23/04/2026
The UP Association of Computer Science Majors strongly condemns the killing of Alyssa Alano โ student leader, Iskolar ng Bayan, and member of the UP Diliman University Student Council โ whose life was taken on April 19 in Negros Occidental. Her death is not an isolated incident, but part of a continuing pattern of violence against those who choose to serve marginalized communities.
Alyssa dedicated her work to advancing the rights and welfare of students and the broader Filipino people. Beyond the university, she stood in solidarity with farmers and community-based sectors, immersing herself in communities and responding to the call for genuine service. For this, she was met not with protection, but with suspicion, vilification, and ultimately, violence.
We are reminded of the fate of our alumnus, Chad Booc, who likewise chose to serve the Lumad communities through education and community-based work, and whose life was also taken under circumstances that raised serious questions of justice and accountability. The parallel is deeply alarming: those who dedicate themselves to the most underserved sectors continue to face the gravest risks.
We reject the dangerous narrative that reduces individuals to labels to justify harm against them. Red-tagging, baseless accusations, and the weaponization of misinformation create conditions where lives are treated as expendable. No student, no educator, no advocate deserves to be killed for choosing to serve the people.
The circumstances surrounding Alyssaโs death demand an immediate, transparent, and independent investigation. Accountability must not be delayed, diluted, or denied. Justice requires more than statements. It requires concrete action to ensure that those responsible are held to account and that such violence does not continue with impunity.
Her killing exposes a broader reality: that civic engagement, dissent, and community service remain perilous in a society where power is too often exercised without consequence. This must end.
As members of the academic community, we affirm that activism is not a crime, that dissent is not terrorism, and that service to the people must never be met with violence. We call on our fellow students, educators, and citizens to stand firm in defending human rights, to challenge narratives that enable injustice, and to refuse silence in the face of abuse.
We mourn with anger. We grieve with purpose. And we stand in unwavering solidarity with those who continue the struggle for justice.
STATEMENT
Noong Abril 19, walang habas na pinaulanan ng bala ng 79th Infantry Batallion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental kung saan halos 168 na pamilya at 653 na mga indibidwal ang napilitang magbakwit sa kanilang mga tahanan.
Kaugnay nito, ibinabalita ng UP Diliman University Student Council na isa sa mga nasawi ang ating kapwa Iskolar ng Bayan na si USC Councilor Alyssa Alano dahil sa pasistang atake at panunupil ng militar sa Negros.
Mariing kinukundena ng UP Diliman USC ang ginawang pagpatay ng AFP kay Alyssa na isang inosenteng sibilyan.
Lubos ding tinututulan ng UP Diliman USC ang karumaldumal at paulit-ulit na paglabag ng reaksyunaryong gobyerno at ng kanilang mga mersenaryo sa karapatang pantao ng mamamayan ng Negros at maging sa mga aktibistang sumasandig sa laban ng masang api.
Sa kasalukuyan, si Councilor Alano ang Education and Research Councilor ng USC UP Diliman.
Nakipamuhay at nakipag-aralan si Alyssa sa hanay ng mga kapatid nating magsasaka mula sa Negros upang alamin ang kanilang tunay na kalagayan sa harap ng pangangamkam sa lupa, pagsasamantala, at militarisasyon.
Nananatili ang Negros bilang isa sa mga rehiyong may pinakamatinding militarisasyon at paglabag ng karapatang pantao. Pinaigting ng Memorandum Order 32, na naglagay sa Negros sa โState of Lawless Violenceโ, ang pagtaas ng presensya at operasyong militar sa rehiyon.
Walang habas ang mga mersenaryo sa pangangamkam ng lupa at pananamantala. Tumitindi ang pandarahas, pandadakip, at pagpatay ng mga magsasakang Negrense.
Nakita at naintindihan ni Councilor Alano ang kahalagahan sa paggamit ng kaniyang talino at lakas upang ipaglaban ang mga karapatan ng mga estudyante at batayang sektor, lalo sa pagtindi ng krisis sa ekonomiya.
Si Alyssa ay naging isang mahusay, masikhay, mapagmahal, at dakilang lider-estudyante at tunay na anak ng bayan.
Nagluluksa ang konseho at buong komunidad ng UP sa pagkawala ni Alyssa. Mahigpit ding nakikiramay ang konseho sa kanyang mga naiwang pamilya, kaibigan, at mahal sa buhay.
Buong tapang at buong pusong tinanggap ni Alyssa ang hamon sa bawat Iskolar ng Bayanโang paglingkuran ang sambayanan. Hinding-hindi natin siya malilimutan.
Nalulungkot ang buong konseho sa pangyayari, ngunit higit dito, pinipili ng UP Diliman USC na buong tapang at buong tatag na ipagpatuloy ang laban para sa hustisyang panlipunan at katarungan para sa lahat ng biktima ng pasismo ng kasalukuyang nabubulok na estado.
Hanggaโt hindi nabibigyan ng solusyon ang ugat ng kahirapan, marami pa ang katulad ni Alyssa na handang pag-aralan ang lipunan at magiging handang ipaglaban ang isang lipunang malaya sa pagsasamantala. Hinding-hindi mapuputol ang diwa ni Alano sa malawak na hanay ng mga Iskolar ng Bayan na pahihigpitin pa lalo ang pagkakaisa para tuluyang magapi ang isang sistema ng lipunang mapang-api at mapagsamantala.
Iskolar ng Bayan, ipagpatuloy natin ang militanteng diwa ni Alyssa Alano!
Tumindig tayo, kasama ang bawat Iskolar ng Bayan, komunidad ng UP, at mamamayang Pilipino para sa tunay na kalayaan, katarungan, at hustisyang panlipunan!
Sumandig tayo sa laban ng mga magsasaka at lahat ng masang-api! Palakasin natin ang boses at pwersang yayanig sa sistemang mapang-api!
Alyssa, ang iyong buhay ay mananatiling isang maningning at matalas na tanglaw para sa bawat Iskolar ng Bayan, na patuloy na mangahas na makibaka at paglingkuran ang sambayanan!
Hustisya para kay Alyssa Alano!
Uphold International Humanitarian Law!
Militar sa Kanayunan, Palayasin!
Inutang na Dugo ng Pasistang Rehimen, Singilin, Singilin, Pagbayarin!