27/02/2026
ππππ ππ
UP Community Development Circle
Ngayong ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ginugunita ng mga organisador ng bayan mula sa UP Community Development Circle ang makasaysayang tagumpay na isinilang mula sa organisado at kolektibong pagkilos ng mamamayan laban sa diktadura ni Ferdinand Marcos Sr.
Ngunit tandaan natin: ang tagumpay na ito ay hindi simpleng produkto ng apat na araw sa EDSA, kundi bunga ng dekadang paglaban, pag-oorganisa, at sakripisyo ng mamamayang manggagawa, magsasaka, kababaihan, kabataan, maralitang lungsod, at iba pang marhinalisadong sektor na nagbuwis ng lakas, panahon, at buhay.
Sa kabila ng mga pagtatangkang burahin at baluktutin ang kasaysayan, lalo na sa ilalim ng administrasyon ni Bongbong Marcos Jr., naninindigan tayo na hindi maituturing na βbloodless revolutionβ ang EDSA kung iuugnay ito sa mas malawak na konteksto ng Batas Militar, dahil ito ay isang panahong minarkahan ng tortyur, pagkakulong, at pagpaslang sa libo-libong marhinalisadong Pilipino. Ang EDSA ay rurok ng mas malawak na pakikibaka laban sa panunupil, korapsyon, at pang-aabuso ng estado.
Bilang mga mag-aaral at development workers, kinikilala natin na ang diwa ng EDSA ay hindi lamang alaala ng nakaraan kundi hamon sa ating kasalukuyan. Ang tunay na diwa ng People Power ay makikita sa patuloy na pag-iral ng mga komunidad na nag-oorganisa para sa kanilang lupa, trabaho, serbisyong panlipunan, at karapatang pantao.
Sa ganitong konteksto, hindi maaaring ihiwalay ang aral ng EDSA sa ating kasalukuyang kalagayan. Sa gitna ng tumitinding krisis: ang mataas na presyo ng bilihin, lumalalang korupsiyon, at patuloy na panunupil ng estado sa taumbayan ay malinaw na hindi pa tapos ang laban para sa tunay na demokrasya.
Panagutin si Sara Duterte sa kanyang katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan. Ipaglaban ang tunay na laban kontra korupsiyon sa ilalim ng rehimen ni Ferdinand Marcos Jr. Itigil ang red-tagging, militarisasyon, at represyon sa mga aktibista at mamamahayag. Palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal.
Ang laban kontra korupsiyon at panunupil ay pagpapatuloy ng diwa ng EDSA, isang laban para sa hustisya, kalayaan, at dignidad ng buong taumbayan. Ang EDSA ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo. Isa itong paalala na kapag nagkakaisa ang mamamayan, kaya nating pabagsakin ang diktadura. Isang malaking paalala rin ito na ang kalayaan ay hindi permanente, ito ay patuloy na ipinaglalaban.
Sa ika-40 anibersaryo ng EDSA, muli nating pagtibayin:
Hindi tayo makakalimot. Hindi tayo papayag sa pagbaluktot ng kasaysayan. Patuloy tayong mag-oorganisa para sa tunay na pagbabago.