21/09/2026
๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ ๐๐๐๐๐ก, ๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ ๐๐ข๐ฅ๐๐๐ง. ๐๐ก๐๐๐ก๐ฌ๐๐ฅ๐ข ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก, ๐ง๐จ๐๐ข๐ฌ-๐ง๐จ๐๐ข๐ฌ ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ก!
Nagkakaisang Pahayag ng mga Inhinyero ng Bayan sa Ika-54 na Anibersaryo ng Pagdeklara ng Batas Militar
Limampuโt apat na taon na ang lumipas mula nang iproklama ni Ferdinand E. Marcos Sr. ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972, na nagbukas ng isa sa mga pinakamadilim na yugto ng kasaysayan ng Pilipinas. Sa ilalim ng kanyang diktadura, libu-libong Pilipino ang dumanas ng pagpatay, tortyur, sapilitang pagkawala, ilegal na pagkakulong, at iba pang malulubhang paglabag sa karapatang pantao.
Ngunit sa 54 na taon, nananatiling buhay ang bangungot ng nakaraan. Sa muling pag-upo ng isang Marcos sa Malacaรฑang, nasasaksihan natin ang pagpapatuloy ng mga suliraning matagal nang ipinapasan sa bayan: korapsyon, pang-aabuso sa kapangyarihan, pagpapabaya sa batayang serbisyo, at mga patakarang inilalayo ang estado sa tunay na pangangailangan ng mamamayan.
Isang taon matapos pumutok ang dambuhalang iskandalo ng flood control projectsโkung saan bilyon-bilyong pera mula sa kaban ng bayan ay napunta sa iilang kontraktor, patuloy na lumulubog sa baha ang mga komunidad. Bagamaโt kinakailangan ang suspensyon ng klase bilang agarang tugon sa panganib ng pagbaha, nananatili itong panakip-butas kung hindi sasabayan ng maagap at mabilis na pagpapatupad ng mga pangmatagalang solusyon sa krisis sa klima at pagbaha, na patuloy namang hinahadlangan ng burukratikong red tape at mabagal na pagpapatupad sa mga kinakailangang proyekto.
Habang nililitis si Bise Presidente Sara Duterte kaugnay ng mga alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds at iba pang paglabag, ibinasura nitong Setyembre ng Korte Suprema ang pitong graft convictions laban kay dating First Lady Imelda Marcos kaugnay ng kanyang financial interests sa mga Swiss foundations noong panahon ng diktadurang Marcos Sr. Bagamaโt nakaugat sa mga seryoso at lehitimong akusasyon ang mga kasong kinakaharap ng mga naghaharing dinastiya, at nararapat lamang na dumaan ang mga ito sa wastong proseso ng batas, kapansin-pansing nagiging magkaibang mukha ng pananagutan ang mga kasong kinakaharap ng mga dinastiyang Duterte at Marcos: may mga kasong itinutuloy laban sa isa, habang nababasura naman ang mga hatol laban sa isa pa. Sa halip na maging pantay na mekanismo ng hustisya, nananatiling larangan ng pag-aagawan ng kapangyarihan ng mga naghaharing pamilya ang mga institusyon ng estado, habang patuloy na dinaranas ng mamamayan ang korapsyon, implasyon, at mga krisis sa lipunan.
Ngunit kaysa tugunan ang mga suliranin ng Pilipinas, ipinapasok pa ng administrasyong Marcos Jr. ang bansa sa imperyalistang hidwaan ng Amerika at Tsina sa inisyatibang Pax Silica. Ang paglalapit ng ating semiconductor at critical mineral supply chains sa heopolitikal na interes ng US ay nagbabanta sa ating pambansang soberanya, kung saan ginagawa tayong mapagkukunan ng murang lakas-paggawa at bagsakan ng dayuhang kapital. Higit sa lahat, ang kawalan ng pananagutan sa pagpapatupad ng mga iresponsableng pagmimina at proyektong pang-imprastruktura ang nagpapanganib sa lupang ninuno ng mga katutubo at kabuhayan ng mga magsasaka.
At habang ipinapangako ang kaunlaran sa ngalan ng pribatisasyon, ang tugon ng estado sa mga kumukuwestiyon sa mga patakarang ito ay muling nauuwi sa panunupil. Noong Setyembre 10, limang paralegal, kabilang ang dalawang estudyante ng UP, ang inaresto sa isang protesta laban sa Pax Silica sa Luzon Economic Corridor Forum sa Taguig. Sa panahong dapat malayang nakikilahok ang mga kabataan sa mga usaping panlipunan, ang pagkulong sa mga estudyanteng nagpapahayag ng pagtutol ay muling nagpapaalala sa pasistang makinarya na ginamit upang patahimikin ang mga kabataan noong Batas Militar. Kung dala na natin ang mga aral ng kasaysayan, hahayaan ba nating muli itong mangyari?
Sa gitna ng lahat ng ito, malinaw ang tungkulin ng inhinyeriya sa lipunan. Hindi dapat magsilbi ang ating kaalaman sa interes ng iilan habang napapabayaan ang kapakanan ng nakararami. Dapat gamitin ang agham at teknolohiya upang itaguyod ang pambansang industriyalisasyon, paunlarin ang sariling kakayahan ng bansa, at higit sa lahat, maglingkod sa soberanong sambayanang Pilipino.
Kaisa ng lahat ng sektor ng lipunan sa paggunita ng ika-54 na taon ng Batas Militar, nanawagan ang mga inhinyero ng bayan:
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐!
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐. ๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐!