23/04/2026
HUSTISYA PARA KAY ALYSSA!
ITAGUYOD ANG KARAPATANG PANTAO!
[ ๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐๐ข๐๐ข๐๐๐ฌ๐: ๐จ๐ฃ ๐ฃ๐ฆ๐ฌ๐๐๐ข๐๐ข๐๐ฌ ๐ฆ๐ข๐๐๐๐ง๐ฌ (๐จ๐ฃ ๐ฃ๐ฆ๐ฌ๐๐๐ฆ๐ข๐), ๐จ๐ฃ ๐ฃ๐ฆ๐ฌ๐๐๐ข๐๐ข๐๐๐๐๐ ๐จ๐ก๐๐๐ฅ๐ฆ๐ง๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐ข๐ฅ ๐๐ฅ๐ข๐ช๐ง๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฆ๐ข๐๐๐๐ง๐ฌ (๐จ๐ฃ ๐ฃ๐จ๐๐๐ ๐ฆ๐๐ฌ๐) ๐๐ง ๐จ๐ฃ ๐๐จ๐๐๐จ๐ฅ๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐๐ข๐๐ข๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐ข (๐จ๐ฃ ๐๐จ๐๐๐ข๐-๐๐ฆ๐๐ฃ), ๐๐๐ฆ๐๐ ๐ ๐๐ก๐ ๐จ๐ฃ ๐ฃ๐ฆ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ ๐๐ข๐ฅ๐ ๐๐ฅ๐ข๐จ๐ฃ, ๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ฆ๐๐๐ก๐ ๐๐๐ฌ ๐จ๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฆ ๐๐๐ฌ๐ฆ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ก๐ข ]
Kamakailan lamang nang ilabas ng UP Diliman University Student Council (USC) ang kanilang pahayag ukol sa pagkamatay ng isang kapwa-Konsensiya ng Bayan at isang magiting na lider-estudyante na si Alyssa Alano. Siya ang kasalukuyang nagsisilbing Education and Research Councilor ng UPD USC, at dati na ring naging Education, Training, and Popular Struggles Councilor ng UPD CSSP SC. Ang mga tulad ni Alyssa ay nakikipagsapalaran sa Negros upang makaabot sa lipunan at tunay na maintindihan ang kanilang mga pinanggagalingan. Sa kasawiang palad, isa siya sa labing-siyam na mga nasawi matapos ang operasyon ng AFP sa Brgy. Salamanca, Toboso, Negros Occidental nito lamang Abril 19, at hanggang ngayon ay pinagluluksaan โdi lamang ng buong sistema ng UP, kundi ng buong kilusan sa Pilipinas.
Nakikiramay at nakikidalamhati ang mga mag-aaral ng Sikolohiya, kasama ang mga organisasyon sa ilalim nito, sa mga kaibigan, kapamilya, at kasamahan ni Alyssa. Kinikilala namin ang bigat ng dalamhati, galit, at ang pagkasiphayo na naging sanhi ng ganitong pangyayari. Ang karumaldumal na operasyong military strafing ng AFP ay patunay na kayang ikompromisa ng gobyerno ang kapakanan at kalusugang mental ng mga indibidwal para lamang sa kanilang pansariling pakinabang. Nababalewala lamang ang mga trauma, takot, maging ang pangmatagalang sikolohikal na epekto na iniiwan nito sa komunidad na patuloy na nakararanas ng ganitong uri ng karahasan sa mga mamamayang sibilyan.
Ngunit sa kabila ng kapahamakang maaaring maidulot ng paninindigan, bakit marami pa ring mga aktibista ang patuloy na lumalaban? Bilang mga sikolohista ng bayan, nauunawaan natin na ang mga krises na ito ay multisektoral at nag-uugat sa isang sistemang matagal nang pinagsasamantalahan ang mga manggagawa at marhinalisado. Tinatanaw natin na tayo ay may kakayahang umintindi at dumama sa tunay na nararanasan ng ating mga kababayan. Higit sa simpatiya, layunin nating gawing makatao ang pagtingin sa mga biktimaโna ๐๐๐ฃ๐๐ ๐จ๐๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฉ ๐๐ฉ๐ช๐ง๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ข๐ฅ๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐๐๐๐จ๐ฉ๐๐ ๐ ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐. ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ ๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐๐ถ, mga buhay na nais lamang ang pagbabago sa lipunan. Sa ganitong diwa, si Alyssa ay nagsisilbing ehemplo at inspirasyon para sa lahat na kung may nais tayong mabago sa ating lipunan, kinakailangan ang kolektibong pagkilos at patuloy na paglaban upang ito ay maisakatuparan.
Sa katotohanan, marami pang mga isyung panlipunan ang kasalukuyan nating hinaharapโmga problema sa edukasyon, sa agrarya, pamumuhay, at higit sa lahat, sa korapsyon. Hindi kinakailangan na may mga tao munang masawi bago magkaroon ng pagbabago sa lipunan. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐ป๐ผ๐ธ๐ผ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐๐ฃ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐๐ป๐ฎ๐ป, at patuloy naming ipagsisigawan na dapat managot ang mga tunay na sangkot sa korapsyon at sa pagpaslang sa mga tulad ni Alyssa. Hindi kami mananahimik. Patuloy naming igigiit na managot ang mga makapangyarihan na gumagamit ng dahas, pandarambong, at panlilinlang upang supilin ang mamamayan. ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฏ๐ถ๐ฟ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฑ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐น๐๐๐๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฏ๐ถ๐ฟ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ถ๐ป๐ผ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐น๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐ก๐ฒ๐ด๐ฟ๐ผ๐.
Kaya naman malinaw ang aming panawagan sa mga kapwa Iskolar ng Bayan: sa halip na matakot, sama-sama nating labanan at tutulan ang mga aksyon ng gobyerno, singilin ang estado sa paglabag ng mga karapatang pantao, at patuloy na ipaglaban ang hustisya para sa mga naulila. Isulong natin ang mga mas makataong batas at reporma, at itaguyod ang mga karapatan ng bawat indibidwal at ipaglaban ang mas malawak na akses sa libre at kalidad na mga serbisyong pang-mental, lalo na sa mga kanayunang higit na nangangailangan nito. Isapuso natin at unahin ang kapakanan ng bawat mamamayan, dahil bilang Sikolohista ng Bayan, alam natin na hindi nagtatapos ang laban sa pagkamatay ng ating pinakamamahal na si Alyssa, ๐ธ๐๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ ๐ฝ๐ฎ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐น๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป.
HUSTISYA PARA KAY ALYSSA!
UPHOLD INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW!
LIBRE AT KALIDAD NA SERBISYONG PANG-MENTAL!
DEFEND NEGROS! DEFEND UP!