Mother Ignacia Triskelions CC

Directions

Mother Ignacia Triskelions CC Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mother Ignacia Triskelions CC, Sorority and fraternity, 121 Mother Ignacia Brgy South Triangle, Quezon City.

HEARTFELT CONGRATULATIONS TO BARANGAY SOUTH TRIANGLE!The Mother Ignacia Triskelions proudly extends its warmest congratu...
22/09/2026

HEARTFELT CONGRATULATIONS TO BARANGAY SOUTH TRIANGLE!

The Mother Ignacia Triskelions proudly extends its warmest congratulations to Barangay South Triangle, headed by Kapitana Beverly Gaw and the Barangay Council, for receiving the Dangal ng Lungsod Award and other well-deserved recognitions for exemplary performance in various areas of barangay governance and public service.

These awards are a clear reflection of your dedication, hard work, responsible leadership, and commitment to serving the community. Your achievements in financial administration, peace and order, disaster preparedness, environmental management, health services, legislative services, and other areas are truly worthy of recognition.

May these achievements inspire everyone in Barangay South Triangle to continue working together and providing meaningful service to the community.

Once again, congratulations to Kapitana Beverly Gaw and the Barangay Council, as well as to all the barangay officials, staff, and residents who contributed to this remarkable achievement.

Congratulations and more success to Barangay South Triangle!

From:
MOTHER IGNACIA TRISKELIONS

21/09/2026
Maraming salamat po sa lahat ng mga dumalo, nakinig, at nakibahagi sa ating isinagawang Fire Prevention Seminar. Malakin...
21/09/2026

Maraming salamat po sa lahat ng mga dumalo, nakinig, at nakibahagi sa ating isinagawang Fire Prevention Seminar. Malaking bagay po ang inyong oras at pakikiisa upang maging matagumpay ang ating programa.

Ang seminar na ito ay isang magandang pagkakataon upang madagdagan ang ating kaalaman tungkol sa pag-iwas sa sunog at kung ano ang mga tamang dapat gawin upang mapanatiling ligtas ang ating mga tahanan at ang ating buong pamayanan. Nawa ay magamit natin ang mga natutuhan natin sa ating pang-araw-araw na buhay at maibahagi rin ito sa ating mga pamilya, kaibigan, at kapitbahay.

Taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa lahat ng ating mga kapitbahay na naglaan ng oras upang dumalo at makinig. Ang inyong pakikiisa ay malaking tulong upang mas maging maayos at ligtas ang ating lugar.

Maraming salamat din po sa ating mga barangay staff sa kanilang tulong at suporta sa pagsasagawa ng programa. Higit sa lahat, nagpapasalamat po tayo sa mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Laging Handa Station sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman, payo, at mga tamang paraan upang maiwasan ang sunog at maprotektahan ang ating mga sarili at ari-arian.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa mga naging bahagi at sumuporta sa ating programa:

Kapitana Beverly Gaw
Kgd. David Conanan
Kgd. Clark Victorino
Kgd. Josh Lagman
SK Chairman Jovin Santos

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, oras, at malasakit para sa kaligtasan ng ating mga kabarangay. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ating mga opisyal, kawani, BFP, at mga residente, mas mapapalakas natin ang ating kaalaman at paghahanda laban sa sunog.

Muli, maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Nawa ay patuloy tayong magtulungan, maging maingat, at maging handa sa anumang maaaring mangyari. Ang kaligtasan ng bawat isa ay responsibilidad nating lahat.

Maraming salamat po at mabuhay ang ating barangay!



19/09/2026

🫡🫡🫡

🔥 PAANYAYA SA FIRE PREVENTION SEMINAR 🔥Magandang araw po sa lahat ng residente ng 121 Mother Ignacia!Inaanyayahan po nam...
15/09/2026

🔥 PAANYAYA SA FIRE PREVENTION SEMINAR 🔥

Magandang araw po sa lahat ng residente ng 121 Mother Ignacia!

Inaanyayahan po namin ang bawat isa na makiisa at dumalo sa ating Fire Prevention Seminar sa Setyembre 20, 2026 (Linggo), ganap na alas-3:00 ng hapon, na gaganapin sa 121 Mother Ignacia, tabi ng Camelot Hotel.

Layunin po ng seminar na ito na mabigyan tayo ng dagdag na kaalaman tungkol sa pag-iwas sa sunog, tamang paggamit ng pamatay-sunog, paglikas, at mga dapat gawin kapag may sunog.

Makakasama po natin ang mga opisyal ng BFP mula sa Laging Handa Fire Station na magbibigay ng tamang kaalaman at gabay. Makikiisa rin po ang ating barangay at mga residente ng 121 Mother Ignacia.

Ang gawaing ito ay inisyatibo ng Mother Ignacia Triskelions, bilang bahagi ng aming pagtulong para sa kaligtasan ng ating komunidad.

Hinihikayat po namin ang lahat na maglaan ng oras at dumalo. Ang kaalaman at tamang paghahanda ay malaking tulong upang maiwasan ang sunog at maprotektahan ang ating pamilya, tahanan, at kapwa residente.

Sama-sama tayo para sa ligtas na komunidad!
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta. 🤝🔥

Congratulations and welcome, Brothers!Another two brothers added to the family.Welcome to MOTHER IGNACIA TRISKELIONS! 🫡🔥...
28/08/2026

Congratulations and welcome, Brothers!

Another two brothers added to the family.
Welcome to MOTHER IGNACIA TRISKELIONS! 🫡🔥

Isang Karangalan, Isang Tagumpay! 🙌🔥Isang malaking karangalan at pasasalamat ang mapabilang ang Mother Ignacia Triskelio...
22/08/2026

Isang Karangalan, Isang Tagumpay! 🙌🔥

Isang malaking karangalan at pasasalamat ang mapabilang ang Mother Ignacia Triskelions sa isa sa mga kinilalang Best Chapters of Triskelion Council of Quezon City (TCQC) 2026.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa pamunuan ng Triskelion Council of Quezon City, sa pangunguna ni Chairman Harold John “Una” Biton, MDG, sa pagkilala at pagtitiwala sa aming Chapter.

Isang mainit na Salute kay TCQC Vice Chairman Internal John Rey “Jeje” Lobiogo at TCQC Vice Chairman External Wil-Ian “Kingpin” Tajuna, gayundin sa lahat ng bumubuo at nagsisilbi sa konseho. Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at serbisyo para sa buong TCQC.

Ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa iilang tao. Ito ay bunga ng pagkakaisa, pagtutulungan, sakripisyo at dedikasyon ng bawat miyembro ng aming Chapter. Isang patunay na kapag sama-sama at may iisang layunin, may magandang resulta ang bawat pagsisikap.

MOTHER IGNACIA TRISKELIONS — BEST CHAPTER, TCQC 2026
Under the leadership of GT Aldwin “Ara” Estrella. 🫡🔥

Lubos din ang aming pasasalamat sa aming Sector Head, Triskelion Sector of Brgy. South Triangle, sa pangunguna ni JP “Chodie” Cauilan, sa patuloy na paggabay, suporta at pagkalinga sa aming Chapter.

Ang parangal na ito ay magsisilbing inspirasyon upang lalo pa naming pagbutihin ang aming serbisyo, pagkakaisa at responsibilidad bilang mga Triskelion.

Maraming salamat, TCQC!
Maraming salamat sa tiwala at pagkilala.
Ang karangalang ito ay aming iingatan at gagawin naming inspirasyon upang patuloy na maging karapat-dapat sa pangalan ng Mother Ignacia Triskelions.

Mabuhay ang Mother Ignacia Triskelions!
Mabuhay ang TCQC!
ARRIVA ARRIVA ARRIVA TAU GAMMA!! 🫡

HAPPY 26TH ANNIVERSARY, TCQC! 🥳💙Warmest greetings and congratulations on 26 years of brotherhood, unity, and strong fell...
21/08/2026

HAPPY 26TH ANNIVERSARY, TCQC! 🥳💙

Warmest greetings and congratulations on 26 years of brotherhood, unity, and strong fellowship!

Greetings from the Mother Ignacia Triskelions, under GT Ara Aldwin Estrella together with TSBST Sector Head Jp Cauilan . 🫡

Here’s to many more years of brotherhood, success, and lasting memories. Mabuhay, TCQC! 🫡

Address

121 Mother Ignacia Brgy South Triangle
Quezon City
1103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mother Ignacia Triskelions CC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share