16/10/2026
๐๐ซ๐จ๐. ๐๐ซ๐ข๐๐ฌ ๐๐ซ๐ฎ๐ ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ข๐ง๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ค๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ | ๐๐ฐ๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐๐ฌ
Sa isang maikling ulat ng 8world Stories tungkol sa mga dinastiyang pampolitika sa Pilipinas, ipinaliwanag ni UP Diliman Department of Political Science Professor Aries Arugay kung paano napapanatili ng mga pamilyang politikal ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang apelyido, reputasyon ng mga naunang miyembro ng pamilya, at mga ugnayang nakabatay sa palitan ng pabor at benepisyo.
Tinalakay rin niya kung paano nakaaapekto ang patronage politicsโkung saan naipagkakaloob ang mga materyal na benepisyo kapalit ng suportaโat ang pamimili ng boto sa mga pasiya ng mga botante. Para sa ilang botante, maaaring mas kongkreto at agarang kapaki-pakinabang ang materyal na tulong kaysa sa pangakong mabuting pamamahala, na maaaring mahirap makita o tiyakin ang katuparan.
Binigyang-diin din ni Prof. Arugay ang usapin ng pananagutan kapag ang mga pangunahing posisyon sa pamahalaan ay pinanghahawakan ng mga magkakaugnay na pamilyang politikal. Sa ganitong kalagayan, mahalagang itanong kung paano nila mababantayan at mapapanagot ang isaโt isa kung magkakaugnay ang kanilang mga interes.
Panoorin ang buong ulat ng 8world Stories tungkol sa mga dinastiyang pampolitika sa Pilipinas: https://www.8world.com/in-depth/focus/philippines-political-dynasties-3311196