UP Anthropology Society (UP AnthroSoc)

Directions Contact the university

UP Anthropology Society (UP AnthroSoc) An academic organization based in UP Diliman dedicated to expanding anthropological interest within and beyond the academic sphere.

At present, it is the only student organization dedicated to expanding anthropological interest within and beyond the academic sphere, and also engaging students and professional anthropologists in a discourse that will help realize the potentials of the discipline. Since it was founded on April 7, 1964, the UP Anthropology Society has continued to keep the field relevant and dynamic by inviting discussions and arranging activities on various social issues using an anthropological lens. Historically, UP AnthroSoc was noted for its advocacy for indigenous people's rights by arranging activities such as campaigning against the construction of the Chico River Dam in the 1980s. In addition, the organization has helped cultivate future anthropologists, some of them currently part of the UP Department of Anthropology faculty and other related disciplines, while others are making their mark in the field of anthropology in the country. The UP Anthropology Society has continuously upheld a higher learning experience within the four fields of anthropology through its various advocacies, discussions, projects, and activities contributing to societal re-engineering and transformation.

Tulungan ang UP Diliman Anthro Batch 2028 para sa 2nd round ng aming fundraising raffle! 🌱Ang bawat raffle ticket na iny...
24/09/2026

Tulungan ang UP Diliman Anthro Batch 2028 para sa 2nd round ng aming fundraising raffle! 🌱

Ang bawat raffle ticket na inyong bibilhin (₱30 per entry) ay isang malaking tulong upang siguraduhin ang aming pagpunta sa pandaigdigang kumperensya na gaganapin sa Mindanao State University - Iligan Institute of Technology (MSU-IIT) sa Iligan City.

Mapupunta ang lahat ng nalikom na pera para sa aming gastusin sa flight tickets, accommodations, at per diem allowance.

Ito na ang iyong pagkakataon upang tingnan kung gaano kalayo ang iyong suwerte! 🤞

🎟️ Paano sumali?
Basahin ang kumpletong raffle mekaniks at prizes sa poster, at i-click ang link o i-scan ang QR code sa ibaba:

bit.ly/UPDAnthro28UGATRaffle
bit.ly/UPDAnthro28UGATRaffle
bit.ly/UPDAnthro28UGATRaffle

Tumatanggap din kami ng donasyon ng anumang halaga:
AN*****E D.
09763523949

Maraming salamat sa inyong tulong! Ang iyong suporta ay aming bibitbitin patungo sa . ❤️

Ataman App’s Orye Recap 🌳Noong ika-16 ng Setyembre, naganap ang ating munting Applicant’s Orientation upang mas makilala...
22/09/2026

Ataman App’s Orye Recap 🌳

Noong ika-16 ng Setyembre, naganap ang ating munting Applicant’s Orientation upang mas makilala pa ang UP Anthropology Society.

Nagpapasalamat kami sa lahat ng dumalo, nakilaro, at nakichika sa araw na ito. Sa ngayon, balikan muna natin ang mga kinuhang litrato upang gunitahin ang espesyal na araw para sa ating mga bagong apps! 📸🌱

Kuha nina Aevi at Veana
Likha ni Aevi
Sulat ni Abel

22/09/2026

𝗢𝘂𝗿 𝗔𝗱𝘃𝗲𝗻𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗶𝘀 𝗖𝗮𝗿𝗲 𝗧𝗶𝗺𝗲 𝗕𝗲𝘆𝗼𝗻𝗱 𝗖𝗼𝗹𝗼𝗿𝘀🧸🌈

We believe that every child carries their own color, their own unique rainbow of dreams, their creative talents, and their quirks wanting to shine every day. Through ProjectCAREventure, we're building a safe space with no rooms for judgement—only excitement. To express our care to every child is an exciting adventure we will be taking together, one caring stare at a time.🧸🫂🌟

Witness our care bears that care for every bear happening on September 25, 2026 at 9:00AM to 12:00NN.‼️🌈🫶

𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗽𝗼𝗻𝘀𝗼𝗿
𝗦𝗽𝗼𝗻𝘀𝗼𝗿𝗲𝗱 𝗯𝘆:
Vitamilk
Zam's Creative Prints

𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗢𝗿𝗴𝗮𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗻𝗲𝗿𝘀
𝗜𝗻 𝗰𝗼𝗹𝗹𝗮𝗯𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘄𝗶𝘁𝗵:
PUP Junior Cooperators Association
PUP Library and Information Science Student Organization
PUP College of Business Administration Student Council
Junior Philippine Institute of Environmental Planners - PUP Chapter
UP Samahang Mag-aaral na Nagkakaisa (SAMANA)
UP Variates
UST Psychology Society
UST Nursing Central Board of Students
FEU Biological Science Society
HIRAYA - Adamson University
Adamson University – PULITIKA
Adamson Junior Marketing Association
BTLEd ICT 1-2
UNFOLD3D
1Dream

𝗜𝗻 𝗽𝗮𝗿𝘁𝗻𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝘄𝗶𝘁𝗵:
PUP College of Business Administration Sports Federation
PUP Bachelor of Elementary and Secondary Teaching Society
PUP Physics Society
Architectural Students' Association of the Philippines - UP Chapter
UST Behavioral Science Society
FEU Institute of Health Sciences and Nursing Student Council
Physics Society of Adamson University
1CTivate the Future

𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝘁𝗵𝗮𝗻𝗸𝘀 𝘁𝗼:
UP Pharmaceutical Association Student Council
UP Anthropology Society
PNU Social Sciences Club

𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗮 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗻𝗲𝗿𝘀
𝗜𝗻 𝗰𝗼𝗹𝗹𝗮𝗯𝗼𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘄𝗶𝘁𝗵:
The Oikonomos Nexus
Explained PH Organization Inc.
Red Cloud Interactive Marketing Services
IKOT.PH
Gadgets Magazine
Inquirer Pop
When In Manila.com

The UP Anthropology Society never forgets.This September 21, UP AnthroSoc stands with the Filipino people in marking the...
21/09/2026

The UP Anthropology Society never forgets.

This September 21, UP AnthroSoc stands with the Filipino people in marking the 54th anniversary of the declaration of Martial Law in the Philippines. As student-anthropologists, we will remain steadfast in amplifying and engaging with the oppressive realities that persist under the Marcoses’ rule.

19/09/2026

Maraming salamat sa pagdalo sa Apps’ Orye ng UP Anthrosoc! 🍃🎐

Kung nais mo pang makilala ang aming org at sumali, magkakaroon pa kami ng special orye sa mga hindi nakadalo. 🕺

Narito ang mga detalye:
📍UP AnthroSoc Tambayan
🗓️Setyembre 21-23, 2026
🕰️1:00 - 1:30 n.h., 2:00-2:30 n.h., 4:00-4:30 n.h

Mag-register dito:
🍀https://tinyurl.com/UPAnthroSoc-Orye2026
🍀https://tinyurl.com/UPAnthroSoc-Orye2026
🍀https://tinyurl.com/UPAnthroSoc-Orye2026

Bidyo ni Veana
Sulat nina Veana at Abel

Migration is now! 💨 The UP Anthropology Society has moved its official releases from Medium to Substack, and we would lo...
19/09/2026

Migration is now! 💨

The UP Anthropology Society has moved its official releases from Medium to Substack, and we would love to take you all with us! Swipe right para makita ang ilan sa mga nailathala ng UP AnthroSoc sa mga nagdaang taon. 💥🧡✨

Follow us on Substack:
🗞️substack.com/
🗞️substack.com/
🗞️substack.com/

Layout by Edward and Columbus
Content by Aeris and Raven
Caption by Saoirse

WALANG MAKALILIMOT! ISKOLAR NG BAYAN, WALKOUT!Noong nakaraang taon, piniling magwalkout  ng higit 5000 Iskolar ng Bayan ...
17/09/2026

WALANG MAKALILIMOT! ISKOLAR NG BAYAN, WALKOUT!

Noong nakaraang taon, piniling magwalkout ng higit 5000 Iskolar ng Bayan upang ipahiwatig ang mariing pagkundena namin sa pagtapyas ng budget sa edukasyon at malawakang korapsyon mula sa mga anomalyang flood control projects.

At ngayong taon, muling lalabas ang mga Iskolar ng Bayan sa aming mga silid-aralan patungong lansangan upang singilin muli ang rehimeng Marcos-US.

Mga Iskolar ng Bayan, ating ipanawagan:
Lahat ng sangkot, managot!
Pondo sa edukasyon, hindi sa pasismo at korapsyon!
Bahain ng protesta ang papet at korap na rehimeng Marcos!

🔻 September 18
10 AM | Snake Rallies
10:30 AM | Cluster Actions
11:30AM | AS Steps

🔻 September 21 | Martial Law 54th Commemoration

Sumali sa Walkout at ML54 Coordination GC!
🔗 http://bit.ly/WalkoutML54CoordGC

Bahain muli ng protesta ang lansangan!

KONSENSYA NG BAYAN, OPPOSE THE STATE ATTACKS AGAINST OUR STUDENT LEADERS! WALKOUT NOW!HANDS OFF OUR CSSP SC CHAIRPERSON ...
17/09/2026

KONSENSYA NG BAYAN, OPPOSE THE STATE ATTACKS AGAINST OUR STUDENT LEADERS! WALKOUT NOW!

HANDS OFF OUR CSSP SC CHAIRPERSON BELLE ESPIRITU!

Sa ngalan ng Pax Silica at mapanlinlang na interes ng dayuhan, sinusupil ng estado ang mga kabataang tumitindig at lumalaban. Gayunpaman, kasaysayan ang magpapatunay na hindi aatrasan ng mga Konsensya ng Bayan ang tumitinding banta ng pasismo.

Taas-kamaong kinokondena ng CSSP Student Council at mga organisasyon ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya ang nakaambang pagsasampa ng gawa-gawang kaso laban kay Summer Libelle ‘Belle’ Espiritu, kasalukuyang CSSP SC Chairperson at National Vice Chairperson ng League of Filipino Students. Gayundin, ang sunod-sunod na kaso sa iba pang mga kabataan at paralegals na nakiisa sa Luzon Economic Corridor (LEC) Investors Forum mobilization noong Setyembre 10 sa Bonifacio Global City (BGC). Sa halip na igalang ang demokratikong karapatan ng kabataan na magpahayag, mag-organisa, at umalma, pinipili ng estado ang pananakot at panunupil upang patahimikin ang mga nangangahas na makibaka. Ang pag-atake kay Belle ay pag-atake sa buong hanay ng kabataang naglalakas-loob na kumwestyon at manindigan.

Hindi hiwalay ang mga atakeng ito sa lumalaking pagtutol ng mamamayan sa Pax Silica at sa patuloy na pagpapailalim ng yaman ng bansa sa dikta ng imperyalistang US at malalaking korporasyon. Pinahihintulutan ng papet na gobyerno ang pagpapatayo ng mga hub ng AI at semiconductor para sa ekonomiya at giyerang agenda ng Estados Unidos. Sa ngalan ng huwad na pag-unlad at pambansang seguridad, sinasakripisyo ang lupang ninuno, kabuhayan, at kinabukasan ng mga komunidad ng Aeta sa Capas, Tarlac, at ng marami pang batayang sektor na lubos na maapektuhan ng inisyatiba. Mahaba na ang kasaysayan ng mga imperyalistang mandarambong, pyudal na mananamantala, at kurap na burukrata-kapitalista sa lipunang Pilipino, silang mga tunay na salot at pahirap sa mamamayan.

Sa halip na dinggin ang daing ng masang api, pasismo ang sagot ng estadong pumoprotekta sa mga naghaharing-uri. Kinakasuhan, dinarahas, at sa maraming pagkakataon, pinapaslang ang mga tunay na naglilingkod sa sambayanan. Kaya’t bilang mga Konsensya ng Bayan, hindi natin pahihintulutan ang kriminalisasyon sa mga kabataan at lider-estudyante. Hinulma sa makasaysayang bulwagang Palma ang mahabang tradisyon ng kritikal na pag-iisip, radikal na pagtatanong, at militanteng pamumuno ng kabataan.

Malinaw ang sigaw ng mamamayang Pilipino: Ibasura ang hindi makatao at hindi makabayang Pax Silica! Itigil ang pananakot at pandarahas sa mga tagapagtanggol ng pambansang soberanya! Habang kinakaltasan ng badyet sa edukasyon at ginigipit ang agham panlipunan, pinopondahan at inuuna naman ng estado ang pagsikil sa boses ng mga Iskolar ng Bayan. Bigkis-bigkis nating harapin ang kabulukan ng tutang administrasyon ni Marcos Jr.! Mula sa mga bulwagan hanggang sa lansangan, hindi magpapatinag sa panunupil ang laksa-laksang hanay ng kabataang Pilipino!

KONSENSYA NG BAYAN, WALK OUT NOW! STOP PAX SILICA!

🗓 September 18
10AM | Snake Rally
10:30AM | Cluster Action
11:30AM | Main Program Steps

| KONSENSYA NG BAYAN, OPPOSE THE STATE ATTACKS AGAINST OUR STUDENT LEADERS! WALKOUT NOW!

Sabi nga nila, ang lahat ng bagay ay magkaugnay kung kaya't kinakailangan natin pangalagaan ang lahat lalong lalo na, an...
11/09/2026

Sabi nga nila, ang lahat ng bagay ay magkaugnay kung kaya't kinakailangan natin pangalagaan ang lahat lalong lalo na, ang isa't isa. 🪴

Inihahandog ng UP Anthropology Society ang Ataman: The 2026 UP Anthropology Society Application Process!

Magkita-kita tayo para sa aming Applicants’ Orientation ngayong darating na Setyembre 16 sa SUB 415 mula 4 hanggang 6 n.h. Kita-kits! 🎐

Mag-register dito:
🍀https://tinyurl.com/UPAnthroSoc-Orye2026
🍀https://tinyurl.com/UPAnthroSoc-Orye2026
🍀https://tinyurl.com/UPAnthroSoc-Orye2026

Likha nina Aevi, Anna, at Russell
Litrato ni Aevi
Guhit ni Anna
Sulat ni Gela

Address

University Of The Philippines/Diliman
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Anthropology Society (UP AnthroSoc) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to UP Anthropology Society (UP AnthroSoc):

Shortcuts

Share