐๐จ๐ฌ๐ข๐›๐ข๐ฅ๐ข๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐...
01/03/2025

Maaari nang mabasa ang pinakahuling isyu ng dyornal na ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฃ tomo 12, blg. 1, ๐-๐ฉ๐จ๐ฉ ๐‘๐ข๐ฌ๐ž: ๐Œ๐ ๐š ๐๐จ๐ฌ๐ข๐›๐ข๐ฅ๐ข๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค, 2024.

Nagsilbing panauhing patnugot ng isyu si Ruanni Tupas ng University College London, na itinuturing ang isyu bilang makasaysayan sa pagiging โ€œkauna-unahang espesyal na isyu sa isang dyornal na nakatuon lamang sa pagpapakita ng mga pag-aaral sa P-pop.โ€ Ipinakilala rito ang P-pop bilang โ€œisang masigla at dinamikong kultural na paksa at larang kung saan maaari tayong matuto nang higit pa tungkol sa ating mga espasyong multilingguwal at multikultural na ginagalawan.โ€ Mababasa sa loob ng isyu ang iba-ibang pag-aaral tungkol sa mga fandom, kasaysayan, kanta, at mga idolong P-pop group kabilang na ang SB19, BINI_ph, ALAMAT, MNL48, HORI7ONofficial, VXON, Bgyo_ph, YARA PH, Press Hit Play, Pop Girls, at XLR8, pati na rin ang mga nauugnay na OPM artists sa genre na sina Shoti, JK Labajo Official, Flow G, J-King, Shaira, at iba pa. Mababasa rin ang mga piling rebyu ng album na Talaarawan ng BINI at ng kantang โ€œSelosโ€ ni Shaira. Nahahati ang isyu sa tatlong bahagi: 1) P-pop at ang โ€œFilipino,โ€ 2) P-pop, Politika ng Kultura, Multilingguwalismo, at Kasaysayang Kolonyal, 3) Ibaโ€™t Ibang Pananaw sa Konsepto ng โ€œP-pop.โ€

Itinatampok din sa loob ng isyu ang suring-sining ni Noji A. Bajet, ang nanalong lahok sa Filipino ng Gawad Purita Kalaw-Ledesma sa Suring-sining ng Ateneo Art Awards 2023 (Ateneo Art Gallery). Pinapaksa ng kaniyang pagsusuri ang mga piling likhang-sining nina Aeson Baldevia at Tappei Noguchi na may kaugnayan sa penomeno ng pagiging estranghero. Isinulat niya ang nasabing pagsusuri sa pagdalo niya sa Orange Project Residency Program sa Bacolod City.

Mababasa sa kawing na ito ang pinakahuling isyu ng Katipunan: Journal ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining, at Kulturang Filipino: https://archium.ateneo.edu/katipunan/

20/02/2025

๐Ÿ“ฃ Calling for Entries for the Ateneo Art Awards 2025 Purita Kalaw-Ledesma Prizes in Art Criticism โœ๏ธ The 12th year of the Purita Kalaw-Ledesma Prizes in Art Criticism welcomes entries on the theme of โ€œFlight.โ€

๐—ฆ๐—˜๐—˜ ๐—™๐—จ๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—š๐—จ๐—œ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฆ๐—จ๐—•๐— ๐—œ๐—ง ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ฆ at https://go.ateneo.net/PKL2025Entry UNTIL 30 JUNE 2025, Monday, 11:59 pm.

Often associated with the physical act of being airborne, โ€œFlightโ€ connotes ambition, freedom, escape, or transcendence. Itโ€™s a symbol of transit. Where are we headed next? Where is the art world headed next? And where is art criticism headed next?

โ€œFlightโ€ can also refer to a flight of stairs, similarly suggesting ascent. One of the works from the collection of the Kalaw-Ledesma Foundation, Inc. is the 1948 painting of National Artist Cesar Legaspi titled โ€œStairway to Heaven*,โ€ which depicts the subject. The first scrapbook from the collection of Purita Kalaw-Ledesmaโ€™s archive (dated 1948 to 1949) includes a clipping of a critique of the painting by writer, poet, lawyer, and educator Aurelio S. Alvero: โ€œIt was masterful the way Legaspi wedded both the etherealness of dreaming and desiring and the maddeningness which necessarily accompanies desire unattained.โ€ Indeed, a journey upward is rarely without challenges; progress is not always guaranteed, so it often demands effort and perseverance.

The Purita Kalaw-Ledesma Prizes in Art Criticism will have English and Filipino categories. A panel of jurors will shortlist a maximum of six (6) writers from each category. From these lists, winners will be selected by the editors of partner publications. Read the full mechanics at https://go.ateneo.net/PKL2025Entry.

The Ateneo Art Awards โ€“ Purita Kalaw-Ledesma Prizes in Art Criticism is co-presented with the Kalaw-Ledesma Foundation, Inc., in partnership with The Philippine Star, ArtAsiaPacific, Katipunan: Journal ng mga Pagโ€‘aaral sa Wika, Panitikan, Sining at Kulturang Filipino, Orange Project Naranja Writerโ€™s Residency, and The White House Writerโ€™s Residency.

*Cesar Legaspiโ€™s โ€œStairway to Heavenโ€ from the Collection of the Kalaw-Ledesma Foundation is currently on-view at โ€œA Synergy of Ventures: The Postwar Art Sceneโ€ featuring the Fernando Zรณbel Donation at the UGF Ateneo Art Gallery until 12 July 2025.

For further inquiries about the Ateneo Art Awards 2025, email [email protected].

Ayon kay Allan Derain, ang panauhing patnugot para sa espesyal na isyu: โ€œ[N]ais bigyang-diin ng kasalukuyang isyu ang ma...
15/01/2025

Ayon kay Allan Derain, ang panauhing patnugot para sa espesyal na isyu: โ€œ[N]ais bigyang-diin ng kasalukuyang isyu ang mahigpit na pag-uugnay ng konsepto ng buhay sa akto ng pagpapalaya, paghulagpos, pagkalag, pagpapakawala, pag-alagwa. Kailangan ang laya upang maging ganap ang buhay dahil sa estado lamang ng pagiging malaya nagaganap ang paglago. Na kailangan para masabing buhay nga ang isang bagay. Sa panitikan, nagsisimula ang gayong pagpapahalaga sa pagkilala na ang panulat ay nakatali sa mga mahigpit na panuntunan at pamantayan. Ang pagpapakawala sa hulmahan ng pagsulat ay kadalasang naghahatid sa atin sa tanong sa kung anong bago sa panitikan, na sa katunayan ay pangungumusta sa kung ano nang paglagong nagaganap sa panitikan.โ€

Mababasa sa loob ng isyu ang mga malikhaing pagsulat nina Ivan Emil A. Labayne, Vincent Imbat, Khavn, Tilde Acuรฑa, Jhoanna Lynn Cruz at Emiliana Kampilan, Mesรกndel Virtusio Arguelles, Jerwin Bilale, Glenn Diaz, Karen Ramos-Piccio, Christian Jil R. Benitez, Taks Barbin, Jehu Laniog, Vincent Christopher A. Santiago, Hannah A. Leceรฑa, Floraime O. Pantaleta, Benjo Gutierrez, Jeffrey B. Javier, at Alec Joshua Paradeza.

Mababasa rin dito ang rebyu nina Richell Isaiah S. Flores at Rey Mart A. Lapiรฑa ng mga bagong libro nina Abner Dormiendo (Sa Antipolo pa rin ang Antipolo. Librong LIRA, 2023) at John Bengan (Armor: Stories. Ateneo de Manila UP, 2022.)

Itinatampok din sa loob ng isyu ang suring-sining ni Noji A. Bajet, ang nanalong lahok sa Filipino ng Gawad Purita Kalaw-Ledesma sa Suring-sining ng Ateneo Art Awards 2023. Pinapaksa ng kaniyang pagsusuri ang mga eksibisyong pansining na Orasyon: Dasal ng Pamilyang Pilipino ng Museo ng UST, Bisa ni Marco Ruben Malto II, at ang pagtatanghal ni Pura Luka Vega.

Mababasa sa kawing na ito ang espesyal na isyu: https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss2/

13/12/2024

Pakinggan ang pagbabahagi ni Noji Bajet, ang nagkamit ng unang gantimpala sa kategoryang Filipino sa 2023 Purita Kalaw-Ledesma Prize for Art Criticism, hinggil sa kaniyang artikulong โ€œ๐—ข๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—•๐—ถ๐˜€๐—ฎ, ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜๐—ฐ๐—น๐˜‚๐—ฏ: ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฒ๐—ป.โ€

Mababasa ang kanyang sanaysay na mula sa isyu ng Katipunan Journal 11.2 (2023) na ๐˜ฝ๐™ช๐™๐™ž๐™–๐™ฃ dito: https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol11/iss2/35/.

Mainit na pagbati ang ipinaabot ng ๐˜’๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ kay Ryan Cezar O. Alcarde para sa kaniyang sanaysay na โ€œLine of sig...
27/11/2024

Mainit na pagbati ang ipinaabot ng ๐˜’๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ kay Ryan Cezar O. Alcarde para sa kaniyang sanaysay na โ€œLine of sight: Ilang tanaw sa paggawa ng sining sa mga laylayan ng lunsodโ€ na nakatanggap ng 2024 Purita Kalaw-Ledesma Prize for Art Criticism sa kategoryang Filipino.

Mababasa ang sanaysay ni Alcarde na kinilala ng Ateneo Art Gallery at ng Kalaw-Ledesma Foundation Inc. sa https://pkl.ateneoartgallery.com/essays/line-of-sight-ilang-tanaw-sa-paggawa-ng-sining-sa-mga-laylayan-ng-lunsod?fbclid=IwY2xjawGz0udleHRuA2FlbQIxMAABHZvlL1X7aTMpfq1pWwrpTKydkK5uwMkvpld9NjPsEK738c8-AiGDg4Nyfg_aem_2bjS3gogDmlrQ1Ap9FnpAQ

Address

Ateneo De Manila University, Katipunan Avenue
Quezon City
1108

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Katipunan Journal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to Katipunan Journal:

Share