02/09/2022
Sa pagsibol ng bagong umaga matapos ang kalamidad na biglaang hinarap, narito't sila'y nakatayo, lumaban, nanindigan, at hinarap ang lahat ng pagsubok. Sa bagong umagang hinarap, sila ngayon ay nakakita ng bagong tahanang sila ay taos-pusong tinanggap.
Karamihan sa mga mag-aaral ng Communication Arts Department ng Colegio De San Lorenzo ngayon ay kabilang na sa Trinity University of Asia bilang mga ganap na Trinitians.
Ang buong mag-aaral mula sa Communication Arts Department at Ang Maskom ay walang sawang nagpapasalamat sa mga taong hindi nang-iwan, sumabay manindigan, at yumakap sa amin sa huling pagkakataon.
Dean Leonor Hernando, Ma'am Ricci, Sir Norman Manalaysay, Ma'am Ivy Bartolome, Sir Boots Liquigan, Ma'am Jomarie Corro, Sir Brian Reyes, maraming-maraming salamat po sa lahat ng tulong na binigay niyo sa aming mga estudyante niyo, at lalong-lalo na sa pagtulong niyo po sa'min na makahanap ng bagong lilipatan.
Sa buong pamunuan ng Trinity University of Asia, lalong-lalo na kay Sir Walter Yudelmo na tumulong sa amin simula umpisa hanggang sa opisyal kaming matanggap sa institusyon. Salamat po sa pagtulong at sa tulong na inyo pang binibigay sa amin.
Maraming salamat po sa inyong lahat.
Mahal na mahal po namin kayo.
(🎥Ellaine Calindas/Facebook)