06/10/2026
Plenary Session on Human Rights and Dignity | October 5, 2026
Naganap noong Lunes, Oktubre 5, 2026, sa Palma Hall (PH400), ang Plenary Session on Human Rights and Dignity, na dinaluhan ng ilang mga fakulti mula sa NSTP ng KAPP. Kabilang sa mga dumalo ay sina Kat. Prop. Edcel John Ibarra, Kaw. Prop. Jose Andres Ignacio, Prop. Daniel Mabazza, at Kat. Prop. Vincent Christopher Santiago.
Pinangunahan ni Kat. Prop. Micah Jeiel R. Perez, Tagapagugnay ng KAPP-NSTP ang programa sa pamamagitan ng pambungad na pananalita.
Ang Human Rights and Dignity ay isa sa mga kursong bahagi ng Tatak UPD NSTP Common Module, na naglalayong palalimin ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga prinsipyo ng karapatang pantao, dignidad, at kanilang kahalagahan sa pagiging responsableng mamamayan.
Taos-pusong pasasalamat sa mga naging tagapagsalita:
Lecture 1: Human Rights Education in the Philippines
Mr. Victorino Obina
Task Force Detainees of the Philippines (TFDP)
Lecture 2: Human Rights in our Communities
Nymia Pimentel-Simbulan, DrPH
Philippine Human Rights Information Center
Maraming salamat sa lahat ng estudyanteng dumalo at aktibong naging bahagi ng makabuluhang talakayang ito!
Patuloy nating isulong ang paggalang sa karapatang pantao at dignidad ng bawat isa.
Photo credits: Dale Cortez (NSTP Diliman)