UP Student Catholic Action

UP Student Catholic Action Do good. Live simply. Pray. For Christ the King since 1936. MISSION

UPSCA is an organization that provides individuals a formation rooted on the Catholic faith.

It seeks to develop socially aware members who will become agents of social change. UPSCA aims to nurture a sense of family among members, encourage academic excellence, and direct collective energies towards active involvement in community and society. BRIEF HISTORY

The seed of UPSCA began in an organization known as the Scholastic Philosophy Club in the mid 1930’s, with activities such as regul

ar Sunday Masses and meetings, the Eucharistic Congress, and Christ the King celebrations. It later developed into the first ever chapter of the Student Catholic Action (SCA), mentored by Fr. Edward J. McCarthy, SSC, following the directives of then Manila Archbishop Michael O’ Doherty, who formally approved and recognized the organization in April 12, 1936. Through many challenges, such as World War II, the Martial Law, and ideological oppositions, UPSCA has endured to be the progenitor of many other SCAs all over the country and of the Campus Ministry which was introduced in 1977 , and the many source of many of the Philippines’ finest leaders and personalities. Under the guidance of Fr. John Patrick Delaney, SJ, UPSCAs most beloved chaplain who centered spirituality on the Eucharist, the organization grew to be a formidable bulwark amidst the secular university. It was during the “Delaney Era” that through the efforts of many UPSCANs, the UP Catholic Community was able to build the Chapel of the Holy Sacrifice, recently declared a National Historical Landmark, being an obra of many National Artists. UPSCA also became a power center in the University, handling the student council from top to minor posts, and manifesting its socio-political might through strong stances against hazing and violence. At present, UPSCA remains a holistic venue for activities both within the parish and outside of it, forming Christians who are both Disciples of Contemplation and Apostles of Action, under the protection of Our Lady, for the cause of Christ, our King.

22/05/2026
𝐒𝐨𝐥𝐞𝐦𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐀𝐬𝐜𝐞𝐧𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐋𝐨𝐫𝐝 | 𝐌𝐚𝐲 𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔Today, our gospel is from Matthew 28: 16 - 20. Here, the Lord Jesus...
17/05/2026

𝐒𝐨𝐥𝐞𝐦𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐀𝐬𝐜𝐞𝐧𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐋𝐨𝐫𝐝 | 𝐌𝐚𝐲 𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Today, our gospel is from Matthew 28: 16 - 20. Here, the Lord Jesus proclaims the great commission to His disciples: “All power in heaven and on earth has been given to me. Go therefore, and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit, teaching them to observe all that I have commanded you.”

In this modern day, corruption, lies and deceit fills our society. Our politicians steal from the taxes that the Filipino citizens pay, instead of allocating them to serve the interests and welfare of the public, such as addressing the educational crises, lack of infrastructure for transportation, and poverty. The money they pocket ends up being used for their own personal gain and vanity. Social media trolls also are widespread, propagating lies to benefit politicians. Vote-buying is also prevalent, mainly to earn the trust of their fanatics, who defend their patronized government officials and dynasties, and in such, they treat such politicians as false idols and gods instead of public servants who must be held accountable.

Now, as we celebrate the Solemnity of the Ascension of the Lord, we, as baptized Christians, as part of the One, Holy, Catholic Church, we are called to observe the Great Commission by observing the greatest commandment that the Lord Jesus taught us: to love God above all things and to love our neighbor as ourselves. We are called to live this out - even if it is counter cultural, against the flow of the world, even if it is only us who does what is truthful and just- Contra Agere.

But, how can we live this out? We can use the corporal and spiritual works of mercy, as promulgated by the Catechism of the Catholic Church. As followers of Christ, we can observe and extend the former through feeding the hungry, giving drink to the thirsty, clothing the naked, visiting the imprisoned, sheltering the homeless, visiting the sick, and burying the dead. In addition, we can practice the spiritual works of mercy through admonishing sinners, instructing the ignorant, counseling the doubtful, comforting the sorrowful, bearing wrongs patiently, forgiving all injuries, and praying for the living and for the dead.

In applying this, we don’t need to always do grand deeds for show-it can be done in simple acts of love and care, such as visiting our sick loved ones, cooking for the household, and sharing our resources to our brothers and sinners in need. We can also admonish sinners by also participating in rallies and protests (especially when grave sins are committed-such as theft of public funds or abuse and harassment by those in power, and mass killings), and at the very least, knowing and supporting the causes that the Filipino masses are fighting for. In short, the Great Commission commands not only be lukewarm Catholics - to not only know the teachings of Christ, but to live and love how Christ Himself has loved us, and living in Christ’s truth only, and nothing else.

Reflection by: Jack Vincent Atienza

𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫, 𝐏𝐚𝐭𝐫𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 | 𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔Sa bawat hapag na may pagkain, may isang magsa...
15/05/2026

𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫, 𝐏𝐚𝐭𝐫𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 | 𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Sa bawat hapag na may pagkain, may isang magsasakang nagbuhos ng pagod at lakas. Ang bawat butil ng bigas na ating isinusubo ay nagtataglay ng pawis na pumatak sa lupa, mga kamay na nangalay sa pagtatanim, at mga pusong umasa na ang sapat na ani ay magtatawid sa kanilang pamilya sa gutom. Sa kabila ng napakahalagang papel na ginagampanan nila sa lipunan, nakaririmarim na marami sa kanila ang nananatiling bilanggo ng kahirapan, baon sa utang, at tahasang napapabayaan ng sistemang dapat sana ay kumikilala at nagtatanggol sa kanilang dignidad bilang tao.

Ito ang marubdob na paalalang hatid sa atin ng kapistahan ni San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka at manggagawang-bukid. Si San Isidro ay isang payak na magbubukid sa Espanya noong ikalabindalawang siglo, ngunit ang kaniyang buhay ay naging isang buhay na salamin ng kabanalan sa gitna ng ordinaryong paggawa. Hindi siya naging santo dahil sa kaniyang kapangyarihan, kayamanan, o katanyagan. Sa halip, siya ay itinaas sa dambana dahil sa kaniyang walang-maliw na katapatan sa Diyos at sa kaniyang tahimik, marangal, at mapagkalingang pagmamahal sa kapwa na ipinamalas niya sa pamamagitan ng tapat na pagtatrabaho sa bukid.

Sa pamamagitan ng pamumuhay ni San Isidro, natutuklasan natin ang isang pundamental na katotohanan ng pananampalatayang Kristiyano: ang paggawa ay banal sapagkat ito ay pakikibahagi sa patuloy na paglikha at pagpapanatili ng Diyos sa buhay. Ang pagbubungkal ng lupa ay hindi isang mababang uri ng gawain; ito ay isang sagradong bokasyon na nagbibigay-buhay at nagpapakain sa buong sambayanan. Ang magsasaka ay hindi isang kasangkapan lamang upang paikutin ang ekonomiya o isang makina na gagamitin para sa produksyon. Siya ay isang taong may likas na dangal, may mga karapatang dapat igalang, at may buhay na lubhang mahalaga sa paningin ng Maykapal.

Ang katotohanang ito ay mariin ding itinuturo ng Simbahan sa kaniyang mga panlipunang aral. Ang tao ay palaging mas mahalaga kaysa sa tubo, at ang ekonomiya ay dapat umiiral upang maglingkod sa kapakanan ng tao—hindi ang tao ang isinasakripisyo upang paglingkuran ang isang mapagsamantalang sistema. Dahil dito, hindi kailanman maaaring paghiwalayin ang pananampalataya at ang usapin ng katarungang panlipunan. Ang ating mga debosyon at panalangin ay nagiging hungkag at walang saysay kung nananatili tayong manhid, bulag, at bingi sa sistematikong paghihirap ng mga taong nagpapakain sa buong bansa.

Sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas, ang krus na pinapasan ng mga manggagawang-bukid ay patuloy na nagiging mas mabigat at masakit. Habang ang presyo ng mga pangunahing bilihin at pagkain sa merkado ay patuloy na nagtataasan, ang mga mismong nagpapatulo ng pawis upang anihin ang mga ito ay hindi pa rin makaahon sa kumunoy ng karalitaan. Kulang sila sa subsidyo at suporta ng pamahalaan, walang sariling lupang sakahan, tumatanggap ng barat na pasahod, at walang sapat na proteksyon laban sa pang-aabuso, kartel, at katiwalian. Kasabay ng kanilang pagdurusa, patuloy ding winawasak ang kalikasan dahil sa kasakiman ng iilan na mas pinapaboran ang mabilisang kita kaysa sa pangangalaga sa mundong ipinagkatiwala ng Diyos.

Bilang mga binyagang Kristiyano, ang pamana ni San Isidro ay isang matinding hamon na talikdan ang pagiging tahimik na tagamasid lamang sa lipunan. Ang tunay na pananampalataya ay hindi nasusukat sa dami ng mga dasal na binibigkas o sa dalas ng pagpunta sa simbahan; ito ay nasusukat sa kung paano natin aktibong ipinagtatanggol ang dignidad ng tao, partikular ang mga dukha, api, at nasa naisantabi ng lipunan. Malinaw ang babala at paalala ni Kristo sa Ebanghelyo ayon kay San Mateo: “anumang ginawa ninyo sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito ay sa akin ninyo ginawa.”

Ang panawagang ito sa kongkretong pagkilos ay umaayon sa paalala ni Apostol San Pablo na “ang naghahasik nang may pagpapala ay mag-aani rin nang may pagpapala” Ang batas na ito ng kalikasan ay hindi lamang sumasaklaw sa mga pananim sa bukid, kundi higit sa lahat, sa ani ng katarungan, kapayapaan, at malasakit sa loob ng ating lipunan. Kung pangarap nating makasaksi at mabuhay sa isang bayang makatarungan at may pagkakaisa, obligasyon nating maghasik ng pagmamahal ngayon at buong-tapang na itaguyod ang karapatan ng bawat manggagawa.

Sa panahong ito na hitik sa krisis sa ekonomiya, talamak na korapsyon, at lumalalim na agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, muling ipinapaalala sa atin ni San Isidro Labrador na ang kabanalan ay hindi malayo sa atin. Ito ay matatagpuan sa isang simpleng pamumuhay na may kaakibat na sipag, kababaang-loob, at radikal na pagmamahal sa kapwa. Sa isang mundo at kulturang madaling humanga sa kapangyarihan, impluwensya, at marangyang pamumuhay, tinatawagan tayong tumingin sa lupa at bigyang-pugay ang mga taong tahimik na nagpapagal upang manatiling buhay ang bayan. Nawa ang kapistahang ito ay hindi maging isang marangyang selebrasyon lamang, kundi isang simula ng ating komitment na magtayo ng lipunang kumakalinga sa mahihirap at nag-aalaga sa kalikasan.

Pagninilay ni James Tayo

𝐀𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐤𝐲𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧 | 𝐌𝐚𝐲 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔Ngayong araw, nasa pagbasa natin ang katapusan ng pagmi...
14/05/2026

𝐀𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐤𝐲𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧 | 𝐌𝐚𝐲 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Ngayong araw, nasa pagbasa natin ang katapusan ng pagmiministro ni Kristo sa lupa: ang Kanyang pag-akyat nang maluwalhati sa Kanyang kaharian sa Kalangitan. Dito, pagnilayan natin ang salitang "absent", na marahil ay lumilitaw sa mga balita ngayon.

Kung sabihin nating "absent", lalo na sa mga mag-aaral, madalas ang una nating naiisip ay yung sense na "wala yung tao", "hindi na nakikita", o di kaya "tumakas". Baka nga may magsabi na dahil doon si Kristo ay umabsent na sa kanyang mga alagad noong umakyat Siya. Pero, bukod pa sa pakiramdam ng pagkawala, tignan natin ang pagka-"absent" bilang isang salitang may "dapat" — dapat nandoon, dapat may gawin, dapat may pananagutan.

Ang pagiging absent ay kumikilala ng isang puwang: puwang na nagsasabing hindi kumpleto ang grupo, at ito rin yung alam ng lahat na isa lang ang makakapagpuno. Nakikita rin natin na nagiging walang kwenta ang salitang "pagkakaisa" sa isang absent na tila ba ipinapakita na mas maigi na lang na maging mag-isa na lamang at ihiwalay niya ang kanyang sarili. Sa absent nakikita ang kahalagahan ng isa sa mga layunin sa buhay.

Ngunit ang pagiging absent ay hindi lang nasusukat sa pisikal na pakikisama. Ang absent ay kumikilala rin ng mga dapat gawin gamit ng katawang iyon na wala at hindi nakikita, o di kaya nandoon ngang kasama, hindi naman tumutugon sa mga layunin ng kung saan man siya kasama, na kung tawagin naman natin ay mga "freeloader". Absent, dahil may kailangang iambag. Absent, dahil kailangang gumalaw kung talagang naniniwala.

Ang pagiging absent ay kumikilala rin sa isang nakakatakot ngunit napakahalagang salita lalo na ngayon sa ating bansa: ang pananagutan. Sa pagiging absent, napapansin natin na may mga bagay na kailangang sagutin at bigyang linaw, o di kaya may mga nagawang mali na dapat may mang-ako. Hindi lamang ito sa larangan ng pulitika, kundi sa pamumuhay natin. Hindi ba't may isang beses tayong gumawa ng masama sa ating kapwa, at imbes na humingi ng tawad, umabsent tayo sa kanila? Lalo na sa ating mga Katoliko, sa dami ng mga kasalanan natin, pinagsikapan ba nating lumapit sa kumpisalan bago tumanggap ng Katawan ni Kristo, o di kaya absent tayo sa pagsisisi pero present naman tayong mangomunyon sa Misa? Hindi na ba tayo nahihiya na sa pag-absent ay nalalaman nating mayroon tayong pananagutan na dapat tugunan, na kung pinatagal ay ikakasira natin at ng ating kapwa?

Ngunit, sa panahong tadtad ng krisis ang ating bansa, minsan naiisip natin na kung ang pagiging absent ay ang pagkilala ng mga "dapat" na gawin, natutukso tayong isipin na "Absent ang Diyos". May mga "iskolar" kuno ng Biblia na nagsasabing gayon nga ang pagtataka ng mga apostoles noong umakyat si Kristo sa langit, na naging "absent" na siya, at ngayon napapatanong tayo kung nasaan ang Diyos sa gitna ng mga kabaliwang nangyayari sa bansa natin at sa buong mundo.

Sandigan natin ang sinabi ng Panginoon sa atin: "Ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.". Ito ang pag-asang inihahatid sa atin ng Panginoon, na bagaman umakyat at bumalik na Siya sa Kanyang makalangit na tahanan, patuloy pa rin Siyang nabubuhay kasama natin: sa ating mga tahanan sa panalangin, sa mga simbahan sa loob ng mga tabernakulo, sa mga pagmiministro ng mga paring kahalili ni Kristo at ang Kanyang mga apostoles, at sa atin, na tayong bininyagan kay Kristo at sa gayon ay isinuot na natin si Kristo sa ating sarili.

Pansinin na rin natin ang kabaligtaran, na sagot rin natin sa nagtatanong na "Kung kasama natin ang Diyos, bakit ganito, ganyan?": kailan nga ba tayo naging present kasama ni Kristo na kasama natin? Na kinikilala tayo bilang taong Kristiyano pero hindi naman nasasalamin sa ating pagkatao si Kristo? At sa mga pananalita at paggawa natin, napapakita natin na "absent" si Kristo, lalo na sa ating pagtakbo sa ating mga pananagutan, sa pagsasawalang-bahala sa mga mahihirap, sa pagtakas sa katarungan, at sa hindi pagsagot sa mga katiwaliang walang ibang tao kundi isa lang ang makakapagpapaliwanag? Sa mga pagiging absent natin sa piling ng Diyos, naipapakita na talaga natin na absent ang Diyos sa ating lipunan at tayo pa ang nagiging dahilan ng pagkawala ng pag-asa sa Diyos ng ating kapwa.

Nasabi kong sa Kanyang pag-akyat nagtapos ang pagmiministro ni Kristo sa lupa. Pero kung tutuusin, hindi talaga yan totoo. Umakyat nga sa langit si Kristo, pero nandito tayong mga Kristiyanong taglay Siya lagi, at sa hamon ng buhay ngayon, ipakita natin na tayo'y naririto, tayo'y may gagawin, at tayo'y may pananagutan. Ipakita natin na buhay ang Diyos sa ating bayan.

𝐖𝐇𝐀𝐓 𝐂𝐀𝐍 𝐖𝐄 𝐃𝐎?"What can we do? The military preparedness, the political preparedness, we leave to those qualified to ha...
13/05/2026

𝐖𝐇𝐀𝐓 𝐂𝐀𝐍 𝐖𝐄 𝐃𝐎?

"What can we do? The military preparedness, the political preparedness, we leave to those qualified to handle. What can we do? The answer, I think, is clear. The only thing now that has real value is Prayer.

Think of this for a minute: In 1917, Our Lady appeared at Fatima in Portugal. The people of the country listened to her requests. From 1936-39, Portugal's nearest neighbor was involved in a civil war that was merely a preparation for the big war to come. Portugal was untouched by either the Spanish Civil War or the World War.

Our Lady has promised the Conversion of Russia and the peace of the world on a few easy conditions: daily Rosary, pure living, small daily sacrifices, Mass and Communion on the First Saturdays.

What can we do? Answer: what Our Lady asks. Maybe it is too late to save the whole world from war. But it may not be too late to beg of Our Lady of Fatima and Our Lady of Lipa that she spare our own country!

How about a real crusade here in our own parish? If it starts here, it may spread. The crusade? Three things: Daily Mass and Communion. Daily Rosary. Purity of life.

They may well be the price of peace! Are we willing to pay that price?"

Fr John Patrick Delaney, SJ
Chapel Chismis. 9 July 1950

𝐅𝐄𝐀𝐒𝐓 𝐎𝐅 𝐒𝐓. 𝐃𝐎𝐌𝐈𝐍𝐈𝐂 𝐒𝐀𝐕𝐈𝐎𝐌𝐚𝐲 𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔“I am not capable of doing big things, but I want to do everything, even the smalle...
06/05/2026

𝐅𝐄𝐀𝐒𝐓 𝐎𝐅 𝐒𝐓. 𝐃𝐎𝐌𝐈𝐍𝐈𝐂 𝐒𝐀𝐕𝐈𝐎
𝐌𝐚𝐲 𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔

“I am not capable of doing big things, but I want to do everything, even the smallest things, for the greater glory of God.” - St. Dominic Savio

For most of us, becoming a saint may seem like a difficult and daunting ambition, one that requires a great deal of wisdom, penance, and maturity. After all, we picture saints to be great theologians who lived long lives bearing witness to Christ's teachings. However, St. Dominic Savio, an Italian teenager, redefines this notion by showing us that sanctity is possible even in youth.

Born as Domenico Savio on April 2, 1842 in the village of Riva in northern Italy, he was the second among the eleven children of Carlo Savio and Brigida Gaiato. In his formative years, Dominic lived a pious lifestyle, attending Mass and church services together with his parents, who helped cultivate his exceptional faith.

By the age of 7, Dominic had already received first Holy Communion, which was a rarity for children of his age at that time. To commemorate the occasion, he made four resolutions, which he sought to live by for the rest of his life: (1) to frequent the sacraments of Confession and Communion, (2) to keep Sundays and feast days holy, (3) to make Jesus and Mary his friends, and (4) to choose death rather than sin.

A significant turning point in his life came when he first met Fr. John Bosco in October of 1854 at the age of 12. Don Bosco would go on to be a synonymous figure in the life of young Dominic Savio, serving as his mentor and spiritual director when Savio was accepted into his Oratory in Turin. There, he became an exemplary student, excelling at his studies while, at the same time, setting a good example of faith for his classmates.

While under the guidance of Don Bosco, Dominic learned a very important lesson about holiness. At first, he thought that sainthood meant doing many physical penances. He skipped meals to pray more often, and placed small stones on his bed before sleeping so that he could “suffer with Christ”. When Don Bosco learned of this, he advised Dominic to discontinue these practices, reminding him that sanctity is found in doing ordinary things everyday with extraordinary zeal. These words left a lasting impact on Dominic, who had long desired to become a priest and a saint one day.

As time went on, Dominic’s health began to decline due to a lung infection, prompting him to return home to his family. On his deathbed, he received his final sacraments, including Confession and Anointing of the Sick. He showed profound serenity and joy, culminating in a vision of heaven, before passing away on March 9, 1857 at the age of 14. Much of what we know about this young saint comes from his biography written by St. John Bosco, entitled “The Life of Dominic Savio”.

Described by Pope Pius XI as “small in size, but a towering giant in spirit”, St. Dominic Savio stands as an exemplar of extraordinary piety and holy joy, influencing other young saints like St. Carlo Acutis and St. Pier Giorgio Frassati, both of whom were profoundly influenced by Salesians like Savio before them.

He was canonized on June 12, 1954 by Pope Pius XII. He is one of the youngest non-martyr saints in the Catholic Church, serving as the patron saint of choirboys, the falsely accused, and juvenile delinquents. His feast day, originally on March 9, was moved to May 6.

Reflecting on the life of Dominic Savio, we may perhaps cast doubts on our ability to fully imitate his piety. As students in a secular university, and as citizens of a highly globalized and multicultural world, the pursuit of holiness may come as a challenging and futile endeavor for us Iskos and Iskas, especially for those who have distanced themselves from the Catholic faith.

Nonetheless, we must always remember that even in our youth, God calls us to be holy: to foster a steadfast commitment to know, love, and serve Him wholeheartedly through our everyday actions, big or small. Whether we are in our classrooms, exchanging ideas with our classmates and professors, or out in the communities, serving the people—the least, lost, and last—like only we UP students can, the call to holiness is open to anyone and everyone.

As we celebrate his feast day today, let us strive to embody Student Catholic Action by doing our ordinary duties extraordinarily well, following the example of St. Dominic Savio. For, in the words of Bishop David M. O'Connell, Dominic Savio proved that “sanctity does not require a long life or an early death — only a life, whatever its length, lived with and for the Lord.”

Do good. Live simply. Pray.

Reflection by: Jerome Guce

𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐎𝐒𝐄, 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀𝑈𝑟𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑔𝑎𝑤𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑢𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑖𝑛𝑖𝑙𝑖 𝑛𝑖 𝐻𝑒𝑠𝑢𝑠 𝑏𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑔𝑎𝑝𝑎𝑔𝑡𝑎𝑛𝑔𝑔𝑜𝑙“𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑏𝑎 𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑔 ...
01/05/2026

𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐎𝐒𝐄, 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀
𝑈𝑟𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑔𝑎𝑤𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑢𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑖𝑛𝑖𝑙𝑖 𝑛𝑖 𝐻𝑒𝑠𝑢𝑠 𝑏𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑔𝑎𝑝𝑎𝑔𝑡𝑎𝑛𝑔𝑔𝑜𝑙

“𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑏𝑎 𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑟𝑝𝑖𝑛𝑡𝑒𝑟𝑜?” (Mateo 13:55)

Pagkauwi sa Kaniyang sariling bayan, natagpuan ng ating Panginoong Hesukristo na Siya’y hinahamak ng Kaniyang mga kababayan. Puno ng pagduda ang mga mamamayan ng Nazareth sa Kaniyang mga turo sapagkat hindi Siya ipinanganak sa mariwasang sambahayan o pumasok sa mga kataastaasang mga sinoga. Bagkus, nagmula Siya sa maralitang mag-asawa ng Nazaret at ipinanganak sa hamak na sabsaban kasama ng mga hayop. Sa sobrang hirap ng Kaniyang mga magulang, isang pares lamang ng kalapati o bato-bato ang kaya nilang ialay sa paghahandog sa Kaniya sa Templo. Siya ay anak ng isang payak na manggagawa.

Sa ganitong antas ba talaga ng lipunan nagmumula ang nakapagdadala ng himala at ang ating Tagapagligtas—at hindi sa mga saserdoteng mapagmataas sa dunong? Kung makapangyarihang Diyos Siya, bakit Niya pipiliin na mapanganak sa pamilyang pinalalayas sa kanilang bayan at laging nasa bingit ng panganib? Anong klaseng Diyos iyan? Hindi ba anak lamang siya ni Jose? -- tanong ng mga sarili Niyang kababayan.

Kahit dalawang milenyo na ang lumipas na namamagitan sa kanila, magkapareho ang mga Nazareno ng panahon ni Hesus at ang modernong tao sa kasalukuyan. Habol lamang natin ang makamundo at pansariling interes. Kahit saksi na tayo sa Kaniyang kabnal-banalang aral at diwa, nakayuko pa rin tayo sa lupa at bulag sa totoong kayamanan ng langit. Sapagkat “hindi sa sanlibutang ito” matatagpuan ang kaharian ng ating Panginoon (Juan 18:36)—hindi ito kayamanang nabubulok at tiyak na naglalaho (Santiago 5:2).

Pinili ng ating Panginoong Hesukristo ang manggagawang si San Jose bilang Kaniyang amá-amahan dahil siya’y mula sa marangal na angkan ni David. Ngunit hindi Siya tagapagmana ng kayamanan ng lupa o ginto. Ang kayamanang natagpuan ng Diyos kay San Jose ay hindi nahahawakan kundi naisasagawa; gumagalaw at kumikilos ang kaniyang pagmamahal. Walang puwang kay San Jose ang katamaran, bagkus kumikilos siya upang alagaan at tiyakin ang kaligtasan ng ating Panginoon at ng Mahal na Birhen.

Ang dangal ni San Jose ay ang kaniyang katapatan at pagmamahal na sumasalamin sa kaniyang mga gawa. Wika nga ni San Josemaria Escriva, “ang nanguna sa lahat ng santong lalaki ay hindi diyakono, hindi pari, hindi obispo, hindi ermitanyo, hindi monghe; siya’y asawa, ama, at isang manggagawa.” Siya’y itinakdang maging tagapag-alaga ng ating Panginoong Diyos sa Kaniyang kamusmusan at sa Kaniyang Mahal na Inang si Maria—ang kauna-unahan Niyang Tagapagtanggol.

Sapagkat noong Siya'y nasa sinapupunan pa lamang ng Mahal na Birhen, walang iba kundi si San Jose ang nag-alaga sa Kanila bilang tagapaghanda ng pagkain at nagkaloob ng Kanilang mga pangangailangan. Noong sila’y tumakas mula sa Bethlehem patungo sa Ehipto upang maligtas, si San Jose ang nanguna upang maging ligtas ang kanilang paglalakbay. Noong kabataan ng ating Panginoon, si San Jose ang naging huwaran ni Hesus sa pagkalalaki at tagapagturo ng mabuting gawa.

Bago pa man itinaas ng ating Panginoong Hesus ang Kaniyang sariling katawan sa Huling Hapunan, una muna Siyang itinaas at binuhat ni San Jose sa kaniyang mga bisig, sa asnong kanilang sinakyan, at sa mga bangkong kahoy na kaniyang ginawa. Ganito kalaki ang misyong ipinagkaloob ng ating Diyos sa isang payak na manggagawa, na ginampanan naman ni San Jose nang buong katapatan.

Kay San Jose makikita natin ang lubos na pagmamahal at dangal na inaasahan sa atin sa paggawa. Hindi dahil sa materyal na interes o komplikadong ideolohiya siya kumayod at nagpakahirap, kundi dahil sa tahimik na pagsunod sa kalooban ng Diyos na bunga ng payak na pagmamahal. Itinuring ng Diyos na karapat-dapat ang mahirap na karpinterong ito na maging Kaniyang tagapagtanggol sa lupa dahil walang-maliw ang kaniyang pagsisikap na gamitin ang anumang kaya niya para alagaan ang Salitang nagkatawang-tao. Dahil inalagaan niya nang tama ang Banal na Mag-anak, siya’y itinanghal na Patron ng Pandaigdigang Simbahan ni Santo Papa Pio IX.

Tunay na larawan si San Jose ng paghihirap at ligaya ng isang manggagawa. Kitang-kita ang mababang tingin ng mga kababayan ni Hesus sa Kaniyang pamilya at ang kalupitan ng mga naghaharing-uri sa mga mabababang-loob. Kahit sa kasalukuyan, ang kawalan ng pagmamahal sa kapuwa ay nagdudulot ng paglabag sa dignidad ng trabaho. Ang mga patakaran at ugaling kontra-manggagawa at kontra-pamilya ay tunay na kontra-Diyos. Sila ang angkan ni Herodes at ng mga mamamayan ng Nazareth sa kasalukuyang panahon na namumuhay sa kasakiman at karahasan.
Nawa’y tularan nating lahat si San Jose, ang mabuting tagapagtanggol ng Diyos, na sa araw-araw ay walang maliw na kumikilos upang lapitan at mahalin si Hesus at manatiling mulat sa kaningningan ng Kaniyang pagmamahal. Sapagkat nagkatawang-tao ang Panginoon at ipinagbilin Niya sa atin na habang tayo’y nabubuhay sa mundo ay dapat nating mahalin ang ating kapuwa at sundin ang utos ng ating Ama, sa halip na magpatangay sa tawag ng mundo. Sa oras na mabulok ang lahat ng ani, matuyo ang lupa, at bumagsak ang lahat ng hari, ang mananatili at mamamayani pa rin ay ang Pagmamahal ng Diyos. Ang ating kaligtasan nasa sa mga pako ng isang anak ng karpintero.

Mabuhay ang mga Manggagawa!
Mabuhay si San Jose!

𝑅𝑒𝑓𝑙𝑒𝑐𝑡𝑖𝑜𝑛 & 𝐼𝑚𝑎𝑔𝑒 𝑏𝑦 𝐷𝑜𝑚𝑖𝑛𝑖𝑐 𝐺𝑎𝑚𝑏𝑜𝑎

For CHRIST THE KING!We are proud to present the Batch 2025B Gelling session! We can’t wait to see these members grow mor...
25/04/2026

For CHRIST THE KING!

We are proud to present the Batch 2025B Gelling session! We can’t wait to see these members grow more in doing good, simplicity, and prayer

Nakikiramay ang UPSCA Diliman sa pagluluksa ng ating pamantasan at ng pamilya ni Alyssa Alano — isang kapwa magaaral, ka...
24/04/2026

Nakikiramay ang UPSCA Diliman sa pagluluksa ng ating pamantasan at ng pamilya ni Alyssa Alano — isang kapwa magaaral, kaibigan ng marami, at isang kapatid nating lahat sa Panginoon.

Namatay siya sa Negros Occidental, kasama ang 18 pang tao, nitong ika-19 ng Abril, 2026.

Trahedya ang mamatay ang sinuman sa kamay ng kapwa tao. Huwag dapat malimutan ng bawat isa, maging nasa gitna ng p**t at sigalot, na ang buhay ng tao ay biyaya ng Diyos. Dahil sa deka-dekada nang siklo ng karahasan sa Negros, ang biyayang ito ay walang katapusang naaapakan.

Malinaw na inilalarawan ni Obispo Gerardo Alminaza, pastol ng Diyosesis ng San Carlos sa Negros Occidental, ang sitwasyong ito:

“Violence does not arise in a vacuum. It takes root where wounds have long been left unattended—where poverty persists, where injustice is endured, where trust between people and institutions has been broken, and where hope in peaceful change has slowly faded.”

Kinokondena namin ang siklong ito na namumugad hindi lamang sa mga kamay ng mga may sandata, kundi pati sa mga dila at isipan ng mga nagsasawalang-bahala at sumasangayon sa kultura ng kamatayan saan pa man. Hindi ba ang ating Diyos ay Diyos ng buhay, na nagbigay utos na “ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo?” (Mateo 5:44)

Dulot naman ang mga siklong ito ng mga istraktura ng kasalanan na nagmumula sa ganid at p**t. Inaapakan ng mga istrakturang ito ang dignidad ng tao sa bawat aspeto ng kanyang buhay at pinapakita ang malubhang kakulangan ng lipunan na magkaroon ng pananagutan para sa isa’t isa.

Sa harap nitong karahasan, ang turo ni Kristo at ng Kanyang Simbahan ay malinaw: pag-ibig at pananagutan ang magdadala sa atin tungo sa makatarungang kapayapaan.

Dinggin natin ang matagal nang turo ng Inang Simbahan na siyang ikinakampeon muli ni Papa Leon XIV, na dapat “paglingkuran natin ang ritmo ng buhay, ang pagkakatugma ng sangnilikha at ang paghilom sa mga sugat nito.”

Tanawin natin ang mga maralita at inaapi sa sarili nating mga kinatatayuan, paglingkuran natin sila sa tunay na Kristiyanong pagkakawanggawa.

Gawin nating hangarin na ang katotohanan sa mga pangyayari ito ay maging tiyak — sapagkat ang lahat ng katarungan ay nagmumula sa pagtanggap sa katotohanan.

Ipahayag natin ang Ebanghelyo ng Buhay at aktibong paglingkuran ang matiyagang proseso ng paghilom bilang isang sambayanan ni Kristong muling nabuhay.

Higit sa lahat, dapat tayong manalangin; makiisa tayo sa dasal ng butihing obispo :

“Ipagkatiwala natin ang ating yumao sa walang hanggang awa ng Diyos.
Ipanalangin natin ang mga sugatan, ang mga lumikas, at ang lahat ng mga nagluluksa.
At hingin natin ang grasya na maging tunay na mapagpayapa sa ating panahon.
‘Panginoon, gawin Niyo kaming instrumento ng Iyong kapayapaan.’
Nawa’y marahang ipanalangin ni Maria, Reyna ng Kapayapaan, ang Negros.
Nawa’y hilumin ni Kristo, ang ating Kapayapaan, ang nasira nating bayan.”

Kapayapaan kailan man ang igawad ng Maykapal sa mga yumaong ating mahal.
Sila nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan.
Mapanatag nawa sila sa kapayapaan. Amen.

More pictures, more memoriesAs UPSCA celebrated their 90th Anniversary, bonds between past UPSCAns and Residentes were b...
18/04/2026

More pictures, more memories

As UPSCA celebrated their 90th Anniversary, bonds between past UPSCAns and Residentes were built stronger. We thank you all for coming and supporting us!

90 years of love and loyalty for Christ The King!





Photos by VG Cahapay

Address

Delaney Hall, Parish Of The Holy Sacrifice, University Of The Philippines, Diliman
Quezon City
1101

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Student Catholic Action posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to UP Student Catholic Action:

Share