21/09/2026
54TH MARTIAL LAW ANNIVERSARY STATEMENT
Ngayong ika-21 ng Setyembre, ginugunita natin ang ika-54 na taon mula noong idineklara ang Batas Militar sa ilalim ng rehimen ng pasista at diktador na si Ferdinand Marcos Sr.
Ang tinatangkilik na βgolden ageβ ay hindi kailanman naging ginintuan. Sa katunayan, ito ay nanunuot ng katiwalian at korapsyon ng bilyon-bilyon sa kaban ng bayan na nakakubli sa mga imprastraktura at pansariling interes ng mga nasa tuktok ng tatsulok. Katwiran ang pag-usbong ng hinaing ng mamamayan, ngunit ang naging tugon ni Marcos Sr. dito ay ang pagdakip, pagtortyur at pagkitil ng buhay ng mga mamamahayag, estudyante, aktibista, unyonista, organisador at sinumang kritikal sa kanilang pamamahala.
Sadlak pa rin sa krisis ang bayan sa ilalim ng pamumuno ng kanyang anak na si Ferdinand βBongbongβ Marcos Jr. Nananatiling walang napapanagot sa maanomalyang flood control projects habang patuloy na lubog ang marami sa baha. Sa halip na lutasin ang kasalukuyang problema, mas binibigyang-halaga ang Pax Silica na nagsisilbi lamang sa interes ng mga bansang imperyalista at naghaharing uri.
Mula kay Marcos Sr. hanggang kay Marcos Jr., iisa pa rin ang kanilang layunin: ang patahimikin ang mga mamamayan.
Matatandaang kamakailan lang ang Toboso 19 Massacre na isa sa pinakamalawakang pagpaslang at paglabag ng estado sa International Humanitarian Law. Kabilang sa mga nasawi rito ay mga kapwa iskolar ng bayan na sina Alyssa Alano at Maureen Santuyo.
Nitong mga nagdaang buwan naman, sunod-sunod din ang panghuhuli sa mga aktibista at paralegal na ilegal na inaresto sa SONA 51 at LEC 5.
Inilantad din noong nakaraang buwan sa National Budget para sa 2027 ang β±2.95 bilyong budget cut sa University of the Philippines System, at pangkalahatang β±3.3 bilyong budget cut para sa mga pampublikong pamantasan at kolehiyo sa bansa.
Naniniwala ang UP Music Circle sa kahalagahan ng paggamit ng ating mga boses para sa bayan na hinding-hindi matatahimik ng estado.
Makatwirang tayo ay patuloy na lumaban. Kaisa ang UP Music Circle sa pagsiyasat sa korapsyon at pagpapabaya ng pamahalaan. Bilang mga musikero at iskolar ng bayan, bitbit namin ang kahirapang danas ng lipunanβmula sa sistema ng pampublikong transportasyon, sunod-sunod na budget cut sa edukasyon, komersyalisasyon ng pang-estudyanteng espasyo, at kawalan ng pondo para sa mga proyektong kontra-baha.
Tulad ng katapangan at tibay ng paninindigan ng mga musikero noon, ipagpapatuloy ng UP Music Circle ang paggamit ng mga espasyo ng sining sa pagmulat, pakikibaka, at paglantad sa katotohanan ng mga isyung panlipunan.
Sa ika-54 na komemorasyon ng pagdeklara ng Batas Militar, iniimbitahan namin ang mamamayan sa pagtataguyod ng kamalayan. Oras na ng panawagan. Tayo naβt makibaka laban sa kawalan ng katarungan, at palakasin ang tinig ng taumbayan nang makamit natin ang hustisya para sa bayan!
MARCOS SINGILIN!
DUTERTE PANAGUTIN!
NEVER AGAIN TO MARTIAL LAW!