14/05/2026
ISKOLAR NG BAYAN, LABANAN ANG BULOK NA SISTEMA!
Walang lockdown o timeout para sa mga kabataan, mga lider-estudyante, mga mahihirap, mga magsasaka na pinagpapatay ng salot na AFP at PNP. Samantalang sa mala-sirkus na galawan ng Senado, biglang may due process na nalalaman. Ganyan ang taktika ng mga nasa tuktok upang protektahan ang kapwa nilang naghaharing-uri!
Harap-harapan na tayong binabalahura habang tayo ay naghihikahos gawa ng pababa nang pababa na sahod at pagtaas ng presyo! Hindi ito sitcom o improv, totoong buhay ang nakasalalay sa bawat baryang nilulustay at balang pinapaulan sa naghihirap na mamamayan.
Sa isang mapagpalayang lipunan, walang lusot sina Bato Dela Rosa, Sara Duterte, at Marcos Jr. Taumbayan ang magpapasya!
Kaya Iskolar ng Bayan, sumama sa pagkilos!
๐ May 14 | 12 NN | AS Steps
Tama na ang palabas sa kapangyarihan! Tama na ang bangayan ng mga nasa tuktok habang ang taumbayan ang naghihirap!
Oras na para panagutin ang mga may sala sa karahasang naghasik ng takot at kamatayan sa ilalim ng war on drugs at iba pang anyo ng state violence. Oras na para igiit ang hustisya, hindi ang proteksyon ng iilan.
Habang patuloy ang krisis sa loob ng mga institusyong dapat sanaโy tagapagtaguyod ng katarungan, mas lalong lumilinaw: bulok ang sistemang inuuna ang kapangyarihan kaysa buhay ng mamamayan.
Kaya sa kabataan at sambayananโmagkaisa, kumilos, lumaban! Hindi tayo mananahimik habang ang hustisya ay ginagawang laro ng makapangyarihan!
ISKOLAR NG BAYAN, LABANAN ANG BULOK NA SISTEMA!
Sumama sa pagkilos! May 14, 12 NN sa Vinzons Hall!