PRDP MIMAROPA

PRDP MIMAROPA The official page of the MIMAROPA Regional Project Coordination Office under DA-PRDP

๐๐‘๐ƒ๐, ๐Š๐š๐ญ๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ข๐ ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐  ๐Ž๐ง๐ข๐จ๐ง ๐‘๐จ๐š๐๐ฆ๐š๐ฉ ๐ฌ๐š ๐Œ๐ˆ๐Œ๐€๐‘๐Ž๐๐€Aktibong naki-bahagi ang PRDP MIMAROPA sa Onion Roadmap Upda...
28/08/2026

๐๐‘๐ƒ๐, ๐Š๐š๐ญ๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ข๐ ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐  ๐Ž๐ง๐ข๐จ๐ง ๐‘๐จ๐š๐๐ฆ๐š๐ฉ ๐ฌ๐š ๐Œ๐ˆ๐Œ๐€๐‘๐Ž๐๐€

Aktibong naki-bahagi ang PRDP MIMAROPA sa Onion Roadmap Updating Workshop na pinangunahan ng High Value Crops Development Program (HVCDP) nitong ika-25 hanggang ika-27 ng Agosto, 2026 sa San Jose, Occidental Mindoro.




27/08/2026

| Pakinggan ang panayam kay Governor ED Gadiano Occidental Mindoro tungkol sa proyektong kalsada na ginawaran ng No Objection Letter 1 ni DA Sec. Francisco P. Tiu Laurel, Jr. noong Agosto 17, 2026. Nagkakahalagang Php202.28M, ang proyektong Upgrading/Concreting of JNR Kabangkalan - So. Guitong, Brgy. Pagasa - Brgy. Ilvita - Brgy. Claudio Salgado Farm-to-Market Road sa bayan ng Sablayan ay magbibigay ng ginhawa sa mga residente at magsasaka ng tatlong barangay na dadaanan nito.

๐๐ซ๐จ๐ฒ๐ž๐ค๐ญ๐จ๐ง๐  ๐…๐Œ๐‘ ๐ฌ๐š ๐Ž๐œ๐œ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ, ๐†๐ข๐ง๐š๐ฐ๐š๐ซ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐Ž๐‹๐ŸPormal na ginawaran ng No Objection Letter 1 (NOL1) ang proyekton...
17/08/2026

๐๐ซ๐จ๐ฒ๐ž๐ค๐ญ๐จ๐ง๐  ๐…๐Œ๐‘ ๐ฌ๐š ๐Ž๐œ๐œ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ, ๐†๐ข๐ง๐š๐ฐ๐š๐ซ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐Ž๐‹๐Ÿ

Pormal na ginawaran ng No Objection Letter 1 (NOL1) ang proyektong Upgrading/Concreting of JNR Kabangkalan - So. Guitong, Brgy. Pagasa - Brgy. Ilvita - Brgy. Claudio Salgado Farm to Market Road ngayong araw, ika-17 ng Agosto, 2026 sa DA Central Office, Quezon City.




๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ-๐—ฏ๐—ถ๐—ฑ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ โ‚ฑ ๐Ÿฐ๐Ÿฌ๐Ÿณ๐—  ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ธ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฅ๐——๐—ฃ, ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ12 Agosto 2026,...
12/08/2026

๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ-๐—ฏ๐—ถ๐—ฑ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ณ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ โ‚ฑ ๐Ÿฐ๐Ÿฌ๐Ÿณ๐—  ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ธ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฅ๐——๐—ฃ, ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ

12 Agosto 2026, Lungsod ng Calapan - Bago ang pormal na pagbubukas at pagsasagawa ng bidding para sa konstruksyon ng Php 407,461,000.00 Merit-Concepcion, Victoria-Ma. Concepcion-Happy Valley-Bugtong na Tuog, Socorro Farm-to-Market Road (FMR) with Bridge, isinagawa ang pre-bidding conference ngayong ika-12 ng Agosto sa Provincial Administrator's Conference Hall sa Kapitolyo.

Ang proyektong ito ay nakapaloob sa Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-up ng Department of Agriculture (DA) na layong mapadali at mabawasan ang gastos sa pagdadala ng mga produktong agrikultural ng mga magsasaka patungong pamilihan, maibenta ang mga produkto sa tama at makataong presyo at mapabilis ang akses ng pamayanan sa mga tulong ng pamahalaan sa mga malalayong barangay.

Sa pagpupulong, ipinaliwanag at binigyang-linaw ni BAC Chairperson at Provincial Administrator (PA) Atty. Earl Ligorio R. Turano II sa mga dumalong prospective bidder ang mahahalagang detalye ng bidding documents, mga itinakdang procurement requirement at kondisyong dapat isaalang-alang sa paghahanda at pagsusumite ng kanilang mga bid.

Ito ay alinsunod sa umiiral na procurement laws at regulasyon ng World Bank ukol sa procurement bago ang implementasyon ng proyekto.

Ayon pa kay PA Turano, ito ang isa sa pinakamalaking procurement project ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang DA, kung kaya't mahigpit aniyang susubaybayan ng Pamahalaang Panlalawigan ang konstruksyon nito hanggang sa matapos. Sa ganitong paraan, maititiyak aniya, na angkop at naaayon ang proyekto sa mismong engineering design nito.

Samantala kasama sa pagpupulong ang mga kinatawan ng PRDP, mga kawani ng Bids and Awards Committee (BAC) sa pangunguna ni BAC Secretariat at Administrative Officer V ng Procurement Division Engr. Jollie Ver Lasic, BAC Vice Chairperson Romeo L. Paner, mga BAC member na sina Special Concerns Division (SCD) Head Junielo P. Alcuran, Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Officer Vinscent B. Gahol at Management Information Division (MISD) Head Reywel M. Dela Roca, kinatawan mula sa Provincial Engineering Office (PEO) at Provincial Agriculture Office (PAgO).

๐ƒ๐š๐ ๐๐š๐  ๐ง๐š โ‚ฑ๐Ÿ—๐Ÿ—.๐Ÿ—๐Œ ๐ง๐š ๐’๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐ข๐›๐ฎ๐ฒ๐š๐ฌ, ๐€๐ฉ๐ซ๐ฎ๐›๐š๐๐จ ๐ฌ๐š ๐Ž๐œ๐œ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จAprubado ng RPAB MIMAROPA ang karagdagang โ‚ฑ99.9 mi...
31/07/2026

๐ƒ๐š๐ ๐๐š๐  ๐ง๐š โ‚ฑ๐Ÿ—๐Ÿ—.๐Ÿ—๐Œ ๐ง๐š ๐’๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐ข๐›๐ฎ๐ฒ๐š๐ฌ, ๐€๐ฉ๐ซ๐ฎ๐›๐š๐๐จ ๐ฌ๐š ๐Ž๐œ๐œ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ

Aprubado ng RPAB MIMAROPA ang karagdagang โ‚ฑ99.9 milyong suporta sa sibuyas sa Lalawigan ng Occidental Mindoro sa pamamagitan ng Scale-Up I-REAP subproject na โ€œOnion Consolidation and Post-Harvest Complexโ€ para sa PAG-ASA Multi-Purpose Development Cooperative (PMPDC).




Anong gulay ang mayaman sa antioxidants at karaniwang ginagamit bilang pampalasa sa iba't ibang putahe kasama ang bawang...
24/07/2026

Anong gulay ang mayaman sa antioxidants at karaniwang ginagamit bilang pampalasa sa iba't ibang putahe kasama ang bawang at kamatis? โ€˜Yan ang sibuyas ng Occidental Mindoro!

Para sa mas marami pang kaalaman tungkol sa superfood na ito at kung paano ito maayos na pangalagaan habang kinokonsidera ang kalikasan, maaaring bisitahin ang Regional Agri-Fisheries Investment Portfolio ng MIMAROPA Region mula sa link na ito: https://tinyurl.com/RAFIP4B

Makikita rin sa RAFIP ang kabuuang sitwasyon ng sibuyas sa MIMAROPA, ang mga investment packages, at ang mga aksyon sa pagsuporta ng pagpapalago ng industriya nito.

Tandaan, ang nutrisyon at kalikasan, pareho nating kailangan.
Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!


Ayon kay Guillermo Calagos, Jr., malaki ang naging pagbabago sa araw-araw na pamumuhay nilang mga katutubo buhat nang ma...
23/07/2026

Ayon kay Guillermo Calagos, Jr., malaki ang naging pagbabago sa araw-araw na pamumuhay nilang mga katutubo buhat nang mabuksan ang ๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐ ๐‚๐จ๐ง๐ซ๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐๐ฎ๐ค๐š๐ง๐  ๐‹๐ข๐ฐ๐š๐ฒ๐ฐ๐š๐ฒ โ€“ ๐Œ๐š๐ค๐š๐ง๐๐ซ๐ข๐ง๐  ๐…๐Œ๐‘ sa Puerto Princesa City.

Basahin ang buong kwento, kasama ang iba pang mga kwento ng tagumpay ukol sa implementasyon ng Social and Environmental Safeguards ng DA-PRDP, sa link na ito: https://heyzine.com/flip-book/1c8c6c8fb9.html /1


Para kay Melquiades Abrena, isang mamamayan ng Barangay Simpokan, hindi lamang ang pagpapabilis ng daloy ng produkto ang...
22/07/2026

Para kay Melquiades Abrena, isang mamamayan ng Barangay Simpokan, hindi lamang ang pagpapabilis ng daloy ng produkto ang nai-dulot ng ๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐ ๐‚๐จ๐ง๐œ๐ซ๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐๐ฎ๐š๐ฅ-๐๐ฎ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐…๐Œ๐‘ sa kanilang mga katutubo. Sa pamamagitan ng ๐ˆ๐ง๐๐ข๐ ๐ž๐ง๐จ๐ฎ๐ฌ ๐๐ž๐จ๐ฉ๐ฅ๐ž (๐ˆ๐) ๐๐ฅ๐š๐ง na kalakip ng proyekto, nagkaroon din ang mga katutubo ng dagdag na kaalaman at kabuhayan na nakatulong sa pagpapagaan ng kanilang pamumuhay.

Basahin ang buong kwento, kasama ang iba pang mga kwento ng tagumpay ukol sa implementasyon ng Social and Environmental Safeguards ng DA-PRDP, sa link na ito: https://heyzine.com/flip-book/1c8c6c8fb9.html /1


Address

Quezon City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63283328738

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PRDP MIMAROPA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to PRDP MIMAROPA:

Shortcuts

Share