UP Diliman College of Science Student Council

UP Diliman College of Science Student Council Tuloy ang daluyong ng paglaban. Pwersa ng masa ang sandigan.

, Siyentista ng Bayan!

The College of Science Student Council (CSSC) is the highest student governing body in the College of Science, mandated by the students to serve the UP community to the best of its ability. Since its inception, the CSSC has been at the forefront of addressing the concerns and the welfare of the College of Science and the UP Community. As โ€œmga Iskolar ng Bayan,โ€ the council has taken various forms of advancing the rights and welfare of the students and of the college.

โš ๏ธ ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—œ๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ๐—ง: ๐—ง๐—ต๐—ถ๐˜€ ๐—ถ๐˜€๐—ป'๐˜ ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—–๐—ฆ ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฒ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐—”๐—ง ๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ!๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฆ ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฒ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป? ๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป...
18/08/2026

โš ๏ธ ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—œ๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ๐—ง: ๐—ง๐—ต๐—ถ๐˜€ ๐—ถ๐˜€๐—ป'๐˜ ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—–๐—ฆ ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฒ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐—”๐—ง ๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ!

๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฆ ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฒ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป? ๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜...

The CS Freshie Month has been a staple in the flagship events of CSSC to welcome the new โ€˜Siyentista ng Bayanโ€™ and help them prepare on their stay on the College of Science.

However, due to the continuous heavy rainfall, two of the eventsโ€”CS Freshie Tour and Freshie Welcome Assemblyโ€”have already been cancelled and postponed, respectively.

For Filipinos, typhoons and the rainy season are nothing new. The habagat season lasts from May to October, and on top of this, the Philippines sits on the Pacific ring of fire and the western Pacific typhoon belt, which makes it a disaster-prone country.

Despite this, city roads continue to be swamped by floodwaters every year, public schools continue to serve as evacuation centers, class suspensions cause the education system to stagnate, and flood control and other typhoon-resilient projects remain unfinished.

After more than two weeks of persistent heavy rains, the death toll already spiked up to two digits and millions of Filipinos are still heavily affected by it.

Faced with these consequences, how did our government respond to it?

Students and parents carry the inconvenience of delayed suspension of classes from different local government units. Some wake up early and travel hours to attend face-to-face classes before LGUs announce the suspension. This is a blatant example of the government's inadequate disaster response and lack of urgency, which wastes students' time and energy and also puts their health at risk.

Due to several days of suspended classes, the education system remains stagnant. Students are now left with insufficient time to learn inside their classrooms as a result of these suspensions. Despite this, the government has done nothing but underfund the education sector, further impairing our students with inadequate study materials and subpar classrooms.

The transition to renewable energy does not only uproot the communities where the large-scale projects will be built, but is also detrimental to the environment. One example is the MTerra Solar Project that will flatten 3,500 hectares of productive farmland owned by farmers from Nueva Ecija and Bulacan. Another example is the massive tree-cutting along Quirino Avenue for the Southern Access Link Expressway (SALEx), which will undoubtedly result in significant soil erosion and quick flooding. Land-use conversion at the expense of displaced communities and the environment under the pretense of โ€˜urbanizationโ€™ and โ€˜clean energy transitionโ€™ will never be regarded as a โ€˜justโ€™ transition.

The Philippine government continues to enter into agreements with the imperialist United States through initiatives like the Pax Silica, which are clearly harmful to our environment. It is obvious that Pax Silica is yet another imperialist strategy used by the US to exhaust our natural resources and level our mountains and farmlands for their own interestsโ€”and our government is complicit.

While the Filipinos drown in torrential rains, the government has done nothing, period.

Instead of helping us in recovering from these disasters, they continue to plunge us into poverty and despair, leaving us on our own feet, normalizing resiliency instead of accountability. Their โ€˜out-of-touchโ€™ remarks show how less of a priority the Filipino people are to themโ€”they donโ€™t care.

As you may have noticed, this post was nothing about the CS Freshie Month at all.

As Siyentista ng Bayan, we must be vigilant, not only on how these disasters move, but also with how our reactionary government respond to its effects

We have the greater responsibility of monitoring the budget for education, defending our environment, and resisting tyranny and imperialism.




๐’๐“๐„๐Œ ๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐”๐๐ˆ๐“๐˜, ๐’๐”๐Œ๐€๐Œ๐€ ๐’๐€ ๐…๐ˆ๐‘๐’๐“ ๐–๐„๐„๐Š ๐‘๐€๐†๐„!Sa pagbubukas ng panibagong akademikong taon, ipakita natin ang laksa-laksang ...
12/08/2026

๐’๐“๐„๐Œ ๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐”๐๐ˆ๐“๐˜, ๐’๐”๐Œ๐€๐Œ๐€ ๐’๐€ ๐…๐ˆ๐‘๐’๐“ ๐–๐„๐„๐Š ๐‘๐€๐†๐„!

Sa pagbubukas ng panibagong akademikong taon, ipakita natin ang laksa-laksang pwersa ng mga Iskolar ng Bayan upang ipaglaban ang karapatan sa edukasyon at wakasan ang imperyalismo!

Sa unang linggo pa lamang ng klase, sakuna at kalamidad na agad ang sumalubong sa mga Iskolar ng Bayan. Sa halip na maagap na pagtugon, muling lumitaw ang kabulukan at katiwaliang namamayani sa gobyernoโ€”mula sa mga huwad na flood control projects at kawalan ng pananagutan sa korapsyon, hanggang sa patuloy na pagpapakatuta nito sa imperyalistang US. Malinaw na ang paghihirap na dinaranas ng mamamayang Pilipino ay hindi simpleng bunga ng kakulangan nila sa kahandaan, kundi resulta ng kapabayaan at kabiguan ng rehimeng Marcos Jr. na tugunan ang tunay na pangangailangan ng sambayanan.

Isang taon na rin ang lumipas mula nang malantad ang korap at bulok na sistema sa anyo ng ghost flood control at substandard infrastructure projects, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring mga tunay na napapanagot, lalo na ang hari at reyna ng korapsyon na sina Marcos Jr. at Sara Duterte. Samantala, patuloy namang isinasantabi ang karapatan ng kabataang Pilipino sa libre at dekalidad na edukasyon dahil patuloy nating kinakaharap ang mga budget cuts, kakulangan sa batayang serbisyo, at kakulangan sa espasyo sa pamantasan.

Patuloy rin na ginagamit ang agham at teknolohiya para sa pansariling interes ng mga naghaharing uri at ng imperyalistang US, sa pamamagitan ng mga proyektong gaya ng Pax Silica Initiative at bantang pagtatayo ng nuclear microreactors sa UP Diliman ng Valar Atomics.

Kaya sa pagbubukas ng panibagong taon, sama-sama nating ipaglaban ang ating karapatan sa edukasyon, at ang pagsulong ng agham at teknolohiya na tunay na nagsisilbi sa sambayanan. Iskolar ng Bayan, lumabas ng mga silid-aralan at sumama sa First Week Rage!

๐Ÿ—“๏ธAugust 14, 2026
๐Ÿ“10:00 AM: Local College Snake Rallies
๐Ÿ“10:30 AM: Cluster Programs @ CS Library
๐Ÿ“11:30 AM: UPD Program @ Palma Hall

Sumali sa Coord GC: https://m.me/j/AbaqQKe8jA9_zMxR/?send_source=gc:copy_invite_link_c

๐ˆ๐’๐Š๐Ž๐‹๐€๐‘ ๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐, ๐†๐€๐–๐ˆ๐๐† ๐€๐‘๐Œ๐€๐’ ๐€๐๐† ๐€๐†๐‡๐€๐Œ ๐‹๐€๐๐€๐ ๐’๐€ ๐ˆ๐Œ๐๐„๐‘๐˜๐€๐‹๐ˆ๐’๐Œ๐Ž! ๐’๐ˆ๐๐†๐ˆ๐‹๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐‘๐„๐‡๐ˆ๐Œ๐„๐๐† ๐”๐’-๐Œ๐€๐‘๐‚๐Ž๐’-๐ƒ๐”๐“๐„๐‘๐“๐„ ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐˜๐€๐€๐ ๐€๐“ ๐๐€๐†๐Š๐€๐’๐ˆ๐‘๐€ ๐๐† ๐Š๐€๐‹๐ˆ๐Š๐€๐’๐€๐!



ASDANG UG MAKIGBISOG!MAKIGBISOG, โ€˜DI MAHADLOK!Nakiisa at dumalo ang mga delegado ng UP Diliman College of Science Studen...
12/08/2026

ASDANG UG MAKIGBISOG!
MAKIGBISOG, โ€˜DI MAHADLOK!

Nakiisa at dumalo ang mga delegado ng UP Diliman College of Science Student Council (CSSC) na sina Toffee Galolo at James Jaso sa ika-50 na National Congress ng KASAMA sa UP at ika-61 na General Assembly of Student Councils mula Agosto 3-8 sa UP Mindanao.

Bitbit ng UPD CSSC ang kampanya laban sa mga proyekto ng imperyalistang Estados Unidos (US) na nagbabanta sa pangangamkam sa lupain ng ating bansa at ng mismong pamantasan natin. Matagumpay na naipasa ang GASC Resolution 2026-026 โ€œA RESOLUTION MOBILIZING THE GENERAL ASSEMBLY OF STUDENT COUNCILS TO INTENSIFY THE ANTI-IMPERIALIST CAMPAIGN AGAINST U.S.-MARCOS JR. PLUNDER AND WAR, THEREBY OPPOSING PAX SILICA, THE PROPOSED MODULAR REACTOR IN UP LAND, THE U.S. MILITARY OIL DEPOT IN MINDANAO, AND OTHER U.S.-LED MILITARY-INDUSTRIAL INITIATIVES,โ€ isang malawak at matulis na anti-imperyalistang resolusyon na naglalayong pagbigkisin ang mga konseho sa buong UP system at palakasin ang kampanya laban sa imperyalismo at sa papet na rehimeng Marcos Jr.

Ilan sa mga proyekto ng US na saklaw sa resolusyong ito ay ang Pax Silica, pagtatayo ng modular reactor sa lupain ng UP Diliman na gawa ng Valar Atomics, oil depot sa Mindanao, MTerra Solar Project, at iba pang mga proyekto at inisyatibang pinapangunahan ng US na tahasang ginagamit ang mga likas na yaman at mayaman at matabang lupain ng ating bansa para sa kanilang ganansya.

Sa walang tigil na panghihimasok ng imperyalistang US sa ating bansaโ€”mula sa mga hindi pantay na tratado tulad ng Mutual Defense Treaty hanggang sa mga megaprojects tulad ng Pax Silicaโ€”mananatiling mapagmatyag at mapangahas na susulong at makikibaka ang mga Siyentista ng Bayan, hanggang sa tagumpay!



MAKE SCIENCE AND TECHNOLOGY, SERVE THE PEOPLE!DAGDAG NA PONDO SA MGA LABORATORYO!CONVICT SARA NOW!REJECT PAX SILICA!Unan...
11/08/2026

MAKE SCIENCE AND TECHNOLOGY, SERVE THE PEOPLE!
DAGDAG NA PONDO SA MGA LABORATORYO!
CONVICT SARA NOW!
REJECT PAX SILICA!

Unang linggo pa lang ng pang-akademikong taong 2026-2027 subalit sakuna at kalamidad ang sumalubong sa mga Iskolar ng Bayan. Hindi man bago ang taunang pag-ulan sa komunidad ng UP, ngunit sa bawat taong lumilipas ay nararanasan natin ang paglala ng mga ito.

Habang patuloy ang pagbaha sa ibaโ€™t ibang mga lugar, paglubog ng mga kabahayan sa ating mga komunidad, at pagkawala ng kuryente sa ating mga dormitoryo, nananatiling walang ginagawa ang mga nasa tuktok. Ang mga karanasang ito ay hindi hiwalay sa danas ng buong sambayanang Pilipino.

Katumbas ng bawat patak ng ulan ang katiwalian na nangyayari sa loob ng ating gobyerno. Mula sa mga huwad na flood control projects, sa walang pananagutan ng hari at reyna ng korapsyon na sina Marcos Jr. at Sara Duterte, hanggang sa pandarambong ng imperyalistang US. Ang bawat buhay na nawawala ay hindi bunsod ng kawalan ng kahandaan ng mga Pilipino, kundi dahil sa kanilang kapabayaan.

Nakalipas na ang isang taon mula nang pumutok ang isyu ng korapsyon sa SONA ni Marcos Jr., ngunit wala pa ring napapanagot hanggang ngayon. Kung mayroon mang pag-unlad, ito ang pagdami ng mapanirang proyekto ng gobyerno sa ating kalikasan upang patabain lang lalo ang bulsa ng iilan.

Kung kaya't, bumagyo man o umaraw, may pasok man o wala, buhay ang diwang palaban ng mga Iskolar ng Bayan.

SINGILIN ANG REHIMENG US-MARCOS SA KAPABAYAAN, KALAMIDAD, AT PAGSIRA NG KALIKASAN!




  | Call for Donations and VolunteersIn light of  , the College of Science Student Council, together with the UP Diliman...
10/08/2026

| Call for Donations and Volunteers

In light of , the College of Science Student Council, together with the UP Diliman University Student Council (UPD USC), are calling for donations for those affected in the Brgy. UP Campus area.

For UPD students, you may refer to your local college council for urgent needs, or access the sensing form for organized by the UPD USC: https://tinyurl.com/IskoOpsMaymayPHSensing

For urgent concerns and Volunteers, contact USC CSAW Councilor, Thirdy Tolentino:
๐Ÿ“ž (0927) 285 9051
๐Ÿ”— facebook.com/ekulolewl
๐Ÿ”— https://tinyurl.com/IskoOpsVolunteersCoordGC

Transparency report for Donations may be accessed through this link:
๐Ÿ”— https://tinyurl.com/MaymayIskoOpsDonations

๐Ÿ“Œ Emergency Hotlines:
โ€ข Brgy. UP Campus Hotline: 09957219867
โ€ข Quezon City: 122, 8988-4242 loc. 8038, 0947 885 9929, 0947 884 7498
โ€ข CMO Quick Response Team: 09777841234
โ€ข UP Diliman Police: 8928-3615

REHIMENG US-MARCOS-DUTERTE, ISANG ENGRANDENG CIRCUS SHOW!Militanteng nakiisa ang UP Diliman College of Science Student C...
05/08/2026

REHIMENG US-MARCOS-DUTERTE, ISANG ENGRANDENG CIRCUS SHOW!

Militanteng nakiisa ang UP Diliman College of Science Student Council sa mga pagkilos sa State of the Nation Address (SONA) ng Bayan, noong ika-27 ng Hulyo. Sa temang โ€œMala-Circus na Gobyerno,โ€ binatikos ng mga kabataang siyentista at makakalikasan ang rehimeng Marcos-Duterte sa apat na taong panlilinlang, korapsyon, at pagpapahirap sa sambayanang Pilipino. Hindi rin nakatakas sa kanila ang patuloy na pagiging papet at sunud-sunuran ni Marcos Jr. sa Estados Unidos, na pumapanganib sa ating kalikasan at soberanya.

Isang taon nang pumutok ang isyu sa korapsyon at maanomalyang flood control projects at nang sinabi mismo ni Marcos Jr. ang โ€œmahiya naman kayoโ€ bilang direktang patama sa mga sangkot sa korapsyon sa gobyerno. Isang taon na rin ang lumipas at wala pa ring nahuhuling sangkot, at nananatiling malaya ang mga korap na nagnakaw sa kaban ng bayan. Higit sa lahat, hindi pa rin nalilitis at napapanagot si Sara Duterte, ang reyna ng korapsyon. Bukod pa diyan, nananatiling mastermind sa panlilinlang at panloloko si Marcos Jr., kung kayaโ€™t patuloy na naghihirap ang sambayanang Pilipino.

Hinding-hindi rin makakatakas mula sa hanay ng mga kabataang siyentista ang ringmaster ng lahat ng ito: ang imperyalistang Estados Unidos (US). Mula sa mga hindi pantay na tratado, sa Visiting Forces Agreement (VFA), Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), at sa Valar Atomics, tuloy-tuloy pa ring umaarangkada ang panghihimasok ng US sa pamamagitan ng mga proyekto, tulad ng Pax Silica. Sa bansag na puppeteer, patuloy na kinokontrol ng US ang ating gobyerno gamit ang papet niyang si Marcos Jr. at ilang mga lokal na naghaharing uri. Ang Pax Silica ay hindi lamang kasunduang pinapangako ang kaunlaran ng Pilipinasโ€”isa rin itong malaking dagok at banta sa soberanya ng Pilipinas.

Hanggaโ€™t patuloy na pinapaikot ng rehimeng Marcos Jr. at Sara Duterte ang taumbayan, at hanggaโ€™t nakatali ang Pilipinas sa kuwerdas ng imperyalistang US, mananatiling laruan at katatawanan ang sambayanang Pilipino sa kanilang mga kamay. Sa panahong ginagawang biro ang panunungkulan sa gobyerno at negosyo ang serbisyo publiko, higit kailanman ay kinakailangan ang makabayan, siyentipiko, at militanteng pakikibaka ng mamamayan.

Patuloy na dadami ang makikibaka sa lansangan hanggaโ€™t nanatiling hindi tinutugunan ng rekasyunaryong estado ang ugat ng kahirapan, kawalan ng hustisya, at pagsasamantala. At habang nagpapatuloy ang pamamasista, panunupil, at pag-atake sa mga estudyante at mamamayang nagsusulong ng kanilang demokratikong karapatan, lalo lamang nitong pinatitibay ang panawagan para sa pambansang soberanya at paglaya ng lipunan.


AGHAM PARA SA BAYAN, HINDI PARA SA TUBO: TINDIG NG STEM ORGANIZATIONS SA PEOPLE'S SONA 2026Sa gitna ng patuloy na pagbub...
28/07/2026

AGHAM PARA SA BAYAN, HINDI PARA SA TUBO: TINDIG NG STEM ORGANIZATIONS SA PEOPLE'S SONA 2026

Sa gitna ng patuloy na pagbubulag-bulagan at marangyang pagtatanghal ng naghaharing uri sa State of the Nation Address, nagmartsa ang UPD - STEM kasama ang masang Pilipino upang ilantad ang tunay na kalagayan ng bayan. Habang ipinagmamalaki ng administrasyon ang huwad na "Bagong Pilipinas" sa diumano'y modernisasyon, nananatiling baon sa kahirapan ang sambayanang Pilipino. Bilyun-bilyong piso ang nawawala sa pandarambong at katiwalian habang patuloy na ipinagkakait sa mamamayan ang sapat na pondo para sa batayang serbisyong panlipunan katulad ng edukasyon at imprastraktura. Sa ilalim ng mga patakarang neoliberal, nananatiling atrasado ang pambansang industriya at agrikultura at nananatiling palaasa ang bansa sa dayuhang kapital sa halip na paunlarin ang sariling kakayahan ng taumbayan.

Ang patuloy na pagtrato sa agham at teknolohiya bilang kasangkapan para sa tubo ng iilan ay hayag na pagtataksil sa kapakanan ng mamamayan. Ang kawalan ng disenteng kabuhayan, mababang pasahod, at laganap na kontraktwalisasyon sa mga pampublikong institusyon ay patuloy na pumipiga at nagtataboy sa ating mga siyentista, inhinyero, at mananaliksik patungong ibang bansa. Kasabay nito ang pagpapasailalim sa ating mga likas na yaman sa mga dambuhalang proyekto tulad ng mina, mega-dams, at reclamation projects ay nagbabalatkayong modernisasyon lamang na sumisira sa kapaligiran at nagpapasahol sa krisis sa klima. Ang mga patakarang ito ay nagpapatindi lamang sa pag-aasa ng Pilipinas sa dayuhang kapital habang lantarang isinusuko ang ating soberanya sa mga imperyalistang kapangyarihan.

Kasabay ng lumalalang krisis sa kabuhayan, edukasyon, at kapaligiran ay ang tumitinding pamamasismo ng estado upang patahimikin ang masang lumalaban. Lalong nagiging malinaw na ang agham ay hindi maaaring maging neutral. Ito ay dapat magsilbi sa sambayanan at maging sandata sa paglaban sa kahirapan, gutom, pagkawasak ng kalikasan, at lahat ng anyo ng pang-aapi at pagsasamantala!

Klaro ang tindig ng UPD - STEM: Hindi kami titigil hanggaโ€™t hindi napapagot ang lahat ng sangkot sa kurapsyon! Patuloy ang panawagan namin para sa tunay na makabayan, siyentipiko, at makamasang oryentasyon ng ating lipunan!

Lahat ng Sangkot, Dapat Managot Hanggang sa Tuktok! Burukrata-Kapitalismo, Ibagsak! Ipaglaban ang Sariling Atin! Imperyalismo, Ibagsak!


AGHAM PARA SA BAYAN, HINDI PARA SA TUBO: TINDIG NG STEM ORGANIZATIONS SA PEOPLE'S SONA 2026

Sa gitna ng patuloy na pagbubulag-bulagan at marangyang pagtatanghal ng naghaharing uri sa State of the Nation Address, nagmartsa ang UPD - STEM kasama ang masang Pilipino upang ilantad ang tunay na kalagayan ng bayan. Habang ipinagmamalaki ng administrasyon ang huwad na "Bagong Pilipinas" sa diumano'y modernisasyon, nananatiling baon sa kahirapan ang sambayanang Pilipino. Bilyun-bilyong piso ang nawawala sa pandarambong at katiwalian habang patuloy na ipinagkakait sa mamamayan ang sapat na pondo para sa batayang serbisyong panlipunan katulad ng edukasyon at imprastraktura. Sa ilalim ng mga patakarang neoliberal, nananatiling atrasado ang pambansang industriya at agrikultura at nananatiling palaasa ang bansa sa dayuhang kapital sa halip na paunlarin ang sariling kakayahan ng taumbayan.

Ang patuloy na pagtrato sa agham at teknolohiya bilang kasangkapan para sa tubo ng iilan ay hayag na pagtataksil sa kapakanan ng mamamayan. Ang kawalan ng disenteng kabuhayan, mababang pasahod, at laganap na kontraktwalisasyon sa mga pampublikong institusyon ay patuloy na pumipiga at nagtataboy sa ating mga siyentista, inhinyero, at mananaliksik patungong ibang bansa. Kasabay nito ang pagpapasailalim sa ating mga likas na yaman sa mga dambuhalang proyekto tulad ng mina, mega-dams, at reclamation projects ay nagbabalatkayong modernisasyon lamang na sumisira sa kapaligiran at nagpapasahol sa krisis sa klima. Ang mga patakarang ito ay nagpapatindi lamang sa pag-aasa ng Pilipinas sa dayuhang kapital habang lantarang isinusuko ang ating soberanya sa mga imperyalistang kapangyarihan.

Kasabay ng lumalalang krisis sa kabuhayan, edukasyon, at kapaligiran ay ang tumitinding pamamasismo ng estado upang patahimikin ang masang lumalaban. Lalong nagiging malinaw na ang agham ay hindi maaaring maging neutral. Ito ay dapat magsilbi sa sambayanan at maging sandata sa paglaban sa kahirapan, gutom, pagkawasak ng kalikasan, at lahat ng anyo ng pang-aapi at pagsasamantala!

Klaro ang tindig ng UPD - STEM: Hindi kami titigil hanggaโ€™t hindi napapagot ang lahat ng sangkot sa kurapsyon! Patuloy ang panawagan namin para sa tunay na makabayan, siyentipiko, at makamasang oryentasyon ng ating lipunan!

Lahat ng Sangkot, Dapat Managot Hanggang sa Tuktok! Burukrata-Kapitalismo, Ibagsak! Ipaglaban ang Sariling Atin! Imperyalismo, Ibagsak!


Sa kama-kailang ginanap na State of the Nation Address (SONA) 2026, muling umaratsada ang mga tauhan ng Philippine Natio...
28/07/2026

Sa kama-kailang ginanap na State of the Nation Address (SONA) 2026, muling umaratsada ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa panghuhuli ng mga kabataan habang mapayapang nagpoprotesta sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. Ang mga naturang indibidwal ay marahas na inaresto, kinaladkad, sinakal, at pinosasan gamit ang cable ties.

Mula sa malawak na hanay ng mga kabataang siyentista, mariing kinokondena at tinututulan ng UP Diliman College of Science Student Council ang iligal na pag-aresto ng Philippine National Police (PNP) sa 51 na indibidwal sa Feria Street, Commonwealth Avenue, sa SONA ng Bayan.

Sa patong-patong na krisis na kinakaharap ng sambayanang Pilipino, hinding-hindi mawawala ang mamamayang lumalaban sa pagpapahirap sa kanila ng estado at sa kahit na anong porma ng pagsasamantala. Imbes na huliin at ikulong ang mga sangkot sa korapsyon at pandarambong ay pilit nilang pinapasista at ginagamitan ng dahas ang mga mamamayan.

Malinaw sa atin na ang ginawa ng PNP na pagkaladkad, pagsakal, pagposas nang mahigpit gamit ang cable ties, at pag-aresto nang walang tunay at malinaw na kaso ay mismong pagtapak nila sa demomratikong karapatan ng mga mamamayan.

Kaya naman, kasama ang SONA 51, naninindigan kami na palayain ang lahat ng mga inaresto! Ang dapat na arestuhin at ikulong ay si Marcos Jr. at si Duterte, na patuloy na nilulugmok at pinapahirapan ang kalagayan ng sambayanang Pilipino.

Palayain ang lahat ng iligal na inaresto. Wakasan ang pamamsista ng estado. Ipaglaban ang ating demokratikong karapatan.



26/07/2026

Kami lang bโ€” Hindi ngani! Kasama rin kayo ๐Ÿซต sa SONA ng Bayan sa July 27! โœŠ๐Ÿง‘โ€๐Ÿ”ฌ

๐Ÿ“ 10:00 AM โ€“ STEM Action at Tandang Sora
๐Ÿ“ 12:00 PM โ€“ Program at Commonwealth Avenue
๐Ÿ“ 3:00 PM - People's SONA at New Capitol Estates

Reject Pax Silica!
Makiisa sa Peopleโ€™s SONA!
Itakwil ang papet, pasista, at pahirap na Rehimeng Marcos!
Labanan ang imperyalistang gera at pandarambong!

Bukas na ito ha, see you there! ๐Ÿ˜‰





Mga makakalikasan, siyentista at inhinyero ng bayan, makiisa at kumilos sa nalalapit na SONA ng Bayan!Hindi tayo papayag...
26/07/2026

Mga makakalikasan, siyentista at inhinyero ng bayan, makiisa at kumilos sa nalalapit na SONA ng Bayan!

Hindi tayo papayag na ang mga huwad na pangako at makadayuhang patakaran ng rehimeng Marcos Jr. ay magsilbing mitsa ng mas malalang krisis at pandarambong sa ating bansa. Habang ibinebenta ang ating likas na yaman sa ngalan ng mapanirang Pax Silica, patuloy namang isinasakripisyo ang kapakanan ng mga mamamayan at ng kalikasan!

Let us take action to defend our rights, protect our environment, and take back our future!

๐Ÿ“ 10:00 AM โ€“ STEM Action at Tandang Sora
๐Ÿ“ 12:00 PM โ€“ Program at Commonwealth Avenue
๐Ÿ“ 3:00 PM - People's SONA at New Capitol Estates

Reject Pax Silica!
Makiisa sa Peopleโ€™s SONA!
Itakwil ang papet, pasista, at pahirap na Rehimeng Marcos!
Labanan ang imperyalistang gera at pandarambong!





Address

Diliman

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Diliman College of Science Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to UP Diliman College of Science Student Council:

Shortcuts

Share