27/07/2017
PSU Love
"CREATION"
"You are invited to join at the PSU Editors Guild Seminar @ *** Hotel on Monday"
Text sa akin ng editor in chief namin that weekend. Siyempre na excite ako kasi first time ko sumali. Bale nag van kami ni EIC at ni Photojournalist namin. Yung iba kasing staff na di ko kilala(di ako super active) eh nauna na.
Pagdating dun, pumunta kami sa frontdesk para malaman yung room namin. Nagdasal ako ng sobra sobra para maka room ko si EIC dahil siya lang close ko. Sa sobrang swerte, matutulog ako sa 3rd floor kasama ang hindi ko kilalang nilalang.
Padabog ako naglakad papuntang room ko; at sa sobrang inis eh padabog ko din nilapag ang gamit ko sa bed ko. Di ko napansin na may nakahiga na sa tapat na k**a.
Description: lying position, naka red shirt, naka faded jeans, at naka takip ang braso sa mata. Gets nyo na yun.
So na obserbahan ko na buong mukha niya. Slim fit body, pink lips, aristocratic nose, makinis ang balat. Sabi ko nga, pag ito maganda pa ang mata, maloloka na ako.
(Hoy! Sana di mo mabasa to)
Nagulat ako noon nung bigla kang gumalaw kasi baka mahuli mo akong tinititigan kita. (Lande!) Kaya biglang akong nag ayos ng gamig na kanina lang ay dinadabog ko. Tapos inalis mo yung braso mo at lumingon ka sakin. There, I saw your brown eyes. Sabi ko noon, ang perfect naman ng mukha nito.
Ngumiti ka sakin tapos nag hello ka. Ngumiti ako at nakipag kilala sayo. Sabi mo ikaw si Creation. Ako si Ghie. Cartoonist ka pala sa atin, pero di tayo magkakilala. Nakakatawa lang dahil CTE pa tayo pareho at magkaiba lang ng year.
Pumunta tayo sa hall para sa opening program. Nagtawag sila ng kakanta. Vinolunteer ka ng mga kasama natin. Magkatabi tayo nun kaya kitang kita ko yung pagkagulat mo. Then pumunta ka sa kabilang campus para humiram ng gitara. Tumugtog ka sa harap at marami ang humanga. Ako?? Kinamayan kita at cinongrats ka, ang galing mo pala kumanta.
Kinagabihan, magkaharap tayo habang nakahiga sa kanya kanyang k**a. Nag uusap tungkol sa mga buhay natin. Tawa ka pa nga ng tawa. Tapos nagulat ako nung lumapit ka sa bed ko. Tinuloy parin natin ang usapan habang tinititigan kita sa mata.
Nagulat nalang tayo nung biglang pumasok si EIC para sabihing socialization night na. Agad tayong bumangon at nagpalit ng damit. Sa socialization, ikaw ang taga kain ng mga bitbit ko, pati taga inom ng juice ko na sa gitna ko pa kinukuha. Nagagalit ako sayo nung nginitian mo lang ako at nag sorry sakin.
Sa kuwarto after socialization, magkatabi tayo sa bed ko. Nagbabasa pa ako ng libro nun at nagse-selfie ka hangang na lowbat mo yung camera ko. Natulog ka na nun at hindi na lumipat ng bed mo.
Nagising ako ng madaling araw at di na makatulog, dumiretso ako sa terrace at nag open ng laptop. Nagulat nalang ako ng may malapit na ulo sa sa side ko nakikibasa sa ine encode ko. Niyaya mo ako mag breakfast kahit maaga pa. Wala pang breakfast nun kaya nag ikot muna tayo.
Nagsimula ang event at wala kang gana mag sulat. Pinilit pilit pa kita na mag submit ng write up mo.
Kinagabihan, nag uusap tayo at nagtatawanan. Bigla kang tumahimik at tinanong ako: kuya bakla ka ba?. Nabigla ako dun pero sinagot kita ng "hindi ah" kasi natatakot akong ayaw mo na sa akin. Tinitigan mo lang ako at wala kang tigil na tumawa. Nung gabing yun iniisip ko ng umamin sa lahat, sa sarili ko. Na baka sakaling matangap ako ng lahat kahit na di ako lalake.
Kinabukasan, nanalo ka sa editorial at sports writing. Uwian narin nun. Sumakay tayo sa bus. Nasa magkabilang side tayo ng bus. Habang nakatitig ka sa labas ng bintana, nakatitig ako sayo. Kasi baka yun na yung huling magkasama tayong close.
Na baka after nun eh maging stranger na ulit tayo. Mukhang tanga ng iniisip ko diba?
Hangang sa lumadlad na ako bilang ako. Kasi baka okay lang. Baka tangap mo parin ako tulad ng nung nasa seminar tayo. Pero lumayo ang loob mo sa akin.
"Akala ko kasi lalake ka talaga dahil di ka nag oo noon"
Pasensya na. Wala pa akong lakas ng loob noon. Ang landi ko kasi na umasang baka may pag asa pag nalaman mong di naman pala ako lalake. Ang tanga lang ng pag iisip ko noon. Di ko inisip na wala kaming pag asa sa lalake.
But now, Im happy being the real me. Salamat sa pagiging susi para mailabas ang true colors ko. You are my creation.
Wala naman talagang magiging tayo. Pero salamat parin sa friendship. Na kahit na 4 years na ang nakalipas, we are still friends. You being you. And me, being the real me.
Hoping na maging magkaibigan parin tayo for the next years.
September
CTE
2015
Bayambang