25/02/2026
๐ฆ๐ค๐๐๐๐๐ฅ๐๐ง๐ฌ ๐ฆ๐ง๐๐ง๐๐ ๐๐ข๐ง: ๐๐๐ฆ๐@40 ๐ฃ๐๐ค๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐ค๐ช๐๐ฅ ๐๐ข๐ข๐๐ฉ๐๐ฅ๐ฆ๐๐ฅ๐ฌ
40 ๐ง๐๐ข๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐จ๐ก๐๐ง๐ ๐๐ง ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ก๐๐๐๐๐ก!
Apatnapung taon na ang lumipas mula nang umugong sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue o mas kilalang EDSA ang sama-samang pagtindig ng mamamayang Pilipino na naghangad ng kalayaan at demokrasya. Noong EDSA People Power Revolution, ipinakita sa buong mundo na ang lakas ng bayan ay hindi nasusukat sa kahit anong armas o sandata, kundi sa pagkakaisa, tapang, at pananampalataya sa kapangyarihan ng sama-samang pagkilos.
Sa loob ng apat na dekada, nananatiling buhay ang mga alaala ng milyun-milyong Pilipinong tumindig laban sa pang-aapi at katiwalian. Ang kaganapang ito ay hindi lamang isang pangyayaring historikal, ito ay isang paalala na ang demokrasya ay hindi minamana, ito ay ipinaglalaban, inaalagaan, at pinananatiling buhay sa bawat henerasyon. Isa itong patunay na kapag nagkaisa ang sambayanan, kayang baguhin ang takbo ng kasaysayan.
Sa kasalukuyan, tayo ay hinahamon ng mga bagong anyo ng disimpormasyon, pagpapaikot, pagtataksil, at iba't ibang pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan. Sa gitna ng mga ito, higit kailanman ay mahalagang balikan ang diwa ng EDSA โ ang diwa ng payapang pakikibaka, pananagutan ng pamahalaan, at aktibong pakikilahok ng mamamayan. Hindi sapat ang paggunita, ang tunay na pagbibigay-halaga ay ang pagsasabuhay ng mga prinsipyong tinindig at ipinaglaban noon.
Bilang isang Pilipino, tungkulin nating ipasa sa susunod na henerasyon ang katotohanan ng kasaysayan at ang kahalagahan ng paninindigan para sa kalayaan at katarungan. Ang ika-40 anibersaryo ng EDSA ay hindi lamang pag-alala ng nakaraan, kundi panata para sa hinaharap โ na patuloy nating ipagtanggol ang ating mga demokratikong institusyon at ang karapatan ng bawat mamamayan.
Ang ๐๐จ๐๐ข๐๐ญ๐ฒ ๐จ๐ ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ญ๐ฎ๐๐๐ง๐ญ๐ฌ ay kasama sa pagtindig para sa katotohanan, pananagutan at mabuting pamamahala.
๐๐๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ค๐๐ฆ๐ข. ๐๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐ ๐ค๐๐ฆ๐ข. ๐๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ค๐๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ง๐ข๐ง๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐๐ง.
๐๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐ฆ๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ'๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐บ๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ผ๐๐ผ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป.
๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐ข๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฉ ๐ฌ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐ค๐ฉ.