04/05/2026
Pagpupugay kay Ms. Techie!
Iginagawad ng UP Diliman kay Ms. Maria Teresita F. Mendoza, Guidance Services Specialist IV ng Office of Counseling and Guidance, ang Gawad Tsanselor sa Natatanging REPS.
Nilinang sa kalinga, siyaโy naghandog ng talino at gilas sa digitalisasyon ng counseling services, nagpalakas ng psychoeducation sa pamamagitan ng social media, at nakibahagi sa paghubog ng Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) protocol ng UP Diliman. Ang kanyang tinig ng adbokasiya ay umaabot din sa buong bansa sa pamamagitan ng Philippine Guidance Counselors Association.
Ipinagdiriwang natin ang kanyang natatanging ambag sa Lusog Isip at kapakanan ng mga mag-aaral, isang huwaran ng dangal, husay, at paglilingkod na siyang diwa ng UP.