22/03/2020
Sa lahat ng mga taga Cobrador, saan mang panig ng Pilipinas at mundo. Anuman ang iyong katayuan sa buhay, may kasabihan nga "Na walang taong mahirap na hindi pwedeng makatulong sa kanyang kapwa". Alam nating ang buong Luzon ay naka Enhanced Community Quarantine at kasama dito ang probinsya ng Romblon at ang ating barangay Cobrador.
Alam rin natin kung ano ang hanapbuhay ng ating mga kabarangay at dahil bawal lumabas ng bahay maraming kabarangay tayong di makahanapbuhay. Although, may tulong na ibinibigay ang ating gobyerno through LGUs gaya ng barangay pero alam natin na limitado lang din ang pondo ng mga barangay at maaring may tulong pa na ibibigay ang iba pang ahensya ng ating gobyerno.
Bakit di rin tayo kumilos bilang indibidwal o taga Cobrador na magtulong-tulong sa kung ano ang kaya nating maitulong para sa ating mga kabarangay. Maliit man o malaki iyan pag pinagsama-sama malaki na ang magagawa niyang tulong para sa ating mga kabarangay.
Di panahon ngayon na magbantay ng kung anong mali, pagkukulang ng ating mga opisyales o mga namumuno, ito ang panahon upang tayo ay magtulong - tulong para mapaglabanan natin ang ating kinakaharap na salot at kahirapan.
Alam kung ang mga "Nagusonians" ay may lubos na pagmamahal at malasakit sa kanyang mga kabarangay.
Ngayon na ang panahon na ipakita natin sa iba na ang mga Nagusonians ay kakaiba sa iba.....
Tayo na, sama-sama nating gawin ang makakabuti para sa ating minamahal na Barangay Cobrador...
Sa mga gustong magpaabot ng kanilang tulong, mag message lang po kung paano. Maraming salamat po sa lahat. Patuloy nawa kayong pagpalain ng Poong Maykapal at ang inyong mga pamilya kasabay nito ang patuloy na pag - iingat at pagbibigay proteksyon ng Diyos sa ating lahat laban sa COVID 19.