24/07/2025
Food Distribution for the Victims of Typhoon Crising sa Montalban, Rizal | July 24, 2025
Tuloy ang malasakit, tuloy ang Alalayang Agila! 🦅☝️👊
Sa pagtutulungan ng NCR-XV (RAJAH Eagles), Triple D (TD DMRT), Office of the Muslim Affairs (OMA), at Imam Council of the Philippines (ICPI), matagumpay nating naipamahagi ang tulong sa ating mga kapatid na Muslim na naapektuhan ng Bagyong Crising.
Unang Hinto: Sabah Muslim Compound
Pangalawa: 1K2 Muslim Area
Pangatlo: Sitio Tanag Muslim Area, San Isidro, Rodriguez, Rizal
Sa pangunguna ng ating masigasig na Regional Governor (NCR-XV), Kuya Gov. Ebs Moxsir, muling naipadama ang tunay na diwa ng pagkakaisa at malasakit sa panahon ng pangangailangan. Pugay kamay ka Kuya Gov.🫡🦅
Lubos din ang aming pasasalamat sa walang sawang suporta ng ating Chairman Kuya Gov. Joseph Cuisia Jocson ng Triple D (TD DMRT), at sa patuloy na paggabay at pamumuno ng aming National President, Kuya NP Ronald Delos Santos.
Ang inyong malasakit at pagtitiwala ang nagsilbing lakas sa likod ng aming pagkilos.
Tuloy ang serbisyo. Tuloy ang pagtulong. Tuloy ang pagmamalasakit.
Mabuhay ang NCR-XV!
Mabuhay ang Triple D (TD DMRT)!
Mabuhay ang Agila! ☝️🦅👊