25/02/2026
Pagkatapos ng ilang dekada ng madugong pakikipagsapalaran para sa ating karapatan at kinabukasan, nakamtan ngayong ika-25 na araw ng pebrero ang isa sa mga pinakaimportanteng pagwawagi kung saan natapos ang rehimeng diktadurya. Ang rebolusyonaryong tagumpay na ito na nakamit sa mapayapang paraan ay palagiang magiging palatandaan sa ating mga Pilipino na walang imposibleng pagbabago sa ating pagkakaisa.
Sa kabila ng napakaraming tagumpay na nakamit natin sa ating kasaysayan, tayo ay malayo pa bago tuluyang makalaya mula sa laban para sa ating karapatan, magandang pamumuhay, at pamamahala. Hindi lamang isang tao ang opresyon at kasakiman na umaapekto sa ating bansa kundi isang sistemang naitatag at lumaganap sa kurso ng ating kasaysayan.
Laloโt lalo na ngayong araw ang anibersaryo ng ating kalayaan mula sa mga abusado ng kapangyarihan sa ilalim ng rehime ni Marcos, kailangan natin muling matandaan ang karanasan at sakripisyo ng ating mga mamamayang Pilipino upang magkaisa at sindihan ang ating pagnanais para wakasan ang napakatagal na sistema ng korapsyon at opresyon sa ilalim ng mga katuwaliang puno ng kasakiman. Halinaโt Makiisa, ipaglaban ang karapatan ng masa!