11/05/2025
๐จ๐๐๐๐
โ๏ธ: ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐ถ๐๐๐๐๐๐โ ๐ฟ๐๐ก๐๐๐๐๐ฆ ๐ธ๐๐๐ก๐๐
Minsan sa tatlo at anim na taon, may buwan na umaambon ng mga huwad. Ang buwan ng mga hilaw na pangako laban sa daing na halos mabulok na. Ang araw na palibhasa'y laging suntok sa buwan.
Ang mayo ng mga maoy at ang mayo na may amoy.
Sa listahang may magnanakaw at balotang impit ang sigaw, mauuwi na naman ba tayo sa bahaw?
Hindi katulad ng ulan, katamtaman kung maramdaman ang ambon sa balat. Kung sa kalamidad rumaragasa at tumatagal, sa ambon tila patak ng pag-iingat at malumanay na pagdaloy.
Hindi malakas, hindi rin mahina.
Basa, pero hindi nakakabasa.
Katamtaman, pwede na.
Pero hindi ba ambon muna bago ang bagyo?
O isa silang bagyo na nagpapanggap bilang isang ambon?
Hindi malakas ang bulong ng pamimilit, hindi mahina ang pangakong paulit-ulit. Basa ang palad sa pakikipag kamay, ngunit hindi nababasa ang hinaing ng bayang halos wala ng malay. Katamtaman na pamamahala, pwede na upang ikabagsak ng lahat.
Ngunit sa mata ng mga salat, parang ambon ang tamang pagpili; saglit na tulong kunwari ay kakampi. At sa pakiwari ng mga uhaw, may ambon basta pipili; kakaunting halaga kung hindi ay may ganti.
Ambon na biyaya at malasakit
Ulan ng kahirapan at pasakit
Pipili basta may salapi
Salapi na nakaw ng mga pinipili
Minsan sa kalsada
Madalas sa balota
Parang ambon kung maramdaman
Delubyo naman kung kapalpakan
Tama, dahil ang mayo na may amoy ay mayo ng mga maoy.
Kung isisisi man sa tag-tuyot, ang ambon na paglilingkod pa rin ang puno't dulo. Kataksilan ang pangaabuso sa kakulangan ng karamihan. Tahasang kabastusan ang pagpapayaman sa pagod ng mga nahihirapan.
Para raw sa bayan pero sinungaling ang bulsa. Muling iboto para sa pagbabagoโano bang naging silbi habang nakaupo. Kandidatong ambon sa una pero bagyo kung maglaon, kataksilan nila ang gawing baon para sa darating ng eleksyon.
Sana mayo naman na wala ng amoy.
Sana mayo naman na para sa mga sawa na sa maoy.
Magising nawa sa huwad na pananaw o madagdagan na naman ang sumasakit na tiyan dahil sa araw-araw na bahaw.
๐ฒ๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐.
Dahil sa listahang may magnanakaw, tama at matalinong pagboto ang magiging daan upang hindi manatili sa balota ang iyong sigaw.
Huwag na ulit sa kandidatong may ambon ng biyayang panandalian, na halatang dumaan lang dahil balota mo ay pinaglalawayan.
Pumili ng karapat dapat.
Piliin ang umulan man o umaraw ay mananatiling tapat.
๐ฒ๐๐๐ ๐๐๐๐'๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
๐๐ข๐๐๐๐ก ๐๐ฆ ๐ถ๐๐๐ ๐ธ๐๐ค๐๐๐ ๐. ๐ฟ๐๐๐ข๐โ ๐๐๐๐๐๐ ๐ฟ๐๐ฆ๐๐ข๐ก ๐ด๐๐ก๐๐ ๐ก
๐โ๐๐ก๐ ๐ถ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ก๐: ๐โ๐ ๐๐๐๐โ ๐๐ข๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐
โ๐ก๐ก๐๐ ://๐.๐๐๐๐๐๐๐๐.๐๐๐/๐โ๐๐ก๐.๐โ๐?๐๐๐๐=675267877969999