Ambagan 2013 Pambansang Kumperensiya sa Wika

Call Directions Website Contact the university

Ambagan 2013 Pambansang Kumperensiya sa Wika 25,26,27 Hulyo 2013
Leong Hall, Ateneo de Manila University
Keynote speaker: Bro. Armin A. Luistro,

Ang proyektong Ambagan ay proyekto ng Filipinas Insitute of Translation na ginaganap kada dalawang taon. Ang pinakaunang Kumperensiya ng Ambagan ay ginanap noong 5-6 Marso 2009 na kinatampukan ng mga salita mula sa mga wikang Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Ilokano, Ifugao, Kinaray-a, Magindanaw, Maranao, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog, Tausug, at Waray. Itinakda sa Konstitusyong 1987 na Filipino ang ating wikang pambansa. May probisyon din dito tungkol sa pagpapaunlad ng Filipino gaya ng sumusunod:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. (Artikulo VIV, Seksiyon 6)

Ang proyektong Ambagan ay kumikilala sa probisyong pangwika na ito sa Konstitusyon. Nagpapanukala ito ng isang estratehiya sa pagpapayaman ng wikang Filipinoโ€”ang paghalaw mula sa kaban ng bokabularyo ng ibaโ€™t ibang wika sa Filipinas upang ilahok sa korpus ng wikang pambansa. Isang magandang halimbawa nito ang salitang pay-yo (may varyant na payaw at payew) ng mga taga-Cordillera. Sa mahabang panahon, karaniwang mababasa sa mga teksbuk sa araling panlipunan ang taguring rice terraces o hagdan-hagdang palayan para tukuyin ang ehemplong ito ng katutubong teknolohiyang pang-agrikultura. Nito na lamang naging popular ang paggamit ng salitang pay-yo dahil na rin sa pagtatampok sa konsepto ng wikang Filipino bilang wikang patuloy na nililinang batay sa ibaโ€™t ibang wika sa Filipinas. Ang mga salitang tulad ng pay-yo ay hindi lamang mahalaga dahil sa pagbibigay sa atin nito ng pantumbas sa mga konseptong karaniwang ipinahahayag natin sa wikang banyaga. Higit na makabuluhang itampok ito upang tuluyan at ganap na makilala natin ang ating mga kapatid sa ibaโ€™t ibang panig ng bansa at makilala natin ang ating sarili bilang mga Filipino. Sa kumperensiyang ito, ilalahad ang mga saliksik tungkol sa mga salita mula muna sa sampu (10) hanggang labindalawang (12) pangunahing wika sa Filipinas. Inaasahang maitampok ang mga salitang may natatanging kahulugan sa kultura at kasaysayan ng grupong etnolingguwistiko. Bawat tagapagsalita ay magtataguyod ng isang salita mula sa isang wika sa Filipinas at maaaring tumalakay sa sumusunod:

Kahulugan ng bawat salita;
Kasaysayan o etimolohiya ng bawat salita;
Paghahambing ng bawat salita sa ibang mga salitang kahawig ngunit may ibang kahulugan;
Ibaโ€™t ibang posibleng gamit ng bawat salita; at
Paliwanag kung bakit mahalaga na mailahok ang salita sa korpus ng wikang pambansa. Dapat idiin na hindi lamang mahalaga ang mga salitang mapapatampok sa kumperensiya. Higit pa, mahihikayat at mabibigyan ng modelo ang mga gumagamit ng ibaโ€™t ibang wika sa Filipinas upang sila mismo ang mag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang pambansa.

14/09/2026

Sarรฌ-Sรกmot
ni Virgilio S. Almario

ANG PAGMAMAHAL SA ATING WATAWAT

MAY DALAWA AKONG tanong: Una, saan may pagtatanghal ng maraming watawat ng Filipinas? Ang sagot: Sa mga istadyum ng Washington, Toronto, Cincinnati, at New York kapag may laro si Alex Eala. Ikalawa, saan pa may pagtatanghal ng maraming watawat ng Filipinas? Saan pa? ang sagot: Sa amin sa Ferndale Homes, Barangay Pasong Tamo, Lungsod Quezon. May kampanya kasi ang Ferndale Homeowners Association na itanghal ang watawat natin sa bawat bahay para ipadamรก ang pakikisangkot ng may-ari sa nagaganap na krisis ng ating bansa. Kung ang watawat natin ay nawawagayway sa mga istadyum para isuporta kay alex Eala, ang watawat natin sa Ferndale Homes ay nais magdiwang sa pag-ibig sa bayan ng mga homeowners. Kayรข sa Ferndale Homes, tiyak na walรขng watawat sa bahay ang mga relihiyong walรขng kinikilalang gobyerno at ang mga nagrerentang banyaga. O kayรข ang mga bahay ng ayaw makisangkot sa malulubhang problema ng ating bansa. O kayรข iyong ayaw makisรกma sa association.

Malinaw namang walang kinakampihan ang Ferndale Homeowners Association sa mga partidoโ€™t panig sa kasalukuyang kurakot isyu. Hindi sila kakampi ng BBM o DDS. Hindi sila kasama sa mga rali laban o panig kay VP Sara. Malayร  silรก sa anumang partidismo. Pero ayaw nilang masabi na walรขng pakialam. Nagtatalo silรก kung ano ang mabuti sa Filipinas. Pero pagdating sa politika, bahala ang bawat homeowner sa kaniyang gustong panigan. Basta, ginagawa niya iyon bilang bahagi ng kaniyang pag-ibig sa ating bayan. Ang totoo, may alam akong troll sa hanay ng mga homeowners. Alam ko kasi kaagad nagreklamo na bakit daw ginagamit namin sa politika ang organisasyon. Ang sagot ko, nasasangkot sa politika ang homeowners kung may ipinahahayag na panig sa bawat kaso. Wala naman. Kayรข ang troll o alagad ng politiko ay puwedeng kasรกma namin. Ang masamรข ay kung walรข ka palรกng pag-ibig kayรข ayaw mong magsabit ng ating watawat.

Ang totoo, may panukala ako kay Meyor Joy Belmonte na gamitin ang kaniyang kapangyarihan upang pagsabitin ng watawat ang mga mamamayan ng Lungsod Quezon. Lalo na ang mga opisina at talyer na pag-aari ng mamamayang Filipino at may trabaho para sa mga Filipino. Para maibukod sa hanay ng mga Filipino ang mga shops o tindahang ari ng banyaga at distributors ng produktong hindi gawa ng Filipino. Hindi sa nais kong gayahin ang mga Kano. Pero anuman ang palagay natin sa USA, magandang banggitin ang pagtatanghal ng watawat ng USA sa mga gusali ng Washington D.C. Para ipakita ang pagmamahal sa USA na higit kaysa away ng Democrats at Republicans. O kung maka-Trump ka o hindi. O kung maka-Palestine ka o maka-Israel. Ang mas mahalagaโ€™y Kano ka at nagmamahal sa USA at sa stars-and-strifes bรญlang simbolo nitรณ.

Hรกbang sinusulat ko ito ay nasisira pa ang ulo ng mga namamahala sa WTA kung parurusahan o hindi si Alex Eala dahil sa desisyong iwasan ang China at dahil mas gusto niyang maglaro sa Nagoya kasรกma ng Philippine team. Bรญlang isang seeded player ay kailangan niyang maglaro sa China. Ngunit hindi niya iniintindi ang parusa ng WTA. Mas gusto niyang maglingkod sa watawat ng Filipinas sa Asian Games. Sรกna pagbigyan siyรก ng WTA. At sรกna magwagi siya ng gold sa Nagoya. Kayรข ngayon pa lang ay siyรก ang modelo kong manlalaro at tagapagbandila ng pagmamahal sa Filipinas.

Ferndale Homes
12 Setyembre 2026

๐Ÿ“ธLarawan mula sa New York Times

19/03/2024

Mabuhay ka Ricky Lee! ๐Ÿฆ‰๐Ÿธโค๏ธNasa alaala ka Carina C David๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™โค๏ธ

IMBITASYON MULA SA UNYON NG MGA MANUNULAT SA PILIPINAS (UMPIL). SA MARTES NA PO ITO, PEBRERO 20, IKA-3:00 NG HAPON, SA G...
15/02/2024

IMBITASYON MULA SA UNYON NG MGA MANUNULAT SA PILIPINAS (UMPIL). SA MARTES NA PO ITO, PEBRERO 20, IKA-3:00 NG HAPON, SA GIMENEZ GALLERY NG UP DILIMAN. MANGYARI LAMANG PONG MAGREHISTRO SA LINK NA NASA IBABA NG MENSAHE. SALAMAT PO.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=796159519193652&id=100063988327658&mibextid=Nif5oz

TODAY at 3pm!

LEILA DE LIMA talks on โ€œGENDER and OPPRESSIONโ€
at the 2024 ADRIAN CRISTOBAL LECTURE

The Honorable Leila de Lima, politician, lawyer, human rights activist and law professor will be this yearโ€™s featured lecturer for the 2024 Adrian E. Cristobal Lecture Series. The event will be on February 20, 2024, 3pm at the Gimenez Gallery of the University of the Philippines, Diliman.

The Cristobal family established the Adrian E. Cristobal Lecture Series in collaboration with the Unyon ng Mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) or the Writersโ€™ Union of the Philippines. It aims to honor the intellectual legacy of the late renowned writer and former UMPIL Chair Emeritus. In each lecture, a renowned Filipino intellectual delivers a keynote speech on a topic related to a current socio-political condition in the country or a cultural development. Past lecturers include Gemino Abad (2011), Virgilio Almario (2012), Resil Mojares (2013), Reynaldo Ileto (2014), Solita Monsod (2015), Marites Vitug (2016), Alfred Yuson (2017), Soledad Reyes (2018), Cristina Pantoja Hidalgo (2019), Antonio Carpio (2020), Ninotchka Rosca (2021), Sheila Coronel (2022), and Inday Espina Varona (2023).

De Lima served as Chairperson of the Commission on Human Rights under the administration of Gloria Macapagal Arroyo from 2008 to 2010. Her two-year term covered high-profile cases such as the Davao Death Squad in which former president Duterte was involved, human rights cases against General Palparan, and the Maguindanao Massacre. In 2010, she was offered the position of Secretary of Justice by President Benigno Aquino IIIโ€™s cabinet, which she carried out from 2010-2015. In 2016, de Lima won a senate seat under Koalisyon ng Daang Matuwid of the Liberal Party. As a senator, she condemned the Philippine Drug War and urged Congress to investigate the extrajudicial killings of drug suspects. Barely a year later, de Lima was arrested on trumped-up charges of drug trafficking, among others. In 2022, immediately after Duterteโ€™s term, all major witnesses to the charges against de Lima recanted their testimonies. On November 13, 2023, the Muntinlupa RTC granted de Limaโ€™s petition for bail on her remaining drug charge, guaranteeing her release after six years in detention.

The lecture is jointly presented by the Cristรณbal Family, UMPIL, the College of Arts and Letters of the University of the Philippines Diliman, and the Ignacio B. Gimenez Foundation, Inc. The event is open to the public. Everyone is invited but we need you to register for a controlled number of attendees . Kindly confirm attendance by filling out this form (closed but you can still go)

portrait by Mel Vera Cruz

17/08/2022

๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅ ๐—ง๐—จ๐—ก๐—š๐—ž๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ช๐—œ๐—ž๐—”๐—ก๐—š ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข, ๐—œ๐——๐—”๐——๐—”๐—ข๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฆ!

Ang Katipunan sa Kultura at Kasaysayan (K*K2022) sa pakikipagtulungan sa Batangas Eastern Colleges (BEC), Sentro ng Wikang Filipino - UP Diliman (SWF-UPD), at Filipinas Institute of Translation, Inc. (FIT) ay magdaraos ng seminar na ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก: ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—•๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—” ๐—”๐—ง ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—จ ๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”, ngayong ๐Ÿญ๐Ÿต-๐Ÿฎ๐Ÿฌ ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฎ, 8:00 n.u.-5:00 n.h, sa Batangas Eastern Colleges Campus Gymnasium, Javier St., Poblacion, San Juan, Batangas.

Tampok bilang pangunahing tagapanayam si ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฉ๐—ถ๐—ฟ๐—ด๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ผ ๐—ฆ. ๐—”๐—น๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ผ na tatalakay sa kasaysayan ng wikang pambansa. Magbibigay rin ng panayam sina ๐——๐—ฟ. ๐—š๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ผ ๐—ฆ. ๐—ญ๐—ฎ๐—ณ๐—ฟ๐—ฎ, ๐——๐—ฟ. ๐—๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ผ๐—ป ๐——. ๐—ฃ๐—ฒ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜€, at ๐—”๐˜€๐˜€๐˜. ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ณ. ๐—˜๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฒ ๐—”๐—ป๐˜๐—ผ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜๐˜๐—ฒ ๐—š. ๐—ก๐—ฎ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ฒ๐˜‡ upang talakayin naman ang tungkol sa pagpaplanong pangwika, at intelektuwalisasyon at estandardisasyon ng wikang pambansa.

Isa itong ๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š in-person seminar ngunit ipapalabas din sa mga page ng K*K 2022, BEC, SWF-UPD, at ng FIT. May Sertipiko ang paglahok sa Seminar na ito. Mangyaring magmensahe lang sa FB Page ng Batangas Eastern Colleges para sa detalye.

Maaari ding makabili ng pinakaunang mga kopya ng bagong aklat ni NA Virgilio S. Almario na ๐™Ž๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™’๐™ž๐™ ๐™– (UST, 2022) at ๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™‹๐™คฬ๐™ค๐™ฃ, ๐™ข๐™œ๐™– ๐™‹๐™ž๐™ฎ๐™คฬ๐™ฃ, ๐™ข๐™œ๐™– ๐™‹๐™ช๐™จ๐™คฬ๐™ฃ๐™œ, ๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ชฬ๐™จ๐™ค๐™ฃ๐™œ (San Anselmo Press, 2022) na parehong kalalabas lamang sa Press.



*K2022

01/08/2022

๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—œ๐—ช๐—”๐—ก

Paano ba lilikumin ang mga buhangin
Ng araw-araw para bumuo ng bagong dalampasigan
At walรขng maiwaglit sa รญsip,
Walรขng masiil ang umiiral at nakamihasnan?

Bulaklak, hindi ka karaniwan
Ngunit hindi ka bubukad
Kung walรขng karaniwang ugat sa bitak
Ng lupaing karaniwaโ€™y dinadapurak ng bagyoโ€™t dilim.
Hindi masasaid ang luhang nagpaalat
At nagburak sa bawat karaniwang labak ng alaala.
Kahit karaniwan ang lindol at digma,
Higit na karaniwan ang mga bulรกg at busabos
Sa pilapil at bangketa ng panahon.

Hindi rin nagtataksil ang karaniwang talaksan
Ng walรขng-pangalang mga lagas na ngipin sa banig;
Noon at ngayon,
Di-mahulugang karayom ang mga pangarap
Na musmos paโ€™y nakapiit na
Sa mga lumaganap at karaniwang rehas ng dawag
Sa mga karaniwang bakuran ng dampaโ€™t guhoโ€”
Silรก ang higit na karaniwan kaysa aserong tulay
At hambog na gusali ng agham.

Sapagkat basura ang kabihasnan,
Sapagkat basura ang kasaysayan,
Sapagkat basura ang kabihasnan at kasaysayan
Ng kasalukuyan,
Karaniwan ang mga mapanlinlang na balita
Kaysa saliksik ng katunayan.
Nakalutang sa himpapawid ang mga bangkay
Ng antigong alamat at inasnang parikalร โ€”
Higit na karaniwan at mga tรญla tagpong panatag
Kaysa kislap ng kopita.

Sapagkat karaniwan ang karimlan
Dapat sindihan ang karaniwang nalรญmot na gasera.
Sapagkat karaniwan ang lumbay
Dapat buklatin ang karaniwang ilahas na halakhak.
Sapagkat karaniwan ang usok
Dapat magpasiklab ng karaniwan ay bawal na bahaghari
Upang mabanaag
Ang mga papag at dulang, ang mga araroโ€™t lambat;
Upang matampok ang tumpak na hugis ng bundok at batis,
Upang matupad ang angkop na tungkulin ng bagwis,
Ng kamao, kameraโ€™t panรบlat,
Upang maging karaniwan at malinaw ang bakรกs
Ng matatalinoโ€™t masisiglang talampakan,
Ang kilapsaw ng masisipag na katig at pardiyas
Sa karaniwang dalampasigan ng buhangin at alon.

At maging di-karaniwan ang araw-araw.

Rio Alma
3 Hulyo 2022

07/03/2022

SARANGGOLA NG PAG-ASA
10-Araw na Panata para sa Kaganapan ng Gobyernong Tapat
17-26 Abril 2022
------

Itinataguyod ng Katipunan sa Kultura at Kasaysayan (K*K2022), kasama ang iba-ibang organisasyon sa Filipinas, ang proyektong SARANGGOLA NG PAG-ASA: 10 Araw na Panata para sa Kaganapan ng Gobyernong Tapat na isasagawa mula Abril 17, araw ng Pink Moon (tawag sa kabilugan ng buwan sa Abril), at nagkataon din, Pasko ng Pagkabuhay, at tatagal hanggang Abril 26. Pinakatampok ang aktibidad na Saranggola ng Pag-asa, na kapapalooban ng sabay-sabay na pagpapalipad ng saranggola sa buong bansa. Idaraos ito sa Abril 23, kaarawan ng pinakakarapat-dapat na kandidato sa pagkapangulo ngayong 2022, si Leni G. Robredo.

Para sa kompletong detalye tungkol sa pagsasagawa ng proyekto, i-download dito:
https://tinyurl.com/Saranggola-2022

Para sa mga tanong at paglilinaw, maaaring mag-email sa [email protected].






[Artwork by Robert Alejandro]

20/02/2022

Address

Rm. 2082 Faculty Center, University Of The Philippines Diliman
Quezon City
1101

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ambagan 2013 Pambansang Kumperensiya sa Wika posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to Ambagan 2013 Pambansang Kumperensiya sa Wika:

Shortcuts

Share