13/06/2026
Pagkilala sa ika-128 na taon na araw ng kalayaan ng Pilipinas ๐ต๐ญ
Nakiisa ang Binalatongan Community College, ang mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan, mga kinatawan mula sa ibaโt ibang sektor sa pangunguna ng ating City Mayor Hon. Julier Ayoy Resuello sa pagdiriwang ng araw ng ating kalayaan.
Bilang pagpupugay sa kabayanihan ng ating mga ninuno, isinagawa ang pag-aalay ng bulaklak, sabayang panalangin, at mga makabayang pagtatanghal na nagbigay-buhay sa diwa ng kalayaan.
Nagbigay ng kahanga-hangang pagtatanghal ang BCC Binhi Performing Arts at ang SEPNAS Drum and Lyre Corps, na nagdagdag ng kulay at sigla sa pagdiriwang. Nakiisa rin ang mga miyembro ng Boy Scouts of the Philippines at Girl Scouts of the Philippines, SSLG President at Vice President ng SEPNAS, na buong dangal na nakilahok sa programa bilang simbolo ng disiplina, paglilingkod, at pagmamahal sa bayan.
Sa paggunita sa mahalagang araw na ito, muling pinagtibay ng Lungsod ng San Carlos ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at pagpapanatili ng kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani. Nawaโy magsilbing inspirasyon ang kanilang mga sakripisyo upang patuloy nating pangalagaan at pahalagahan ang ating kalayaan para sa susunod na mga henerasyon.
Mabuhay ang Pilipinas!
Mabuhay ang Lungsod ng San Carlos!